"Woah! Gabi na nga. Napahaba ang tulog ko," nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Oo nga. Kaya kumain ka na," sabi ni Eunice.

Wala na akong nagawa pa kaya kumain na lang ako at muling tiningnan ang mapa para mapamilyar ko at bukas ay hindi ako mawala.

***

"Argh! Nakaka-kaba naman," biglang saad ni Eunice habang naglalakad kami papuntang Trainee Section.

Kahit naman ako, kabado ngayong araw. Parang kagaya ng unang araw sa pagpasok sa pangkaraniwang paaralan.

"Uy! Gamitin mo yung mapa ng mabuti ha! Baka mawala ka," pabirong bilin ni Eunice sa akin nang makarating kami sa kung saan maghihiwalay na kami ng tatahaking daan.

Natawa ako sa sinabi niya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at tinahak na namin ang daan tungo sa division namin.

Gosh! Yung tibok ng puso ko! Parang gusto nang kumawala sa dibdib ko.

Tiningnan ko ang dala kong mapa. Kakanan ako. Tapos kakaliwa.

Naglakad lakad pa ako. Nadaanan ko ang ilang naglalakihang building at sa harap nito ang malalawak na plaza. At sa bawat plaza, may mga estudyante akong nakikita.

Sa nakikita ko, ito na ata ang tinatawag na division. Kaso may isang division ang walang katao-tao. Napapagitnaan ito ng mga division na maraming tao. Huminto ako. Tiningnan ko muli ang mapa. Ayon sa mapa---kung tama ang pagkakabasa ko, ito ang Royal Army Division.

Tinitigan ko ang Royal Army Division. Kulay abo ang angat na kulay sa division na ito kagaya ng uniform ng Royal Army Commander na pumunta rito sa campus.

"Anong meron dito?"

Napalingon naman ako sa nagsalita at napaurong dila ko. Eh kasi naman... Imperial... Hindi ko lang masabi kung si Lucas ba ito o si Lucius. Seryoso eh. Hindi naman to si Lucian dahil wala naman siya rito.

Bumuntonghinga siya. "It's me..."

Dahil sa pabitin effect niya, biglang may iisang tao ang naalala ko. "L-Lucian." Bahagya akong napaatras.

Bakit siya napunta rito? Diba nandoon siya sa Royal Army Campus?

"Pfft. Hahaha... biro lang," sabi niya at tumawa.

Te-teka! H-hindi siya si Lucian? At base sa tawa niya... Argh!

"Lucas," sambit ko at tila nakahinga ng maluwag.

"Hahaha. Tila nakahinga ka ng maluwag. Kinabahan ka no? Akala mo siya na kaharap mo," natatawa niyang sabi.

Napakamot ako sa ulo ko. "Uhm. Oo," nahihiya kong sagot.

Since magkapartner kami sa training as freshmen dati, syempre naopen ko na sa kaniya minsan ang tungkol sa pagiging uncomfortable ko kay Lucian.

"Haha. Tara na nga," pag-aaya niya. "Sa Red Army Division ka diba? Magkatabi lang ang division natin."

"Talaga? Ano nga pala division mo?" Tanong ko.

"Green Army Division."

Napatango-tango naman ako.

Mabuti naman kung magkatabi lang division namin. Hindi ko na kailangang mangapa sa mapa na dala ko.

"Unahan na kita: katabi rin ng division mo ang division ni Lucius," aniya nang maglalakad na sana kami.

Natigilan ako.

Aish! Bad news.

Bumuntonghinga ako. "Bahala na," nasabi ko na lang.

Natawa siya. "Don't worry. Malawak ang plaza ng bawat division kaya hindi ka nun kukulitin. At isa pa, hindi pwede pumasok ang isang estudyante sa division na hindi naman siya belong. Kaya ayos lang yan."

"Oh. Talaga? Buti na lang. Magiging payapa ang pag-aaral ko," sabi ko habang napapatango-tango. At least, di siya pwede pumasok sa division namin.

Sabay na kaming naglakad ni Lucas patungo sa division namin. Itinago ko na rin ang mapa ko dahil nandito naman si Lucas.

Pagkalagpas namin sa Royal Army Division, isa pang division ang nakita ko. Litaw ang kulay green dito.

"Dito na division ko," biglang sabi ni Lucas.

Napalingon ako sa kanya. "Dito?" Paninigurado ko.

"Oo. Ang Green Army Division. Wag kang-mag alala, ayun ang division mo," sabi niya sabay turo sa isang building na malayo-layo ngunit tanaw mula dito sa Green Army Division.

Tumango ako at nagpaalam na rin para dumiretso na sa division ko.

Pagkarating ko naman sa harap ng division ko, pinagmasdan ko muna ito. Angat naman rito ang color red---ay hindi basta-basta red. Yung parang flaming red. Sa borders ng Red Army Division ay mga torch. Like talagang malalaman mo na dito talaga ang mga may kapangyarihan na apoy.

Mula sa nagkukumpulang estudyante, may isang babae na siguro ay nasa 25-year-old ang papalapit sakin.

Hinintay ko lang na makalapit na siya sakin.

"Dito ba ang division mo?" Tanong niya sa akin.

"Uhm. Opo."

Ngumiti siya sakin.

"Halika na. Naghihintay na ang iba pang studyante."

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon