Chapter 25

16.8K 526 21
                                    

Samara




Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatulala lang at nakahawak sa pisngi kong hinalikan ni Zaya, naramdaman ko na lang na may bumatok sa akin.




"Aray ko naman Kate!" Inis na sambit ko kay Kate na nakapameywang na sa harap ko. Nagtawanan naman si Danica at Jane kaya sinamaan ko sila ng tingin, kaya naman bumalik na sila sa ginagawa nila.




"Sino yun ha? Siya ba si Zaya?" Tanong sa akin ni Kate. Sasagot na sana ako ng bigla na naman siyang nagsalita.





"May pahalik halik pang nalalaman. Kaya pala para kang na-engkanto diyan. Kanina pa siya nakaalis pero tulala ka pa din. Ano ba hindi mo man lang ba sasagutun yung tanong ko?" Siya naman yung binatukan ko, sinamaan niya naman ako mg tingin.





"Paano ko masasagot yung mga tanong mo eh bira ka ng bira. Sa tanong mo kanina, Oo si Zaya yun." Sabi ko sa kanya.




"Kaya naman pala patay na patay ka dun eh ang ganda niya pala talaga. Eh bakit may pahalik halik pa siya sayo? Siguro kayo na no?"




"Hoy hindi ko din alam kung bakit bigla niya ako hinalikan sa pisngi ko at tsaka wala pang kami... malapit na siguro hihi. Ganun talaga ako siguro kaganda kaya naman hindi niya napigilan na halikan na lang ako sa pisngi." Sabi ko kay Kate sabay flip hair.





"Napaka hangin mo talaga Samara! Tara na nga at magsara na tayo para makauwi na tayo." Sabi sa akin ni Kate.


------



Engagement party ngayon ni Ate Helena at Ate Rhea. Ang daming mga bisita ngayon. Nasa isang sikat na hotel kami, I think it's Tan's Hotel na kilala sa buong Pinas at iba't-ibang panig ng bansa.






Nakasuot lang ako ng simpleng red dress. Kasama ko sila Kate at Cara, mukhang hindi kinikibo ni Cara si Kate. Kanina pa ako palinga-linga sa paligid dahil nga hinahanap ko si Irish. Busy naman sila Ate Helena kakausap sa iba niyang mga bisita. Nakita ko namang palapit na si Ate Helena sa pwesto namin. Binati niya si Kate at Cara.





"Baby sis, may papakilala ako sayo. Tara." Sabi ni Ate sa akin. Magtatanong pa sana ako kaso hinila na niya ako.





"Zai, This is my younger sister." Sabi ni Ate Helena ng makalapit kami sa isang table. Hindi ko naman makita yung pinapakilala sa akin ni Ate dahil nakaharang si Ate sa harap ko. Bigla namang umusod ng kaunti si Ate.






"Sammy? Ikaw ba yan?" Gulat na tanong ni Ate Zai sa akin. Hindi na ako nagulat dahil nga kaklase pala ni Zaya yung Ate ko slash friends sila.




"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Ate.



"Oo. Kasi ka---" Hindi na natapos ni Ate Zai yung sasabihin niya ng sumabat ako.




"Ah hehe Ate kasi madalas siyang bumili sa bakeshop ko eh hehe." Sabi ko kay Ate Helena. Para namang tumingin sa akin si Ate Zai na parang nagtatanong. Ngumiti lang ako sa kanya na hindi ko alam kung ngiwi ba yun at binigyan ko siya ng tingin na parang nagsasabing 'Huwag mong sabihin kay Ate na naging katulong ako ni Zaya'. Buti na lang naintindihan ni Ate Zai yun.




"Ah oo Helen. Madalas kasi akong bumili sa bakeshop ni Sammy eh." Sakay ni Ate Zai sa sinabi ko kanina. Tinaasan ako ng isang kilay ni Ate Zai pero nakangiti naman siya kaya naman napangiwi na lang ako.




"Great. Kay Zaya na lang kita ipapakilala." Sabi pa ni Ate kaya naman nanlaki yung mga mata ko. Tumingin naman ako kay Ate Zai na parang nagsasabi na pahingi ako ng tulong. Para namang nataranta si Ate Zai.





The Heart Wants What It WantsWhere stories live. Discover now