Chapter 24

16.3K 493 28
                                    

Samara


"Diana, ikaw ba yan?" Tanong ko sa magandang babaeng na nasa harap ko. Naninigurado lang naman ako kung siya talaga si Diana baka kasi hindi naman.


"The one and only. Huwag na Diana ang itawag mo sa akin. Irish na lang." Sabi niya pa sabay tipid na ngumiti, parang may kung anong lungkot ang mga mata niya kung titignan mo.



"OMG!" Hindi makapaniwalang sambit ko. Umalis naman ako sa pwesto ko para lapitan si Diana Irish. Niyakap ko naman siya. She's my best friend since high school hanggang sa nagcollege kami. Pareho kami na dentistry ang course but I think nung nasa 2nd year college na kami ay bigla na lang siyang nawala na parang bula.


"Bakit ka nawala na lang bigla? Ikaw ba talaga yan? Ang laki ng pinagbago mo." Sunud-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi pa din ako makapaniwala na siya na yung nasa harap ko.


"Mahabang kwento Sam eh. Kukwento ko sayo next time okay? Huwag lang ngayon." Sabi pa niya. Tumango na lang ako sa kanya.


Nagkwentuhan pa kami ni Diana na sabi niya Irish na lang nga daw which is second name niya yung Irish. Ang arte lang. Matagal din kaming nagkwentuhan kaya hindi namin namalayang madilim na pala sa labas mga past 8 na pala ng tinignan ko yung wall clock dun malapit sa may counter.


"Paano ba yan Sam, dalaw na lang ako sa inyo minsan. Kailangan ko nang umuwi eh. Sa susunod na lang ulit. Pasabi kay Cara na kinakamusta ko siya at namiss ko din siya."

"Sure Dia... este Irish. Makakarating." Sumaludo pa ako sa kanya kaya naman natawa siya.


"Ibang-iba ka na talaga Irish. Pati yung way ng pagkakatawa mo iba na din. Hindi na yung parang---" Pinutol niya naman yung sasabihin ko.


"Ayoko ng maalala yun Sammy." Malungkot na sabi niya. Yung mga mata niya noon parang puno ng saya kahit ang dami niyang problema samantalang ngayon parang puno ng lungkot. Napabuntong-hininga naman ako sa kanya at hinatid na siya sa may parking lot.

"Hey, nandito lang ako ha? Kami ni Cara kapag kailangan mo ng makakausap o labasan ng sama ng loob okay?" Sabi ko sa kanya bago siya sumakay sa kotse niya. Tumango naman siya sa akin at tipid na ngumiti. Niyakap ko naman siya na agad niyang ginantihan.

"Bye. Ingat sa pagdrive." Sabi ko sa kanya.


Tinanaw ko naman yung papalayong sasakyan ni Irish, nang hindi ko na matanaw naisipan ko ng bumalik sa bakeshop. Magsasara na kasi kami.


Kumunot naman yung noo ng makita ko kung sino yung nasa may counter. Tumitingin siya sa mga naka display dun na bake namin.


"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko sa kanya.


"Magpapabunot ng ngipin." Sagot niya sa akin. Umangat pa yung gilid ng labi  niya na parang pinipigilan niyang huwag matawa.

"Hindi 'to dental clinic duh! Bakeshop 'to!" Pambabara ko sa kanya. Kahit nagtataka ako kanina pa na hindi man lang siya nagulat nang malaman niya na isa akong dentista hindi na lang ako nagtanong. Alam kong wala naman siyang pakielam sa akin. Magsama na lang sila ng Perrie niya. Tsk.



"Duhhh! Alam ko. Malamang bibili ako ng caramel cake." Sabi niya sabay pinaikot niya pa yung mga mata niya.

"Sarado na kami. Alis na!" Taboy ko sa kanya.


"Bakit ba palagi mo akong pinapaalis? Tsaka anong sarado na kayo? Wala pang 8:30. Tsaka may mga customer pa kayo oh." Sabi niya sabay turo sa mga customer na nakaupo dito sa loob ng bakeshop. Totoo naman yung sinabi niyang may mga customer pa kami at 8:30 pa ang sara ng bakeshop namin. Gusto ko lang siyang paalisin bakit ba?


"Ikaw lang ba ang may karapatang magpaalis? Baka nakakalimutan mo na pinaalis mo ako sa mansion." Inis na sambit ko sa kanya.



"Hindi ka naman totoong katulong eh. Isa ka palang dentist at may sariling bakeshop." Sabi pa niya habang nakapameywang.

-------

Zaya

Nandito ako sa may bakeshop na pag-aari ni Samara. Siya pala ang may-ari nito. Kaya pala nung matikman ko yung cheesecake dito, kalasa ng gawa ni Samara sa akin noong nakaraang araw.


Puro pagsusungit naman ang natanggap ko kay Samara. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi na ako nagulat ng malaman kong siya yung dentista sa pinuntahan kong dental clinic kanina?

Flash back

Hindi ko man aminin sa sarili ko pero namimiss ko talaga si Samara. Ang tagal niya na ding wala dito sa mansion.

"Namimiss mo siya ano?" Tanong sa akin ni Manang Lucy habang nakahiga ako dito sa duyan, sa may garden.

"Ho?" Tanong ko kay Manang Lucy.

"Namimiss mo na kako si Samara." Sabi niya. Hindi naman ako nakasagot kay Manang Lucy.

"Eto oh. Address ng dental clinic niya. Pinatanong ko kay Marie dahil sila ang nagkakatext ni Samara. Hindi naman totoong katulong si Samara. Isa siyang dentista at may sarili din siyang bakeshop." Kwento ni Manang Lucy sa akin. Napatayo naman ako galing sa pagkakahiga sa may duyan dahil sa nalaman ko. Magtatanong pa sana ako kay Manang Lucy kaso bigla na lang siyang umalis.

----

Kaya naman hindi na ako nagulat ng makita ko si Samara sa dental clinic na sinabi sa akin ni Manang Lucy. Nagdahilan na lang ako na magpapalinis ako ng ngipin pero gusto ko lang talaga siyang makita. Ang nakakainis lang yung dati niyang manliligaw. Si Syrena daw. Biglang uminit yung ulo ko sa nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaganun.

"Baka naman pwede ka ng umalis? Magsasara na kami. 8:30 na oh. Ikaw na lang yung customer namin." Masungit na sambit ni Samara sa akin. Nakatingin naman sa akin yung tatlong babae na crew niya sa may counter.



"Oo na. Tsk! Oh heto, pinabibigay ni Ate Zai. Para sayo daw yan." Sabay abot ko sa kanya ng paper bag na naglalaman ata ng damit, pabango at chocolates. Talaga naman na pinabinigay ni Ate Zai yun sa kanya. Huwag kayong ano diyan hindi ko siya sinusundan no! Tsaka natakam ako sa caramel cake kaya naman nagpunta na ako dito sa bakeshop niya.

"Pasabi salamat." Sabi niya sabay kuha sa may paper bag.



"Sige. Mauna na ako." Sabi ko sa kanya pero nakayuko lng siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko dahil bigla ko siyang hinalikan.



Sa may pisngi niya lang naman hindi sa mapupulang labi. Oh damn! Nagulat din naman siya sa ginawa ko. Wala sa sariling napatakbo na lang ako palabas ng bakeshop.



Sapo sapo ko yung dibdib ko ng makarating ako dito sa may parking area. What was that Zaya? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ikaw ba naman ang biglang tumakbo ng mabilis. Parang tanga lang? 

Ano ka ba naman Zaya? Bakit ka tumakbo? Ano na lang ang mukhang maihaharap mo kay Samara? Sambit ko sa isip ko.

"Shit! Shit! Ang tanga ko. Bakit ko yun ginawa?" Inis na kausap ko sa aking sarili habang pinaghahampas ko yung manibela ng kotse ko.



Hanggang ngayon mabilis pa din yung tibok ng puso ko tapos bigla na lang pumasok sa isip ko yung magandang mukha ni Samara na nakangiti. Malala na ata ako. Iba na 'to.

Pagkauwi ko sa bahay para akong lutang. Nandun pa nga si Ate Zai. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Dumiretso ako agad sa kwarto ko at nahiga. Kinuha ko naman sa maliit na mesa yung picture frame na katabi lang ng kama ko. Picture yun ni Natasha. Napabuntong-hininga naman ako tsaka niyakap sa dibdib ko yung picture frame.


Natasha baby, anong gagawin ko? Mahinang bulong ko habang yakap ko pa din yung picture frame.

---

(Edited)

The Heart Wants What It WantsWhere stories live. Discover now