ANITA - THE REBEL PROJECT

17.7K 175 1
                                    


ANITA

THE REBEL PROJECT

Nakahilera sa harapan ni Anita ang ilang mga papel. Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ang apat na bagay:

First, a rectangular booklet, her passport. Nasa loob noon ang visa. Sa wakas, bumaba na ang petisyon sa kanya ng mga magulang na nasa Canada. Ilang taon ding inayos ng mga ito iyon, umaasang magkakasama sila sa wakas. It was finally granted.

Second, a printed sheet of an e-ticket, her plane ticket. Naikuha na rin niya ng mga magulang noon. Hindi inasahan ni Anita na magpapadala ang mga ito ng plane ticket dahil may pera naman siya. She was doing well in the Philippines. Sa BPO industry siya namamasukan at mataas na rin ang kanyang posisyon sa ilang taon doon. Pero mayroong trabahong naghihintay sa kanya sa Canada, sa opisina rin ng kanyang ina. Nakausap na raw nito ang boss at sinabing walang problema kung papasok siya roon. Rank and file, natural, dahil magsisimula pa lang siya pero walang kaso sa kanya. Hindi siya takot magsimula sa ibaba dahil naniniwala siyang kaya niyang umakyat ulit.

Third was a round clipboard the size of her palm, black on the front and white on the back, laminated, glossy. It was a ticket to a party everyone wanted to be a part of. "No Tomorrow" ang pamagat ng event.

Sa tabi ng mga iyon, ang ikaapat na bagay, ay isang photo frame. Matagal na ang picture na iyon, hindi pa uso ang cam phones. High school graduation. Ngiting-ngiti siya sa kuha habang nakaakbay sa kanya ang isang lalaki. Halata sa kuha na hyped silang dalawa, masayang-masaya. Bakit hindi kung hindi inakala ng lalaki sa picture na magtatapos ito? He got his diploma through her. Hindi niya sinukuan ang lalaki bilang tutor.

The guy's name was Santiago. He preferred his nickname, "Santi." Ang sabihing mukhang wala itong kinabukasan noong high school ay kulang. Tinanggap na ng lalaking wala nga itong kinabukasan noong mga panahong iyon. He did the stupidest things. Mabisyo ito—yosi, alak, at marijuana. Para bang gusto nitong itapon ang buhay kahit hindi maunawaan ni Anita kung bakit. Salamat at hindi pa ito nagha-hard drugs nang magkakilala sila, kahit pa nga technically ay kilala na niya ito. Kilala ito sa buong eskuwelahan.

Sa public school siya nagtapos ng high school. Dating public high school principal ang kanyang ina bago ito napetisyon ng kanyang ama na nasa Canada. Hindi masasabing maalwan ang kanilang buhay kahit OFW ang kanyang ama at government employee ang ina dahil madami silang gastusin mula sa masasakiting lola, at extended family ng ama. But Anita was a hardworker. Nagmana siya sa mga magulang. Hindi siya nawawala sa honor roll. Kabilang din siya sa choir ng kanilang simbahan at doon, nagkaroon ng project ang mga kabataan na tinawag nilang "Pay It Forward."

Ang iba niyang kasama sa choir ay tumulong sa mga street children pero siya ay mayroong naisip na ibang proyekto. At iyon ay walang iba kundi si Santiago. Gusto ba niyang maging hero? Siguro. Pero kung mayroong pumukaw sa kanyang atensiyon, iyon ay walang iba kundi ang lalaki. Isa itong misteryo sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng pakiusap dito ng mga guro at principal ay hindi ito nagtitino. Ilang lipat na ito ng school, palaging naki-kickout, kung hindi naman ay dropout. Paano nga ay walang ibang ginawa kundi ang mag-party.

Sa school nila, ito lang ang mayroong kotse at motorsiklo. Late ito kung pumasok at lunch break pa lang ay tumatakas na para makipag-inuman. Wala itong binarkadang high school students masyado, maliban sa iilang mga bulakbol. Siguro dahil na rin mas matanda ito sa kanilang lahat ng tatlong taon, paano nga kasi ay nagpalipat-lipat na ng school.

So she decided he will be her own project. Bukal sa loob niya ang gagawin, bukod sa mayroong kung anong challenge. Na-inspire siya nang husto sa sinabi ng pari ng kanilang parokya tungkol sa power of kindness. Ang inspirasyong iyon ang nagtulak sa kanyang lapitan si Santiago.

Tales of Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon