Chapter 32

16.5K 477 55
                                    

Samara




Ilang araw na kami dito sa Canada, kasama ko naman yung asawa ngayon ni kuya Logan na si ate Carmen. Nagpasama siya sa akin na mag grocery tutal nabobored naman ako sa bahay kaya naman sinamahan ko na siya. Nagtatawanan at kwentuhan kami ni ate Carmen, napapahampas pa siya sa braso ko.




"Ikaw talaga napaka loko mo din eh." Natatawang sambit sa akin ni ate Carmen. Nakuwento ko kasi sa kanya yung nagpanggap akong katulong para naman makapasok ako sa mansion ni Zaya.



Pakiramdam ko naman parang may nagmamasid sa amin. Luminga linga naman ako sa paligid. Isang pamilyar na bulto lang ang nakita ko. Hindi ko makita yung mukha niya dahil nakatalikod siya. Parang si. . .





"Samara, okay na 'to. Tara na sa may cashier para mabayaran natin 'tong mga pinamili natin." Natigil naman ako sa pagtitig dun sa babaeng nakatalikod. Nagtungo naman kami ni ate Carmen sa may cashier.




Nilingon ko ulit yung pinanggalingan ng babaeng nakita ko kanina pero wala na siya. Hindi kaya siya yun? Pero imposible namang siya yun at bakit naman siya pupunta dito? Ewan ko bahala na. Na-aaning na yata ako siguro dahil sa namimiss ko siya. Hinahanap hanap ko siya, hinahanap hanap siya ng puso ko. Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan ko.




Pauwi na sana kami ni Ate Carmen ng nag-aya siyang kumain muna kami, bigla daw kasi siyang nagutom kaya naman pumayag na ako.





Pagkauwi namin ni Ate Carmen, papasok palang ako sa sala pero may naririnig akong malakas na tawanan. Nauna kasi sa akin pumasok si ate Carmen.




"Talaga? Nagawa niya yun?" Kung hindi ako nagkakamali, boses yun ni Mommy.




"Manang-mana pala sayo ang anak mo Eduardo. Ang daming kalokohan." Dagdag pa ni Mommy.




"Kaya pala nung nagkita tayo sa restaurant nila Rhea, nakita ko din si Samara tapos biglang nagsabi na masama daw ang timpla ng tiyan niya. Yun pala eh baka mabisto siya na namasukan siyang katulong sa inyo Zaya." Boses naman yun ni Ate Helena. Nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yung pangalan ni Zaya kaya naman agad-agad akong pumasok sa sala.




Napatingin naman sila sa akin ng makapasok na ako. Una kong nakita yung babaeng laman palagi ng puso't isipan ko. . . . Si Zaya. Si Zaya na prenteng nakaupo sa sofa at naka dekwatro pa habang sumisimsim ng kape. Binigyan niya naman ako ng isang ngisi na kinakunot ng noo ko. So hindi ako namamalik mata nung nasa eroplano kami at baka siya yung naamoy ko nun. Pati yung kanina sa nung nag grocery kami ni Ate Carmen, siya talaga siguro yun. Ano yun? Sinundan ba niya ako para yayaing magpakasal at panagutan ako? Gaga ka talaga Samara! Kasal agad? Tsaka panagutan? Eh hindi mo man lang nga naranasan yung kasukdu--- Napailing na lang ako sa naiisip ng isip ko.




"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko kay Zaya. Si Mommy naman parang nagpipigil na huwag tumawa. Si Daddy naman at Ate Helena, tahimik lang at papalit-palit ng tingin sa amin ni Zaya. Si Kuya Logan at Ate Carmen naman nasa may kusina kasama nila yung anak nila dun.




"Sinundan ka." Cool na sagot niya pa sabay inom ng kape.




"At bakit?" Mataray na tanong ko pa. Nagkibit-balikat lang siya kaya naman lalo akong nainis sa kanya.





"Ready na yung dinner." Biglang singit ni Kuya Logan.




"Tara na munang kumain. Mamaya na kayo mag-usap." Sabi naman ni Daddy.


--



"Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa mo yun anak." Natatawang sambit sa akin ni Mommy habang nasa hapag kainan kami. Si Ate naman tawa ng tawa kaya naman sinipa ko siya pero iba yung nasipa ko.



"Ouch." Maarteng daing ni Zaya. Buti nga sa kanya at siya yung nadali. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero inirapan ko lang siya.




"Ganun talaga tita kasi halata namang patay na patay yung anak niyo sa akin eh." Napaikot naman ako ng mata sa sinabi ni Zaya. Ang hangin kasi masyado. Ang kapal lang. Sus, Bakit hindi ba totoo Samara ha? Fine! Patay na patay naman talaga ako kay Zaya kaso pinagtaksilan niya ako! Bakit kayo ba ha? Sabat na naman ng isip ko. Magiging kami din! Lihim akong natawa sa naisip ko.




Sasagot sana ako kaso may naramdaman akong may paang pumatong sa hita ko. Napatingin naman ako sa harap ko. Inosente siyang nakatingin sa akin habang nakikipagtawanan kina Mommy. Nagsitayuan naman yung mga balahibo ko ng gumalaw pataas baba yung paa niya sa hita ko. May pagkamanyakis pala 'tong si Zaya eh!Sabi ko sa isip ko.





"Alam mo Zaya, masuwerte ka at ikaw ang nagustuhan ng aking anak. Aba napaka pihikan niyan. Ang daming nanligaw diyan pero maski isa walang sinagot." Sabi naman ni Daddy. Sasagot pa sana ako kasi napasinghap ako ng kung saan napunta yung malikot na paa ni Zaya. Nakasuot pa naman ako ng dress.



"Ah-eh ka-kasi naman wala akong matipuhan sa kanila daddy eh hehe." Nauutal na sambit ko.



"Kasi naman baby sis, babae naman pala ang natitupuhan mo hahaha. Kaya maski sa mga manliligaw mong lalaki wala kang sinagot kahit isa." Sabat naman ni Ate na kinatawa nila. Si Zaya naman nakitawa lang na parang walang ginagawang kababalaghan sa akin.



Pakiramdam ko pinagpapawisan ako. Aalisin ko sana yung paa ni Zaya kaso mas diniin niya at tumingin siya sa akin ng nakakaloko. Jusko po! Kung gusto naman niya pagbibigyan ko siya pero bakit dito pa? Nako talaga 'tong si Zaya hindi naman siya halatang sabik sa akin.



Napasinghap naman ako ng maramdaman kong binilisan niya yung pagtaas baba ng daliri niya sa paa. Para akong naiihi na ewan.


"Samara, okay ka lang ba? Bakit parang pinagpapawisan ka eh malamig naman." Sabi pa ni Ate kaya lahat sila ay napatingin sa akin. Napansin ko naman na napaangat yung gilid ng labi ni Zaya.




"Pinagpapawisan lang yan sa hotness ko." Sambit ni Zaya na kinatawa naman nila. Kinindatan pa ako ni Zaya. Inirapan ko naman siya pero mukhang ginagatihan niya ako dahil mas lalo niya pang binilisan kaya naman napatayo ako na ikinagulat nila. Halatang nagpipigil na huwag tumawa ng malakas si Zaya, nakayuko lang siya na para bang tumatawa pa.




"Oh bakit? May problema ba anak?" Takang tanong ni Mommy sa akin.




"Ah eh wala po mommy. Mauuna na po ako. Gusto ko na po kasing magpahinga eh." Sabi ko kay mommy. Tumango na lang siya sa akin.



Binalingan ko ng tingin si Zaya na parang cool na cool lang na nakaupo habang kumakain. Nginisihan naman niya ako kaya inirapan ko siya.




Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko para maligo! Yes maliligo ako dahil na naman sa kagagawan ni Zaya. Pesteng Zaya yun! Makakaganti din ako sa kanya. Sabi ko na nga ba at may pagnanasa si Zaya sa akin. Well, hindi ko siya masisisi bukod sa maganda ako. . . Sexy kasi ako masyado. Huwag na kayong kumontra.



Pero bakit kaya siya nandito? At bakit niya sinabi na sinundan niya ako? Nagsasabi kaya siya ng totoo o nagbibiro lang siya? Gusto din niya kaya ako? Pero diba may Perrie na siya. So bakit siya nandito? Itanong mo kaya sa kanya Samara para naman may sagot na 'yang mga katanungan mo. Sabat na naman ng isip ko. Para na akong masisiraan ng isip kakausap sa sarili ko.




Pagtapos kong maligo, nagpatuyo naman ako ng buhok at nagbihis ng damit pantulog. Makatulog na nga lang. Saan kaya natulog 'yong manyakis na si Zaya? Manyakis talaga Samara? If I know nagustuhan mo yung ginawa sayo kanina ni Zaya. Sabat na naman ng isip ko.



Napasabunot naman ako sa buhok ko. Walanghiyang Zaya na yun talaga! Ang hilig na bitinin ako. See? I told you. Nagustuhan mo. Napailing na lang ako tsaka napagdesisyunang matulog na lang.




----


(Edited)

The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon