ADDIE - THE UNFAITHFUL HUSBAND

11.5K 111 0
                                    

ADDIE

THE UNFAITHFUL HUSBAND

"I'm going now. See you next week."

Walang reaksiyon si Adoracion sa halik ng asawa sa kanyang pisngi. He looked happy. Bakit nga naman hindi kung sa pag-alis na iyon ay ligaya ang pupuntahan nito? The man was no other than Senator Carmelito Advincula, a lawyer and the defender of the poor. He had a universal charm, one that would transcend political parties.

Pinagmasdan ni Addie ang asawa hanggang sa makalabas ito ng pinto, saka naitanong sa sarili kung hanggang kailan siya mananahimik sa mga gustong sabihin dito. Unang-una, gusto sana niyang sabihin sa lalaki na alam niya ang sikreto nito. She discovered his secret a few months ago, when he literally searched for answers and found them all—in his laptop.

Noong hindi pa sila kasal ng lalaki, wala siyang ibang gustong gawin sa buhay kundi ang pakasalan ito. They were college sweethearts. Nagkahiwalay sila noong nag-aral siya sa Amerika, habang ito naman ay naging busy sa law school. Habang siya ay abala sa pagtratrabaho sa France bilang pastry chef, si Carmelito naman ay bumubo ng pangalan sa politika, tulad ng inaasahan dito ng lahat. His father was a veteran senator as well. Kilala ang mga Advincula sa politika.

Nang bumalik siya sa Pilipinas may pitong taon na ang nakakaraan ay nagbukas siya ng pastry shop na nagkataong kinuha ng opisina ng lalaki na noon ay congressman para maging dessert caterer nito. Sa muling pagkikita nila ay may spark agad. It was as if no time had passed between them. Siguro dahil na rin sa hindi masasabing nagkaroon siya ng malaking growth pagdating sa pakikipagrelasyon at ganoon din ang inakala niya rito. He had been busy with politics, while she had been busy with pastries. In fact, she gained about twenty pounds from the last time they saw each other years and years ago. Pero walang kaso sa lalaki. He still looked at her as if she was the most beautiful woman in the world and for that, she loved him more. He asked her out on a date. Pumayag siya, natural, halos hindi makapaniwala na sa lahat ng babaeng puwede nitong maka-date ay siya ang napili nito.

Ang kanyang mga magulang ay walang kasing-saya nang sabihin niya sa mga ito na sila na ni Carmelito. Halos lahat ng kanyang kakilala ay sinasabing huwag na niyang pakawalan ang lalaki. Ang kanyang ama ay madalas noong magbiro sa kanya na suotan ito ng helmet para daw hindi maumpog. Lahat ng iyon ay tinatawanan niya. She always had a positive outlook in life. Masiyahin siyang tao. Hindi niya iniinda ang kaunting pang-aalaska dahil sa kanyang pagka-chubby. So what if people thought they were a mismatch? Proud pa nga siya dahil ang haba ng kanyang hair. Ilang babae lang ba sa mundo ang nakakatagpo ng isang tulad ni Carmelito?

They got married and it was a beautiful marriage at first. Iyon lang at unti-unti niyang napapansin na parang nauubo ang kanya-kanya nilang oras sa mga trabaho. They almost never went out. They almost never had sex. Sa mga araw na libre sila ay palaging nauubos iyon sa pagtulog. They were both exhausted all the time. Gumanda ang career nito at nanalo sa senado, habang siya naman ay nagkaroon ng isa pang negosyo—catering service.

Two years ago, she decided they needed to think about the future, their dream of a family. But to have a family, they needed to have sex. Siya na ang nag-initiate noon, pero palaging ayaw nito. He was always too tired, was always thinking about something. Una, naisip niyang baka may problema ito na ikinahihiya sa kanya. Baka noon pa iyon problema na lumala lang. Noong hindi pa sila naikakasal ay minsan lang may nangyari sa kanila. Noong honeymoon nila na isang linggo, dalawang ulit lang silang nag-sex. Noong simula ng relasyon nila, once a month lang ang intercourse nila. One night, she touched his penis, stroked it and found it still worked fine.

Nagsimula siyang maghanap ng sagot at naisip kalaunan na siguro ay na-turn off ang asawa sa kanyang katabaan dahil tumaba na naman siya. So she started working out, going on diets. Naging successful naman siya sa pagbabalik ng dating timbang nang magkita silang muli. He had always said he loved her that size anyway. Hindi na niya kailangang magpa-slim na tulad ng katawan niya noong college sila.

Tales of Love and LustDonde viven las historias. Descúbrelo ahora