SCARLETT - FEELS SO GOOD

10.3K 114 1
                                    

SCARLETT

FEELS SO GOOD

"You didn't see her photo?" Curious si Scarlett sa sitwasyon ng lalaking kasama. "I mean before you dated her."

"Of course, I did. Don't look at me like that. I know what you're thinking. I am not judgmental, but please try to understand. She smells like raw onions and cumin!"

Ang lakas ng tawa ni Scarlett. Hindi niya naamoy ang babae kanina dahil hindi naman ito lumapit masyado sa kanya.

"Where are you headed? Where am I going to take you?"

"I'm hungry. Want to feed a stranger?"

"Sure. Wala naman akong mauuwian, eh."

Tawa pa rin siya ng tawa. Maaga pa. Madami pang puwedeng makainan. Nagtanong ito kung ano ang gusto niyang kainin. She said she preferred steak. Sa isang steak house sila nakarating. She ordered to her heart's content. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng lalaki. Sa bahay nila, kahit ang pagkain niya ay binabantayan ng ina kahit hindi naman siya tumaba.

"So tell me about you, Scarlett," anang lalaki.

"How did you know my name?"

"I heard your date say it."

"Oh." Hindi na niya maalala, siguro nga. "What's your name?"

"Boris."

"Show me the photo your date sent you."

Inilabas nito ang phone ay ipinakita nga iyon sa kanya. Halos mapanganga siya. Kahawig lang ng totoong tao ang nasa picture. Magaling umanggulo ang babae. Mukha itong beauty queen sa picture.

"You know she didn't want to meet sooner. Pero kanina ngang nagkita kami, ayaw na akong pakawalan. Lumuwas pa siya galing Cebu. Nagbibiruan pa kami na pakakasalan ko na siya kapag nagkita na kami. I guess it's my fault as well. I think I got her hopes up."

"You think?"

Napangiwi ito. "I guess I did. But I was in love. Was. She lied to me."

Tawanan sila nang tawanan. Inabot sila ng ilang oras sa restaurant. Nalaman niyang isang doktor si Boris. She had never felt more comfortable since she got back. Pero weird din dahil komportable siyang kasama rito, kasabay noon ay nararamdaman niay ang tensiyon sa pagitan nila. It was sexual tension. Kahit hindi niya pansinin ay mahirap balewalain. Mayamaya ay umalis na rin sila. Sa kotse ay itinanong nito kung saan siya ihahatid.

"Forbes."

"Great. I live in BGC."

Ihinatid na nga siya nito. Bago bumaba ay sinabi niya, "Would you call me when you're home? I want to know if the love of your life is there or not." Napabungisngis siya.

"Sure." Kumindat ito.

They looked at each other. Napalunok siya. She wanted him to kiss her. Hindi siya ang tipo ng babaeng ganoon. She had a set of rules she followed, the list included the rule that she must not kiss on the first date. But god, he was gorgeous.

Bumaba na siya bago pa maubos ang pagtitimpi. Kumaway siya rito at pumasok na. Automatic ang lock ng gate at alam niya ang kombinasyon. Napapangiti pa rin siya hanggang sa loob ng shower. Paglabas ay eksaktong nagri-ring ang kanyang phone. Sinagot niya iyon.

"So?" aniya. Alam niyang si Boris ang nasa kabilang linya.

"She's at the lobby. I can use the elevator from the basement parking but I would need to get the card from the lobby. Hindi tataas ang elevator. Naiwan ko ang key card ko sa unit. I guess I'd have to sleep in a hotel. Any recommendations?"

Tales of Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon