SANDRO - THE SENATOR'S WIFE

9.9K 116 0
                                    


SANDRO

THE SENATOR'S WIFE

"Ano'ng problema ko? Gusto mo talagang malaman?!"

Napahiya si Sandro sa sinabi ng among babae. Hindi siya dapat nagsalita. Alam niya naman na kanina pa ito wala sa mood. Ang karaniwang disposisyon nito noon ay masiyahin. Madalas itong ngumiti sa kanya at sa kanyang mga kasamahan. Kung alam lang nito, hindi lang miminsan niyang naitanong sa sarili kung bakit nanatili itong kasal sa asawa.

Isang taon pa lang siya sa pagtatrabaho sa mag-asawa. Bago iyon, kung ano-anong trabaho ang pinapasok niya para makapagpatuloy ng Law, isang bagay na hindi madaling gawin, kaya inabot siya ng ilang taon para magtapos. Kadalasang nag-iipon muna siya bago papasok ng isang sem. Kapag sinuwerte, matatapos niya ang isang taon. Kapag minalas-malas, mapapatigil.

Maganda ang suweldo ng kanyang ama pero anim silang magkakapatid at lima na ang apo ng matanda. Sa kanila pa rin nakapisan ang mga apo. Hindi naging madali ang buhay ng kanilang pamilya.

Siya ang pangatlong anak. Ang dalawang nauna ay maagang nag-asawa, habang ang dalawang bunso ay tapos na rin ng pag-aaral pero entry level pa lang sa kanya-kanyang kompanyang pinasukan. Sa kanya umaasa ang lahat para magbigay sa mga ito ng isang magandang buhay at malaki ang pag-asa kung makakapagsimula siya sa opisina ng isang senador. Noon pa, ipinangako na iyon sa kanyang ama at kahit siya ay excited para doon. Higit sa lahat, alam niyang lesser devil si Senator Advincula. He may not be perfect but he was clean.

Noong una niyang pasok sa senador ay halos hindi siya makapaniwala sa kasimplehan ng maybahay nito. She was always smiling, always joking around. Iyon lang, medyo mataray ito kapag pagod. But she was always respectful. Hindi ito kailanman nag-utos nang pabalang, hindi nanigaw ng tauhan, hindi nakipag-usap sa paraang ipinapakita ang agwat ng dalawang tao. All in all, Mrs. Advincula was a very nice person. And she was lovely.

Ilang buwan na siya sa pamamasukan sa senador nang may mapansin siyang kakaiba sa lalaki. Something did not seem right. Sa tuwing magre-relieve siya sa isang regular nitong bodyguard ay napapansin niyang masyado itong malapit sa assistant na si Bojo. May isang pagkakataon na nasa Subic sila ay doon natulog sa kuwarto ng senador ang lalaki. Hindi niya alam kung normal lang ba iyon, kung mayroon bang tinatapos na trabaho ang mga ito, pero parang walang anoman sa iba niyang kasamahan.

Nang umuwi siya, naitanong niya iyon sa ama na sumagot lang sa kanya ng, "May mga bagay sa trabaho mong hindi mo na kailangang pag-isipan dahil wala ka nang pakialam pa."

He understood. Napansin din ng kanyang ama ang mga ganoong bagay siguro pero hindi na lang binigyang-diin. Tama naman ito, wala silang pakialam sa personal na buhay ng senador. Ang trabaho nila ay ang siguruhin ang kaligtasan ng lalaki at iyon lang. Pero madalas niyang maitanong sa sarili kung masaya kaya si Mrs. Advincula. Kung alam kaya nito ang lahat. Mukhang kailan lang nito nalaman at galit ito. Galit na galit.

"Pasensiya na, Ma'am."

"Pasensiya? You're in on it with the rest."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Shut the hell up!" angil ng babae. Noon lang niya ito narinig na nagsalita nang ganoon. "I'm all dressed up and nowhere to go so shut up!" Sumakay na ito sa van.

Napabuntong-hininga na lang si Sandro. The woman was indeed all dressed up. She was sexy. She was beautiful. Matagal na niyang pinipigilan ang nararamdamang attraction sa babae. Hindi iyon tama. Itinago na lang niya ang atraksiyon sa malalim na bahagi ng isip niya, umaasang hindi iyon mawawala roon. Hindi papalag. Hindi tatakas. Pero mahirap gawin kung minsan.

Tales of Love and LustOù les histoires vivent. Découvrez maintenant