Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulala sa kanilang dalawa, binibigay ko yung best ko para hindi ako maiyak, pakiramdam ko mamaya ay pwede ko ng bigyan ng award yung sarili ko bilang 'best actress' at 'most tanga award' dahil hanggang sa makarating kami sa bus stop ay nanatili akong poker face at hindi umiiyak.

Bumaba na rin ako ng bus, mas nauna silang naglalakad sa akin. Hinayaan ko muna silang makalayo ng bahagya sa akin bago ako nagsimulang maglakad na rin.

Nanginginig yung tuhod ko kasabay ng pangingilid ng luha ko. Habang naglalakad ako sa likuran nila, habang nakikita ko yung kamay ni Jungkook sa baywang ni Lisa na dati ay sa akin nakalagay.

Malayo layo pa yung lalakarin papuntang school dahil medyo malayo yung bus stop. Naninikip yung dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila pero wala na akong ibang nararamdaman bukod doon.

Sa totoo lang ay pwede naman akong mauna nalang maglakad sa kanila pero bakit hinahayaan kong magkaganto ako. Kung pupwede naman akong gumawa ng paraan para hindi ako masyadong masaktan.

Natigilan ako sa paglalakad ko ng makita ko kung papaano dumikit yung labi ni Jungkook sa pisngi ni Lisa. Kitang kita ko kung papaano mamula yung pisngi nilang dalawa hanggang sa unti-unti silang napangiti pareho.

Doon ko na narealize na hindi ako magaling magpigil ng luha, unti-unting bumagsak yung luha sa mata ko, medyo nakakalayo na sila ng tuluyan sa akin. Kanina kasi ay ilang hakbang lang ang layo nila pero hindi nila ako napapansin, dahil masyado silang busy sa pagtingin sa isa't isa.

Masyado silang in love sa puntong hindi na nila napapansin ang paligid nila dahil ang tanging nakikita nalang nila ay yung isa't isa.

Alam ko, alam ko yung ganoong pakiramdam kasi minsan ko na rin yung naramdaman. Pero siya kaya? Kahit minsan ba, kahit isang beses lang naramdaman kaya niya sa akin yun?

Akala ko ay magmumukha akong tanga sa harap ng mga tao dahil umiiyak ako sa kalsada ngayon habang pinipilit kong maglakad ng diretso. Pero sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako naging thankful sa ulan, ngayon lang ako naging thankful dahil hindi mahahalata ng mga tao na umiiyak ako.

Ngayon nakasunod pa rin ako sa kanilang dalawa, nakapayong sila at para bang naeenjoy pa nila yung malakas na ulan. Pero ako, hindi. Thankful lang ako sa ulan pero hindi ako nag-eenjoy.

Pwede naman akong umurong at tumakbo nalang papalayo pero bakit hindi ko ginagawa, bakit nakasunod pa rin ako sa kanila? Pwede ko naman silang puntahan ngayon at sumbatan sila, sabihin sa kanila lahat ng nararamdaman ko hanggang sa mawalan ako ng boses pero bakit hindi ko ginagawa?

Simple lang, kasi hindi ko kaya.

Hindi ko rin kaya na masaktan sila dahil sa mga bibitawan kong salita sa kanila dahil pareho silang mahalaga sa akin. At lahat ng taong mahalaga sa'yo ay hindi mo hahayaan na masaktan, hindi kagagawa ng bagay na magiging dahilan para masaktan sila.

Kaya kahit minsan kaya, naging mahalaga rin ako sa kanila?

Napatigil na ako sa paglalakad ko, nanghihina na yung tuhod ko at nanlalabo na yung mata ko. Napahawak ako sa pader malapit sa akin bago pa ako tuluyang mapaupo sa basang kalsada.

Napahagulgol ako ng malakas, wala na akong pakialam kung makita ng mga taong nasasaktan ako, kasi iyon naman talaga yung totoo.

Nasasaktan ako.

Naramdaman kong wala ng ulan na pumapatak sa akin, hindi dahil humupa na yung ulan kundi dahil may taong pumipigil nito para hindi ako maulanan.

Tumingala ako para tingnan kung sino yung taong iyon, siya rin yung taong nasa harapan ko kahapon.

Si Taehyung.

Basang basa na rin siya sa ulan ngayon dahil sa akin niya itinapat yung payong na hawak niya, ngumiti siya sa akin bago niya inabot yung kamay niya pero masyado akong wala sa sarili kaya hindi ko nagawang tanggapin iyon.

Pero yumuko siya para abutin yung kamay ko at sapilitan akong itinayo sa pagkakaupo ko. Hanggang sa napatingala siya sa langit bago siya pumikit habang dinadama niya yung pagpatak ng ulan sa mukha niya.

Nang idilat niya yung mata niya ay tumama agad iyon sa akin.

"Wala na rin palang silbi 'tong pareho, pareho na nga pala tayong basa." Nakangising sabi niya bago niya sinarado yung payong niya.

Napansin kong napapatingin sa amin ang ilang mga kapwa estudyante naming naglalakad rin papasok sa school, lahat sila nakapayong.

Kaming dalawa lang ang hindi.

Nagkatitigan lang kaming dalawa, ang pinagkaiba lang ay siya ay nakangiti habang ako ay sinusubukan kong ngumiti.

Nang mapansin niyang hindi lang ulan yung bumabagsak sa mukha ko, kundi may kahalo iyong luha. Doon na unti-unting nawala yung ngiti sa mukha niya.

"G-Gusto mo bang m-mag..." Nakita ko yung pag-aalala sa mukha niya pero pilit syang ngumiti sa akin. "... ice cream?" Dagdag pa niya bago siya ngumiti ulit, pero genuine na.

Napakagat ako sa labi ko bago unti-unti na naman akong napahikbi pero pilit akong ngumiti at tumango sa kanya.

Nababaliw na yata ako, umiiyak ako pero ngayon ay natatawa ako. Natatawa ako dahil sa kabila ng malamig na panahon, ice cream pa yung naisip niyang i-alok.

Napansin niyang tumatawa ako pero umiiyak pa rin ako. Nang makita ko yung awa sa mata niya ay tuluyan ng nawala yung tawa ko. Kasi pinakaayoko sa lahat ay yung kinakaawaan ako ng mga tao.

"Rose..." Tawag niya sa pangalan ko.

Hindi kami magkaibigan ni Taehyung pero hindi rin kami magkagalit, simple lang. Magkaklase lang kaming dalawa at yun lang ang relasyon namin, kaya hindi ko akalain na pinag-aaksayahan niya ako ng oras, na pinag-aaksayahan niya ng oras yung isang taong hindi rin naman makikinig sa kahit anong payo na ibigay sa akin ng mga taong nakapaligid.

"Pwede bang huwag ka ng umiyak?" Mahinang tanong ninya sa akin.

Papaano? Papaano ko hindi iiyak? Kasi sa totoo lang nagsasawa na rin akong umiyak.

"Pwede bang huwag mo na silang tingnan ulit?"

Napakagat ako sa labi ko, hindi ko kaya. Pero hindi ko rin masabi sa kahit kanina na hindi ko kaya.

"Pwede bang huwag ka ng magpakatanga sa kanya?"

Halos hindi ko na makita si Taehyung dahil puro luha nalang yung nasa mata ko, naninikip yung dibdib ko pero parang mas nararamdaman kong nasisira iyon.

"Pwede bang yakapin ki-- no, mali..." Bahagya siyang lumapit sa akin bago niya pinunasan yung luha ko. "Pwede bang yakapin mo ko?" Sincere na tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at kung bakit yinakap ko si Taehyung noon habang wala akong kaemo-emosyon sa mukha.

Siguro dahil gusto kong gumaan ulit yung pakiramdam ko, gusto ko ulit maramdaman kung papaano humupa yung lahat ng sakit na nararamdaman ko nung niyakap ko si Jimin kagabi, kasi akala ko yakap lang yung makakapagpawala ng lahat ng sakit.

Pero pagdilat ko ng mata ko tumama yung paningin ko sa isang taong basang-basa rin ng ulan... kahit nakapayong siya.

Nagkatinginan kaming dalawa pero ilang saglit lang ay umalis na rin siya.

At hindi na ulit ako tiningnan ni Jimin.

ROSALINE (Short Story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz