Chapter 19

15.8K 577 53
                                    

Zaya




Bakas sa mukha ni Samara ang lungkot ng sinabi kong busog pa ako. Nagdala kasi siya ng cheesecake at isang baso na naglalaman ng juice, binibiro ko lang naman siya eh. Nagpipigil akong huwag matawa dahil alam kong magagalit siya. Paglabas ni Samara bigla kong nilantakan yung cheesecake. Gutom na talaga ako, dapat bababa sana ako para pumunta ng kusina eh saktong kumatok siya.




"Hmmm. Ang sarap naman." Sambit ko habang kinakain yung cheesecake. Napangiti na lang ako dahil napaka sweet at caring ni Samara.





"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Nagulat naman akong napatingin sa may pinto.




"Maxine! Ano ba? Hindi ka ba marunong kumatok?" Masungit na tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso siyang pumasok sa library ko at naupo sa upuan na kaharap ng table ko. Bigla niya na lang din kinuha yung cheesecake at sinubo na lang bigla.





"HOY! SA AKIN YAN EH! BAKIT MO INUBOS!" Inis na sambit ko sa kanya. Bigay sa akin yun ni Samara eh tsk!





"Hmmm eng sherep nemen." Sambit niya habang ngumunguya.




"MABILAUKAN KA SANA!"






"Hehehe. Nagutom ako bes eh! Sorry." Sabay nag peace sign siya. Inirapan ko naman siya.





"Sino pala yung hot na chick na nakasalubong ko? Maid mo ba siya? Nakasuot kasi ng uniform na pang maid eh."







"Obvious naman na maid diba? tapos magtatanong ka pa." Masungit na sabi ko sa kanya habang nagbabasa ako ng mga emails sa laptop ko.





"Sungit mo ha! Naninigurado lang eh. Mukha kasi siyang modelo. Ang ganda at ang sexy niya."




"Heh! Umiiral na naman kamanyakan mo Maxine ha. Tsaka taken na yung si Samara bawal ligawan. Sumbong kaya kita sa girlfriend mo?"" Pananakot ko sa kanya.






"Chill bro! Hindi ko naman siya aagawin sayo eh. Ito naman hindi na mabiro." Napakamot naman siya sa ulo niya.




"Anong aagawin? Pinagsasabi mo diyan."





"Sus! Kunwari ka pa. If I know type mo si Samara eh." Mapanuksong sabi niya.




"Ewan ko sayo. Bakit ka ba nandito? As you can see, busy ako."




"Wala lang. Napadaan lang. Hindi din naman ako magtatagal eh. Tsaka nga pala bumalik na siya bes." Nakatayo na si Maxine habang sinabi niya yun.





"I don't care." Walang emosyong sabi ko. Napabuntong-hininga naman siya.




"Sige. Mauuna na ako. Take care Zaya. Bye." Tinanguan ko na lang siya.



Bakit pa siya bumalik? Hay!



_____



"Nasaan si Samara?" Tanong ko kay Roan habang siya ay nagwawalis.






"Nasa may pool po Ma'am." Magalang na sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.







Pumunta naman ako sa may pool malapit lang sa garden. Magpapasama sana ako sa kanya eh. Tsk! Bakit ba ako magpapasama pa sa kanya? Kaya ko namang mag-isa. Hindi ko alam pero gustung-gusto ko siyang kasama, kaya nga madalas maaga na akong umuuwi dahil sa kanya.





The Heart Wants What It WantsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu