Chapter 4

20.2K 544 89
                                    

Samara



Nandito ako ngayon sa bakeshop namin, wala na naman kasi akong pasiyente sa clinic kaya nagpunta na ako dito. Wala naman si Kate dito dahil kasama niya yung driver namin magdeliver sa isang restaurant kaya naman kami lang ni Jane ang tao dito sa labas naman may isang guard. Marami-rami din yung customer namin kaya naman tinutulungan ko si Jane.



"Jane, ikaw muna dito ha? Paubos na pala yung donuts natin. Bake muna ako." Tumango naman siya sa akin. Konti na lng naman yung customer namin. Yung iba kasi nakaupo na sa table at kumakain. Sakto lang yung laki ng bakeshop ko. May ilang mga table at chair din. Maganda din ang ambiance dito, nakakarelax kaya naman marami kaming customer.



Mahigit kumulang isang oras akong nagbake. Lumabas na ako, tinulungan naman akong magdala ni Jane sa bitbit kong mga donuts. Yung drinks naman dito biniblend namin. Minsan nag e-experiment kami ni Kate ng iba't-ibang flavor ng shake.





"Ma'am, alam mo ba kanina ang ganda ganda nung babaeng umorder ng blue berry cheescake natin." Kwento sa akin ni Jane habang nilalagay yung donuts na nakahilera sa harap ang malaking lagayan ng mga binibake namin.





"Nako! Baka pag nakita mo yung babaeng kinuwento ko sa inyo baka matulala kayo dahil sobrang ganda." Naalala ko na naman bigla yung mukha ni Zaya.






"Kala ko ba straight ka ma'am? Anyare?" Nakangising tanong ni Jane sa akin. Mas matanda ako kay Jane. 21 na kasi si Jane, hindi niya natapos yung pag-aaral niya hanggang 2nd year college lang natapos niya sa kursong culinary. Namatay daw kasi yung tatay niya, yung Nanay niya naman tumatanggap lang ng mga labahin kaya naman naisipan niyang maghanap buhay na lang para sa kanilang pang-araw-araw na pangagailangan. May isa naman siyang kapatid na 16 years old na ata, pinag-aaral niya naman. Sakto naman yung sweldo niya dito sa bakeshop namin kaya kahit papaano nagiging maayos na yung pamumuhay nila.






"Straight nga ako pero kung liligawan ako ni Zaya ay nako! hindi na ako straight haha. Basta kung si Zaya lang hay nako talaga! Sasagutin ko siya agad." Kinikilig pang sabi ko sa kanya.




"Ay nako ma'am parang tinamaan ka na diyan sa Zaya na yan." Tinamaan na talaga ako kay Zaya. Hindi na ako nakasagot dahil busy na din si Jane. Nasa cashier siya, tinulungan ko naman siya. Buti na lang dumating na si Kate at si Jeremy na isa sa mga empleyado namin.







"Buti naman nandito na kayo. Ang dami nating customer." Sambit ko kay Kate.




"Sorry naman. Traffic kasi eh." Sabi naman ni Kate sa akin.




"Oh siya, dito na muna kayo. Titignan ko lang kung may mga stock pa tayo para sa mga ingredients natin." Paalam ko sa kanila.




Kailangan ko ng pumunta sa market. Kulang na yung mga kasangkapan namin. Nagpaalam naman ako kina Kate.






Pagtapos kong bilhin yung mga kasangkapan na kakailanganin namin agad na nilagay ko na sa likod ng kotse ko yung mga pinamili ko. Pasakay na sana ako ng may narinig akong nagsalita.







"WHAT?" Galit na tonong sabi ng babaeng nakatalikod na hindi kalayuan sa akin. Parang pamilyar yung boses niya.







"Pauwi na ako." Rinig kong sabi pa niya. Humarap naman yung babae kaya napayuko ako baka kasi sabihing tsismosa ako eh. Nanlaki naman yung mga mata ko. Si Zaya my loves. Kahit nakasimangot siya ang ganda ganda niya pa din. Bigla namang tumibok ng mabilis yung puso ko ng makita ko siya.






The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon