Chapter 6 (True intentions)

Start from the beginning
                                    

      "See? Hindi ka makapagsalita, ibig sabihin na--- gusto mo nga." Muling hirit ni Nathaniel, lihim na napapangiti dahil sa pamumula ng pisngi ng dalaga.

     Hindi na siya nakapagpigil.

    "Hoy, mestisong hilaw. Nandito ako para bayaran iyong utang kong piso s'yo. Ayoko lang na magkaroon ng utang na loob sa isang taong maraming stock ng hangin sa katawan."

      Lumikha ng konting kumosyon ang pagtaas niya ng boses. Hindi na nakapag-react pa si Nathaniel. Magwa-walk out na sana si Kassandra ng maalala ang isa pang alalahanin niya.

       "Nga pala, ito pa iyong isa!" Ibinagsak niya ang lisensya nito sa lamesa. "Dahil sa lakas ng hangin mo sa katawan, natangay pati lisensya mo. Buti nalang may kunsensiya pa ako at naawa akong damputin yan!" Dagdag pa nito.

      Tuluyan na niyang tinalikuran ang binata at binilisan ang hakbang palabas ng resto.

      "Huh, she's crazy!" usal ni Nathaniel, natawa at napailing nalang ito.

-----

     NAPASANDAL si Kassandra sa malamig na pader. Sinapo niya ang kanyang nuo. Marangal naman siyang pinalaki ng kanyang ina. Alam niya kung paano makibagay at makisalamuha sa tao. Likas sa kanya ang pagtitimpi ngunit sadyang kumikitid talaga ang pasensiya niya sa tuwing makakaharap ng mga taong kagaya ni Nathaniel.

      "Oh nandyan ka lang pala, ang akala ko umuwi ka na." Bati agad ni Lucas nang makita s'ya sa hallway katabi ng resto.

       Pagkalabas ni Lucas sa comfort room ay nakita nitong wala na siya sa table. Pagkabayad sa counter ay dali-daling sinundan siya sa labas. Sakto namang hindi na sila nagkita sa loob ni Nathaniel.

      "Oh Ano? Do you still want to do this?" Seryosong tanong muli ni Lucas.

      Ito pa ang isa pang nagpapabigat lalo kay Kassandra ang mga ipapagawa sa kanya ni Lucas. 

    "Ano bang gusto mong gawin ko para makuha ko na ang kuwintas ko?" Nanghihinang sambit niya sa binata.

    "Come with me, sa unit ko."  

     Humakbang ito ng nakapamulsa upang pangunahan siya. Bumaling nalang ulit ito sa kanya nang mapansing hindi siya sumunod.

      "Ano susunod ka ba?"

       May namumuo ng kaba sa kanyang dibdib. Iniisip nito ang mga malalang senaryo na posibleng mangyari. Nasulyapan niya ang kanyang kuwintas na dumungaw sa tight shirt nitong suot.

         Ganun na s'ya kadesperado. Kailangang niyang mabawi iyon. Naisip niya na kung may balak itong kahalayaan sa kanya, agad siyang gagawa ng paraan upang lumaban.

      "Hey! Naririnig mo ba ako? Sabi ko--- sasama ka ba?" Tanong muli ni Lucas.

      Hay bahala na! Bulong ng isipan niya. Tumango si Kassandra at kabadong humakbang upang sundan ito.

      Alertong pinapanuod lang niya si Lucas habang sinusundan ito. Kabado siya sa mga posibleng mangyari sa loob. Napatigil si Lucas sa tapat ng isang unit. Bumukas ang pinto matapos pindutin nito ang electronic door lock.

     "Tara! Sa loob tayo. Pasensiya ka na medyo magulo lang." Humakbang ito papasok. Binuksan ang ilaw.

      Natitigilan naman siya sa tapat ng pintuan. Her heart was palpitating exaggeratedly. Alam niya na sa oras na pumasok s'ya sa loob ay malaya na itong gawin ang mga masasamang balak nito sa kanya.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now