" Tsk! Katakawan ng lanzones." saway niya sa sarili. Lalabas na sana siya ng muling makaramdam na tila binabaliktad na naman ang sikmura..tila naubos ang lahat ng kinain niya at nanlalata na ang pakiramdam niya.

Umakyat siya ng kwarto at kukuha sana ng maliit na tuwalya ng mapansin ang supot ng napkin na hindi pa nagagamit.

" Shit!" kinuha niya ang cellphone at tinignan ang planner niya roon.

" Two months na akong hindi dinadatnan?" humarap siya sa malaking salamin na naroon at kinapa ang tiyan. Hindi imposible ang iniisip niya dahil maraming beses ng may nangyari sa kanila ng asawa at hindi sila gumagamit ng proteksiyon.

Pero natuwa siya sa ideyang magkakaanak na sila ni Gabriel. Anak na magbubuklod at magpapatibay sa relayon nila bilang mag asawa. Pero kailangan niya munang makasigurado.

Umuwi nga ng tanghalian si Gabriel gaya ng sabi neto at masaya silang kumain.

" Aalis nga pala ako bukas Wifey, sasama ako sa pagdeliver ng mga gulay at gusto akong makausap ng personal ng bago nating kliyente na nag aangkat ng mga ito. Gusto mo ba sumama? " naisip ni Mariel na malayo masyado ang byahe at inaalala niya na baka may buhay na sa sinapupunan niya.

" Hindi na Gab, pero baka pumunta kami ng bayan bukas ni Ate Icel, kailangan narin natin ng supplies dito sa bahay. Babalik ka din ba agad? " dahil kung tama siya ay gusto niya agad malaman ng asawa ang magandang balita.

" Baka sa susunod na araw na, ayoko naman bumyahe kami ng gabi lalo na at madilim ang ibang daraanan, malayo layo din ang Pier mula dito sa Hacienda.." saglit niyang nakalimutan na nasa probinsya nga pala sila.

" Kung ganon dapat nga na sa sunod na araw na kayo bumyahe pauwi." naging magana ang kain ni Mariel lalo na at kasabay ang asawa.

Pagkatapos magpahinga ng konti ay bumalik din kaagad si Gabriel sa bukid para maihanda ang mga ededeliver nilang gulay.

Si Mariel naman ay nag search ng mga sintomas ng pagbubuntis. Mabuti nalang at iniwan sa kanya ni Lala ang pocket wifi neto.

Symptoms of pregnancy: the classic clues

•Fatigue ✓
•Slight bleeding or cramping
•Nausea with or without vomiting✓
•Food aversions or cravings✓
•Headaches✓
•Constipation
•Mood swings✓
•Tender, swollen breast. Your breasts may provide one of the first symptoms of pregnancy.

Natampal ko ang noo ko sa mga nabasa ko. At ang hindi pagdating ng period ko kasi regular iyong dumarating.

Umayos ako ng upo at hinaplos ang puson ko.

" Dumating ka na ba talaga anak? Magiging Mommy na ba talaga ako? I promise you, I will love you with all my heart at parati mong mararamdaman ang pagmamahal ko. Aalagaan kita at hahayaang gawin ang mga bagay na magpapasaya sayo pero gagabayan kita para maging mabuting tao ka. " naiyak ako, mga bagay na hindi ko naranasan. Magiging mabuting magulang ako sa anak ko bagay na hindi nagawa ng Mommy ko.

Kinabukasan..

" Mag iingat ka ha. Kumain ka, ito ang baon mo, ako mismo ang naghanda ng mga iyan. " ngayon lang kami magkakahiwalay ng medyo matagal.

" Thankyou wifey. Wag mo akong masyadong mamiss, babalik din ako agad." nakangisi ito. Pinisil ko ang pisngi niya.

" Aray! Aray! Wifey naman." ang gwapo niya naman kasi. Lalo na at bagong ligo pa. Ang bango niya.

" Sige na lakad na, baka nag aantay na ang mga kasama mo." pagtataboy ko sa kanya.

" Mag iingat din kayo ni Ate Icel, si Mang Daniel ang magmamaneho sa inyo, Wifey..... I.." akala ko ay may sasabihin pa siya pero hinalikan niya ako sa labi na tinugon ko pagkatapos makabawi sa pagkabigla..

Hinatid ko siya ng tanaw..pagkadating ni Mang Daniel ay umalis na din kami ni Ate Icel papuntang bayan.

" Ate Icel, kunin mo na ang lahat ng nakalista d'yan na kailangan natin. At kung may maalala ka pa, kumuha kana din. Maghahanap lang muna ako ng cr. Naiihi na ako." palusot ko.

Mabuti at hindi naman na siya nagtanong. Dumaan ako ng Drug Store saka bumili ng limang pregnancy test para makasigurado. May nakita naman akong Cr kailangan lang magbayad ng limang piso.

Pumasok na ako at agad na binasa kung paano gamitin ang mga iyon. Hindi ako mapakali habang inaantay ang resulta...ng oras na ay pigil hininga kong tinignan ang nakahilerang PT. Lahat two lines, ibig sabihin buntis nga ako?

" Oh my...." naluha ako ng muling tignan ang limang PT na pare parehong may dalawang guhit.

Magkakaanak na kami ni Gabriel. Gusto ko sana siyang tawagan pero malamang nasa byahe iyon at ayoko rin namang mapilitan siyang umuwi.

" Baby, umalis lang si Tatay, pero sasabihin ko din sa kanya anak ang balita pagbalik niya, sigurado akong matutuwa iyon." binalikan ko na si Ate Icel at sabay kaming namili ng mga kailangan para sa bahay.

Samantala...

“Ladies and gentlemen, welcome to Manila Internationa Airport. Local time is 11:45 am and the temperature is 27°.

" Hello' my beloved Philippines." napangiti siya sa muling pagbabalik sa sariling bansa.

For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. At this time, you may use your cellular phones if you wish./Cellular phones may only be used once the Fasten Seat Belt sign has been turned off.

3 years din siyang nawala. Hindi siya nagsisisi na umalis dahil narating niya ang ilang bansang akala niya'y hangang pangarap lamang.

" See you soon Gabriel, mahal ko."

Itutuloy........


Hi guy's..sorry na ngayon lang ako nakapag update..busy lang si Author..mwuahhh..comment kayo..salamat..

Skycharm24

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now