Forever 54

892 70 16
                                    

Ilang araw na naging balisa si Bea. Parang mabaliw siya sa loob ng kulungan sa dami ng kanyang iniisip. Halos araw-araw niyang binabalikan ang mga nangyari. During her lowest moment a memory struck her mind that she longed so much to remember.

"What is this?" Bea asked nang makita niya ang isang violet card na nakaipit sa mga folders sa mesa. Bago pa man niya makuha iyon ay naunahan na siya nito.



Inagaw nito ang card at mabilis na isinilid sa shoulder bag nito. Galit itong napaharap sa kanya. "Huwag kang makialam ng mga gamit ko Bea. Kailanman ay hindi ako nakialam sa mga gamit mo."



Nagulat si Bea sa inasal nito. Kailanman ay hindi ito nagalit ng ganoon sa kanya. That was the first time.


"Sorry na." she said sincerely. Lumapit pa siya sa mesa nito at siya na ang nag-ayos niyon. Pagkaraan lang ng ilang sandali ay ok na ulit sila. She even forgets about the card in no time.



Biglang kinabahan si Bea nang maalala niya ang lahat. Mabilis siyang lumapit sa prison bars at tumingin sa labas. She asked if she could make a call. Unfortunately, hindi siya pinayagan. Paulit-ulit siyang nagmakaawa pero hindi na siya pinansin. Ngumawa siya ng ngumawa pero wala siyang napala. Kinagalitan tuloy siya ng mga kasama niya sa selda.



Habang tumatagal ang oras ay mas lalo siyang kinakabahan. She became restless.



*****


She was waiting for a cab when a vehicle stopped beside her. Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita niya ang secretary ni Alden na dumungaw doon. She smiled at her. Medyo kumunot ang noo niya dahil hindi niya alam kung saan kinuha ng babae ang kotse nito. Ang alam niya ay kay Alden ito sumabay.


"Hello Ma'am." nakangiting bati sa kanya ng babae. "Babalik ka na ba sa hotel? Isasabay na kita."


"Hi Yumi." masaya niyang bati dito. "Doon na din ba ang punta mo?"


"Yes ma'am. Nakita kitang naghihintay dito kaya naisipan kong dumaan. Sa hotel na rin naman po ang diretso ko."


"Salamat Yumi. Kanina pa nga ako naghihintay ng masakyan dito."


She opened the backseat door at pumasok siya sa loob ng sasakyan. Pinatakbo rin kaagad iyon ni Yumi pagkapasok niya.


****


"dela Cruz! May dalaw ka!"


Napatayo si Bea nang marinig niya ang pagtawag ng guwardiya sa pangalan niya. Nabuhayan siya ng loob. Kung sino man ang dumating ay hulog ito ng langit. Nang pumunta siya sa visitor's area ay si Bianca ang nadatnan niya doon. Nakatingin ito sa kanya na blangko ang mukha at walang kaemo-emosyon. Pinigilan niya ang sarili na sugurin ito ng yakap. In the first place, namissed din naman niya ito. Kahit naman ito talaga at si Yumi ang mas close ay napalapit din naman ang loob niya dito. And they haven't seen each other for months.

 Yours Forever (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin