Chapter 11

15.2K 457 4
                                    

Zaya





Tahimik ang mansion ngayon dahil wala ang makulit at madaldal na si Samara, day-off niya pala. Parang hindi ako sanay na walang nag-iingay dito sa bahay. Pero diba ayaw mo naman ng maingay? Sabat ng isip ko. Nagkibit-balikat na lang ako.




Naisipan kong dalawin yung puntod ni Natasha. Bukas pala ang kamatayan niya halos apat na taon na siyang wala pero parang sariwa pa din yung nangyari, para bang kahapon lang siya nawala.







"Hi Baby, I miss you so much." Sambit ko ng nasa harap na ako ng puntod ni Natasha. Nakaupo ako sa may damuhan.





"Ang daya mo naman eh. Sabi mo hindi mo ako iiwan pero iniwan mo naman ako. Miss na miss na kita alam mo ba yun? Bukas apat na taon ka ng wala parang kailan lang ang saya-saya natin. Nagpaplano pa nga tayong magpakasal at magkababy diba?" Kapag pupunta talaga ako sa puntod ni Natasha, palagi akong umiiyak. Binubuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala niya.




Kwento lang ako ng kwento sa harap ng puntod niya ng kung anu-ano ang mga nangyari sa buhay ko. Iisipin ko para na akong baliw pero kapag nasa puntod niya lang ako nagiging madaldal. Halos tatlong oras akong nag stay sa puntod niya tsaka ko napagpasyahang umuwi.







Gabi na din pala ng makauwi ako. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at uninom ng alak. Pinagmamasdan ko yung mga picture namin ni Natasha tsaka bigla akong matatawa kapag may naaalala akong nakakatawang bagay na nangyari at bigla akong maiiyak kapag naaalala kong wala na siya. Napadako yung tingin ko sa isang picture, magkatabi kami ni Natasha nun. Nakasimangot siya ako naman pilit ang pagkakangiti. Kasama namin sa picture si Maxine at yung best friend ni Natasha na friend din namin ni Maxine na si Hera. May buhat na baby si Hera, binyag kasi ng anak ng Ate ni Maxine. Siguro mga 2nd year college pa lang kami nun. Naalala ko kung bakit nakasimangot si Natasha sa picture.



Flash back


Sabay kaming nagpunta ni Maxine sa bahay ng Ate niya. Nandun na daw si Hera. Binyag kasi ng anak ng Ate ni Maxine, bale pamangkin niya. Ihing-ihi na ako nung nasa biyahe kami ni Maxine kasi naman wala kaming makitang stop over kaya pagkadating na pagkadating namin sa bahay ng Ate niya nagpaalam ako na mag c-cr muna. Kaso hindi ko alam kung nasaan yung cr pero bahala na. Ihing-ihi na talaga ako. May nakita akong pinto sa dulo dito lang din sa baba, pinihit ko yun. Hindi naman nakalock baka walang tao. Pagkapasok ko nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.


"BASTOS! BASTOS! LUMABAS KA!" Sigaw ng babae. Ngayon ko lang siya nakita pero parang wala akong narinig dahil halos nakatitig ako sa kanyang dibdib. Nakasuot lang siya ng bra at panty. Mukhang nagbibihis siya. Natauhan lang ako ng pinaghahampas niya ako.



"BASTOS! MANYAK! SABING LUMABAS KA EH!" Tinatakpan niya naman yung katawan niya gamit yung tuwalyang hawak niya kanina.



"So-sorry Miss." Nauutal na sabi ko sa kanya. Feeling ko namumula yung muka at tenga ko dahil naramdaman kong biglang uminit. Yung kaninang ihing-ihi ako parang biglang naglaho. Agad akong lumabas ng banyo. Padabog na sinara naman niya yung pinto.



Hanggang sa magkita kami ni Natasha sa binyag ng pamangkin ni Maxine. Kababata pala ni Maxine si Natasha at Hera. Sa States daw nag-aral si Natasha kaya pala ngayon ko lang nakita pero sabi ni Maxine dito na daw si Natasha mag-aaral. Panay irap ang natanggap ko kay Natasha kapag nagkakatinginan kami. Kaya nakasimangot siya sa picture dahil sa inis siya sa akin.




Natawa naman ako ng maalala ko kung paano kami nagkakilala ni Natasha noon. Hanggang sa maging parang aso at pusa kaming dalawa noong nag-aaral kami. Siya lang naman yung galit na galit at inis na inis sa akin. Siguro nung naging 3rd year college na kami niligawan ko na siya nun, medyo pakipot pa nga si Natasha eh pero unang kita niya pa lang daw sa akin ay gusto niya na ako, sadyang trip niya lang akong sungitan. Inom lang ako ng inom ng alak hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog na ako.





The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon