Park Jimin Di ba si Roseanne Park yung girlfriend mo?

              Jung Hoseok oi qaqu xD
              Kim Seokjin break na sila last month

              Kim Taehyung ISA KA TALAGANG ALAMAT KOOKIE! ./.

              Min Yoongi Isa kang gago kookie

              Jung Hoseok exPOSED

              Jung Hoseok exPOSED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jeon Jungkook tangina nyo haha


Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa harap ng laptop ko habang tinitingnan ko ang picture ng kaibigan ko kasama ang ex-boyfriend ko.

Alam kong dapat magalit man lang ako o mainis pero wala akong nararamdaman na kahit konting galit sa dibdib ko.

Kasi mas nangingibabaw yung lungkot ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano ang hindi ko malaman.

"Hey girl." Bigla akong may narinig na boses mula sa likuran ko kaya naman mabilis kong pinunta sa wattpad ang tab para hindi niya makita na ini-stalk ko si Jungkook.

Mabilis akong humarap kay Jisoo na bigla-bigla nalang pumapasok sa kwarto ko ng hindi man lang kumakatok.

Napatingin siya sa akin bago nya tiningnan kung anong nasa screen ng laptop ko.

"Nagsusulat ka na naman? Hindi ka ba na-emo diyan?" Aniya bago siya naupo sa kama ko. Sinarado ko ang laptop ko bago ako tuluyang humarap sa kanya.

"Alam mo naman na gusto ko talagang magsulat di ba?" Sabi ko sa kanya bago ko kinuha ang bag ko.

"Kaya nga kayo nagbreak ni Jungkook dahil diyan di ba?" Ginaya pa niya ang tono ko.

Tiningnan ko siya ng masama pero nagkibit balikat lang siya sa akin bago niya hinagis ang suklay na na sa gilid. "Magsuklay ka naman bes." Napairap nalang ako sa kawalan bago ako napilitang suklayin ang buhok ko, magkatabi lang kasi ang bahay namin ni Jisoo kaya naman dinadaanan niya ako sa amin bago kami pumasok ng school.

Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga siya ang lagi kong kasabay pumasok, ngayong senior high school lang kami nagkasabay ni Jisoo, yung isa ko kasing kaklase ang kasabay ko palagi 'dati', kapit bahay ko rin siya pero mukhang nakalimutan na yata niya ako, busy na kasi siya sa mga girlfriend niya simula nung nagsenior high school kami.

Sabagay pareho kaming may jowa dati kaya siguro hindi na kami nagkakasabay.

"Rose..." Tawag sa akin ni Jisoo kaya naman napatingin ulit ako sa kanya.

"Hmm?" Tanong ko.

"Alam mo Rose, okay lang umiyak. Hindi mo kaylangan idaan lahat sa pagsusulat, hindi mo kaylangan kimkimin lahat ng yan." Aniya.

"Bakit naman ako iiyak?" Sinubukan ko yung best ko na hindi magcrack yung boses ko.

"Alam kong alam mo na, minention ka ni Jimin as if naman hindi mo pa nakita yun." Nagkibit balikat nalang ako at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin para makita ng maayos ang mukha ko.

Hindi ako nakapaglagay ng lip tint, pinagiisipan ko kung maglalagay pa ba ako o huwag na pero mas minabuti kong huwag nalang, pinagmasdan ko ang sarili sa salamin ko. Ano bang nangyayari sa akin? Gulo-gulo ang buhok ko, may malaking itim sa ilalim ng mata ko at nagkakaroon na ako ng mga tagyawat kakapuyat ko.

"Good for them, alam ko namang matagal ng gusto ni Lisa si Jeon." Tiningnan ko nalang ulit ang sarili ko bago ako humarap sa kanya. "Masaya ako para sa kanila."

"Masaya ka nga para sa kanila, pero masaya ka ba para sa sarili mo?" Tanong niya.

"It doesn't matter kung masaya ako o hindi, ang mahalaga masaya silang dalawa. Kaibigan natin si Lisa so dapat maging masaya tayo kasi masaya siya kahit ex-boyfriend ko pa si Jeon." Giit ko.

"Kaibigan ka rin namin Rose kaya mahalaga rin kung masaya ka ba." Aniya.

Ngumiti nalang ako sa kanya ng pilit, sinubukan ko yung best ko para magmukha iyong totoo.

"Roseanne ang pangalan mo pero mukhang mas bagay sa'yo yung Rosaline." Aniya.

"Bakit naman? Maganda naman ang pangalan ko ah."

Hindi siya nagsalita nakipagtitigan lang siya sa akin.

"Alam mo Jisoo, hindi ko alam kung ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na ayos lang, ayos lang ako at ayos lang sa akin lahat ng yun."

Tiningnan ko lang siya ng diretso sa mata niya, ramdam ko yung awa niya sa akin pero ayokong kinakaawaan ako ng mga tao kaya ngumiti nalang ako sa kanya at pilit kong pinakita sa kanya na masaya ako.

"Alam mo, malilate na tayo." Sabi ko sa kanya bago ko siya iniwan sa kwarto ko, narinig kong tinawag niya ang pangalan ko bago niya ako sinundan palabas.

ROSALINE (Short Story)Where stories live. Discover now