SANTI - THERE JUST MIGHT BE NO TOMORROW INDEED

11.2K 176 4
                                    


SANTI

THERE JUST MIGHT BE NO TOMORROW INDEED

Napapangiti si Santi habang naglalakad papunta sa bahay ni Anita. Malayo ang paradahan doon. Nasa isang maliit na eskinita ang bahay ng babae, ayaw iwan kahit kayang-kaya namang kumuha ng unit sa nagsulputang condo tower sa Kamaynilaan. His girl was always frugal. Hula niya ay napakarami na nitong ipon sa bangko. He was encouraging her to start a business. In fact, he wanted them to start a business together.

He wanted them to be together. Isa iyong bagay na siguro si Anita na lang ang hindi nakakaalam. Everyone knew. His parents, and even his exs. Si Anita ang palaging dahilan kung bakit nakikipaghiwalay sa kanya ang mga girlfriend. Ang latest niya ang tanging tumagal. One year. Well, almost. Isang linggo na lang sana ay mag-a-anniversary na sila ng girlfriend niya pero nakipag-break din ito nang ipagpalit niya sa isang dinner kasama si Anita. That was three weeks ago. Paano ba niya ipapaliwanag na wala siyang hindi iiwan para lang makasama si Anita?

Anita taught him to be brave. To face all his fears. He also taught him how to love. And with that came another fear—a fear of losing her. Dahil kahit ano ang kanilang relasyon ay mas gusto niya iyon kaysa mawala ito sa kanyang buhay.

He can remember the day that he realized he had fallen in love with her. It was a Saturday. Just like today.

NAKAPORMA si Santi para tumira sa bilyar nang biglang may humigit sa hawak niyang taco. Paglingon ay nakita niya si Anita, mukhang galit na galit. Nakauniporme ito at dahil alam niyang may klase sila sa mga sandaling iyon, siguradong nag-cutting classes ito na tulad niya. She looked so cute that mad. Kung minsan, masarap itong inisin kung para man lang makita na sambakol ang mukha nitong pulang-pula. Mabilis itong mapikon sa kanya kaya madalas niyang iniinis. Ang inisyal niyang pagkaasar sa babaeng pakialamera ay agad na nawala nang mas makilala niya ito. What was there to hate about this wonderful girl?

"What?" painosente niyang tanong. Of course he knew why she was there. Nakuha na nito ang resulta ng test. Alam niyang bagsak siya kahit nag-aral sila. Nag-aral ng ilang araw. Ayaw niyang makita ang disappointment sa mukha nito kaya tumakas siya sa klase. Pakiramdam niya, sinayang lang niya ang oras nito. He was mad at himself. Iyon ang ayaw niyang maramdaman. He had always believed he only had himself. Kung siya mismo ang magagalit sa sarili, mukha na siyang gago.

"What?! What?!" anito, nanglalaki ang mga mata, nakataas ang mga kilay. Hula niya, kahit lamutakin niya ang mukha nito o pisilin papunta sa gitna ang mga pisngi, cute pa rin itong lalabas. She was so beautiful. Kahit ganoong parang handa itong isaksak sa kanya ang taco ay masarap pa rin itong titigan.

"Look, I'm sorry, Anita. Sinabi ko naman sa 'yo na mahina ako sa Physics."

May kinuha ito mula sa bulsa, isang nakatuping papel. Idiniin nito ang papel sa kanyang dibdib. Binuklat niya iyon at napatingin dito, hindi makapaniwala. Eighty-five ang nakuha niyang score. Hindi pala siya bagsak!

"I don't understand. How the hell did I pass? Saka kung pasado pala ako, bakit galit na galit ka?"

"Dahil ang-cutting ka na naman at dahil kulang ka ng five points na kailangan mong mabawi para pumasa ka sa third grading. Ngayon kung magka-cutting ka na naman nang magka-cutting, paano ka papasa? Sinusundo kita. Halika na!"

"Would you like something to drink—" Matalim na sulyap ang ibinigay nito sa kanya. "Okay. I'm going, I'm going." Tinanguan na lang niya ang mga kalaro.

Lumabas na sila sa bilyaran at sumakay sa kotse. Ayaw na niyang mag-motor kapag si Anita ang kasama. Anyway, he had both his motorbike and his car. Nadala niya ang mga iyon nang palayasin ng mga magulang. They had a fight. Iyon ang malaking dahilan kung bakit napalayas siya. Palagi naman siyang napapalayas. Hindi na iyon bago sa kanya. Kaya hindi puwedeng wala siyang nakatabing kahit kaunting cash. He always needed money for those times.

Tales of Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon