Chapter 6

17.1K 491 41
                                    

Samara

Bago ako pumunta sa mansion ng aking irog, kinausap ko muna yung friend ko.


"Ikaw na ang bahala dito Maggie ha?" Tukoy ko sa dental clinic ko.



"Sure Sam. Ako na ang bahala. No worries." Mula kasi nung mag-aral ako ng college hanggang sa pagkagraduate si Maggie yung naging friend ko bukod kay Cara. Madami naman akong friends pero silang dalawa yung maituturing kong malapit kong kaibigan.




Pagtapos kong magbilin kay Maggie, nagtungo ako sa 'D-sert' bakeshop namin ni Kate. Hindi na ako nagdala ng kotse dahil pupunta pa ako sa aking irog. Mamamasukan pa akong maid para naman makikita ko siya at makilala pa.





Papasok na sana ako ng bakeshop namin pero agad akong napaatras ng makita ko kung sino yung papalabas. Kaso bigla niyang binuksan yung glass door kaya medyo nauntog ako kaunti dahil natamaan ako ng pinto.





"Aray ko huhu." Naiiyak na daing ko at hawak hawak yung noo kong masakit.




"I'm sor--" Hindi niya tinapos yung paghingi niya ng sorry ng nanlaki bigla yung mata niya.




"Kahit kailan talaga ang tanga-tanga mo." Napalabi naman ako sa sinabi niya. Nakasimangot na naman siya.



"Sorry. Kasi naman bigla mong binuksan yung pinto eh." Nakayukong sabi ko sa kanya. Narinig ko namang nag 'Tsk' lang siya.





"Ah sige u-una na ako." Paalam ko sa kanya dahil baka makita pa ako ni Kate dito, mabuking pa ako na ako ang may-ari ng bakeshop. Nakakailang hakbang pa lang ako ng nagsalita si Zaya. Nakangiting lumingon naman ako sa kanya.





"Bakit?" Nakangiting tanong ko sa kanya pero hindi man lang niya ako nginitian man lang at hindi siya nagsalita. Lumapit siya sa akin.






"Palagi ka na lang nakakaistorbo. Tsk. Nung una sa kalsada. Hay! tapos ngayon." Kunot noong sabi niya sa akin ng makalapit na siya sa akin. Nagulat ako ng hinubad niya yung blazer niya at itinali niya sa may beywang ko.






"Next time kung alam mong meron ka, try mong i-check 'yang likod mo. Lakas pa ng loob mong magsuot ng puting pants." Walang emosyong sambit niya sa akin at bigla na lang siyang umalis sa harapan ko. Ako naman ay tulala pa din hindi magsink-in yung pangyayari. Inantay ko naman siyang makaalis at tsaka ako pumasok sa bakeshop. Agad akong nagpunta sa cr. Tinanggal ko naman yung blazer na nilagay ni Zaya sa akin kanina. Chineck ko naman yung likod ko.





OMG! may tagos pala ako. Nakakahiya OMG! Baka maturn-off siya sa akin. Huhu nakakahiya. Pero may parteng kinikilig ako dahil nag-abala pa siyang ilagay yung blazer niya sa beywang ko para matakpan yung tagos ko.





Inamoy-amoy ko pa yung blazer ni Zaya beybi. Hmmm ang bango bango talaga.



Nagpabili naman ako kay Kate ng napkin at nagpalit na din ako ng pants. Pupunta na ako sa mansion ni Zaya 😍







Pagkarating ko sa tapat ng gate sa bahay nila Zaya ay agad akong nagdoor bell. Bumukas yun agad at bumungad sa akin yung matandang babaeng napagtanungan ko kahapon.




"Magandang hapon po. Ako po yung mamamasukang katulong." Magalang na bati ko sa matandang babae.



"Naalala nga kita. Tara pumasok ka." Sinara naman niya yung gate pagkapasok ko. Napansin kong malaki talaga ang bahay ng aking irog.




The Heart Wants What It WantsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant