Forever 9

1.1K 75 10
                                    


I am very sorry for the delayed update. 


I was planning to unpublish this. Parang mali kasi yata ang ginawa kong pag-introduce sa kuwento. I think marami po ang naoffend. Binalak ko pong tanggalin na lang kahit wala ng book 2. But since marami ring may gusto at sumusuporta nito, I was given the drive to continue it. I will not promise anything but I will do my best para mapantayan nito yung book 1. Thanks!


Natapos na ang lahat ng mga laro nina Menard. Ang team nila ang nanalo kaya paniguradong marami ang kukunin sa kanila na magrerepresent ng CAR sa palarong pambansa. Umuwi na rin ang karamihan sa kanyang mga kasama. Ang iba ay magbabakasyon muna since bakasyon na rin naman nila.


Siya ay naiwan sa kanilang hotel. Nagpaalam kasi ang Daddy niya na pupunta ng Manila dahil may aasikasuhin itong business doon. Ok lang naman iyon,atleast sinamahan siya ng Daddy niya sa kanyang mga laro. He supported him all the way. Gusto sana nitong isama siya pero nagpumilit siyang magpaiwan. Ayaw niya kasi ang init ng panahon sa Kamaynilahan.


At the age of eight, kabisado na niya ang buong Baguio. Malaya siyang nakakapunta sa gusto niyang puntahan. Maliit pa kasi siya ay ipinasyal na siya ng kanyang ama kung saan-saan. Ang hotel ng kanyang ama ay sa Camp John Hay rin nakatayo kaya walang problema kung gumala siya mag-isa doon. Safe naman ang lugar.


Dahil nabagot siya sa hotel kaya siya lumabas at naglakad-lakad. He remembered his dog. Sana ay isinama niya ito para may kasama siya sa paglalaro. Sa bahagi ng isip niya ay naalala niya ang kanyang ina. His beloved mother. Sana ay kasama niya rin ito ngayon. Hindi kasi ito mahilig magbiyahe kaya nabibilang lamang ang pagsama nito sa kanila ng Daddy niya sa Baguio. And his mother is contented on managing their guest house in Sagada, the Verdants Homes. Iyon ang kasiyahan nito. He smiled upon the thought of his mother. Pag-uwi niya sa Sagada ay sasalubungin niya ito ng maraming halik sa pisngi. He really missed his mom.


*****


Habang nasa Baguio si Alden ay sinamantala niya ang pagkakataon na bisitahin ang isa sa pinakamahalagang lugar sa pag-iibigan nila ni Maine, ang The Manor Hotel. Walang nabago sa lugar mula nang huli siyang pumunta doon. Ang nabago lang ay siya. Mag-isa na niyang pumunta doon. Hindi niya kasama ang kanyang asawa.


Pagkatapos ng ilang sandali sa hotel ay napilitan siyang lumabas at naglakad-lakad. Napadpad siya sa baba kung saan naroroon ang mga kainan at mga nakatayong establishments ng mga damit at ilang mga tindahan tulad ng souvenir shop. Pinaunlakan na rin ang mga taong nakakapansin sa kanya na makipagpicture.


Nang mapadaan siya sa tindahan ng mga damit ay napansin niya ang isang batang lalaki na titig na titig sa isang bestida. Naaliw siyang pagmasdan ito. Napansin niyang tila malalim ang iniisip nito na hindi karaniwan sa mga bata.


Tumikhim siya para makuha ang pansin nito. The boy did not even budge. "Sweetheart." tawag niya rito gamit ang endearment niya sa kanyang anak na si Charmaine.


Doon ay tiningala siya ng bata. He came face to face to a very handsome boy. Ang innocence sa mga mata nito ay tumatagos sa buo niyang pagkatao. And those eyes, he can't understand but they are too familiar at tila nakita na niya ang mga iyon. Hindi niya lang maintindihan kung saan.


Ang inosenteng mukha ng bata ay biglang napalitan ng isang kakaibang reaction. Ang nga mata nito ay nagtatanong then admiration followed. He smiled then, "Hello Sir."


Ginulo niya ang buhok nito. Hw knelt down para pagpantayin ang mukha sa bata. "What's your name at bakit titig na titig ka sa damit na iyan?"


"Ako po si Menard Sir." bibong sagot ng bata. "My parents said that I should not talk to strangers. But you won't harm me right?"


"Of course." aniya na napatawa ng malakas. "I will never harm a child like you."


"Great." Menard answered. Muli nitong binalikang tingnan ang damit at saka bumalik din sa kanya. "I imagined my mother wearing that. Paniguradong bagay na bagay sa kanya iyon."


Ngumiti si Alden nang muling mapagmasdan ang damit. Si Maine ang naiimagine niyang may suot ng dress na iyon. "Your mother must be sexy." biro niya sa bata. Sexy kasi ang damit.


"She is!" said Menard with so much eagerness and pride in his voice. "And she is very beautiful too. Pati si Dad ay iyon din ang sinasabi niya sa akin."


Ngumiti lang siya ng tipid. Bigla kasing sumagi sa isip niya ang kanyang asawa. Noong bata pa si Charmaine ay palagi niya ring ibinabida rito how sexy and beautiful her mother is. Mabilis niyang iniwasan ang mga kaisipang iyon at muling binalingan ang bata. "Anyway, ako si Alden and I can be your friend. Gusto mo bang bilhin natin ang damit na iyan?"


Gulat na napatingin sa kanya si Menard. "No sir. Wala po akong dalang pera."


"No problem." he answered willingly. "Ako na ang magbabayad. Libre ko iyan sa iyo. So friends?"


Ngumiti si Menard at tinanggap ang kamay niyang nakalahad ang shook it gently. "Friends. Salamat Sir Alden."


Napatayo na rin siya at hinawakan ang kamay ng bata. Magkasabay silang pumasok sa loob. Binati sila ng nagbabantay. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila.


"Good morning Sir." magalang nitong bati. "May anak po pala kayong lalaki. Kamukhang-kamukha niyo po Sir."


Napangiti siya sabay tingin kay Menard. Gusto niya sanang sabihin na hindi niya ito anak pero hinayaan niya lamang ito sa ganoong paniniwala. "Magkamukha talaga kami?"


"Yes Sir. Magkaiba lang kayo ng mata. And Sir, may dimple din siya parang sa inyo."


Napansin na rin niya iyon kanina. "You're right." aniya. "My son wants that dress for his mother."


Nabigla ang saleslady sa kanyang sinabi. Well, the news about Maine's death years ago shocked the nation. Baka isa ito sa nakakaalam niyon. Ngumiti lang ang saleslady bilang tanda na hindi nito hinuhusgaan ang kanyang pagkakaroon ng anak sa ibang babae. Deep inside, he is laughing. Hindi naman niya kasi talaga anak si Menard. Yet, he feels some fulfilling emotiom deep inside him. Natutuwa siya habang sinasabi niyang anak niya ang batang lalaki.


"Wait lang po Sir. Kukuha po ako ng stock. Ganyan din po ba ang size?"


"Yes please."


Muli niyang kinausap si Menard nang pumasok ang saleslady sa stockroom. Natutuwa siya talaga sa bata. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay nararamdaman niyang sana anak niya talaga ito. He feels so proud.


Bumalik ang saleslady at ibinigay sa kanya ang kanilang binili. Pagkatapos nilang magbayad ay humirit pa ang babae ng selfie mula sa kanilang 'mag-ama'. Natatawa si Menard sa lahat ng nangyayari.


 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon