Chapter 29

16.9K 508 30
                                    

Samara





Kasama ko si Irish ngayon sa isang mall. Nag-aya kasi siyang gumala kaya naman pinagbigyan ko na. Ang tagal kaya naming hindi nagkasama, kaso hindi kami kumpleto. Busy kasi si Cara at madami siyang pasiyente. Si Kate naman sumamang magdeliver dahil maraming umorder sa amin. Ako kasi wala akong masyadong pasiyente sa dental clinic tapos dumaan lang ako saglit sa bakeshop namin ni Kate. Saktong nagtext sa akin si Irish na magmall kami.




Naglalakad-lakad lang kami ni Irish at tumitingin pag may nadadaanan kaming mga botique. Hinila naman ako ni Irish sa isang botique na puro pabango. Cruise's Prefume ang name, Hmmm. . . Cruise? Naalala ko na sila Zaya ang may-ari ng isang sikat na pabango sa iba't-ibang panig ng bansa. Tumingin tingin naman ako ng pabango at inamoy. Infairness ang babango, kaya nga pabango Samara diba? Alangan na mabaho? Sabat naman ng isip ko. May kinuha akong isang pabango, tinignan ko naman yun. Nagulat ako sa nakalagay na pangalan sa pabango.




"Samara?" Takang sambit ko sa sarili ko. Pangalan ko yun ah? Inamoy ko naman yung pabango, ang bango parang prutas yung amoy. Tamang-tama mahilig pa naman ako sa ganung amoy kaya naman kinuha ko na yun para bilhin.





"Sam, nakapili ka ba?" Tanong sa akin ni Irish na may hawak na tatlong pabango.




"Oo. Tara na. Bayaran na natin at ng makakain na tayo." Tumango naman siya at nagpunta kami sa may cashier. Nauna akong magbayad dahil may titignan pa daw si Irish. Ang dami naman ata niyang biniling pabango. Nang mailagay na sa paper bag yung pabango, magbabayad na sana ako kaso nagsalita naman yung babae.




"Ay Ma'am, huwag na po. Sabi kasi ni Ma'am huwag na daw po kayong magbayad. Sa inyo na daw po yan." Sabi ng babaeng nagca-cashier, sabay inabot sa akin yung paper bag.





"Ha? Sino?" Takang tanong ko pero tinanggap ko naman yung paper bag.



"Si Ma'am Zaya po." Magalang na sagot ng babae.




"Nasaan siya?" Tanong ko pa. Hindi ko kasi siya napansin kung nandito man siya.




"Kakalabas lang po niya." Sagot niya at tinuro sa labas si Zaya. Nagpasalamat naman ako sa babae. Hindi kaya si Zaya yung nagpangalan sa pabango? Pero bakit? Siguro hmm... nevermind. Ayokong mag-assume.





Nagbayad na din si Irish. Naghanap naman kami ng makakainan ng biglang huminto si Irish sa paglalakad.




"What's wrong?" Takang tanong ko sa kanya dahil parang bigla siyang hindi mapakali.




"Ahhmm... Samara, sumama kasi yung tiyan ko. Pwede bang mauna na ako? Sorry ha? Bawi na lang ako sa susunod." Natatarantang sambit niya sa akin. Agad naman siyang naglakad ng mabilis palayo sa akin. Aba talaga namang hindi niya ako hinayaang sumagot man lang. Tsk. Ako na lang tulog mag-isa. Palagi naman akong nag-iisa eh. Buhay single nga naman. Naiinis tuloy ako sa nakikita kong mga mag couple.





"Sus! Walang forever. Lolokohin ka lang niyan at sasaktan. Magbe-break din kayo." Bulong ko sa sarili ko.




"Baliw. Tss." Nagulat naman ako dahil biglang nagsalita yung babaeng hindi ako pinanindigan. Gaga ka Samara, nabuntis ka ba niya? Eh hindi mo man lang nga naranasan yung kasuk--- napailing na lang ako sa naiisip ko. Ang halay masyado.




"Alam mo kung hindi kita kilala, iisipin kong may saltik ka." Nakangising sabi pa ni Zaya habang nakapamulsa pa.





"Ano ba! Bakit ka ba kasi nanggugulat? Bigla ka na lang susulpot. Sinusundan mo ata ako eh." Inis na sambit ko sa kanya.




The Heart Wants What It WantsWhere stories live. Discover now