“Uhm…sige,” napayuko ako. And I stare at my shoes. Damn, Scarlett hindi mo alam ‘tong ginagawa mo.

“Perfect!” Marco clapped his hands. Bigla namang  pumunta siya kay Ericka at niyakap yakap ito. “Found someone, sis! Goodness, ang perfect niya para rito!” napatingin ako kay Ericka. She smiled at me. And I was too.

Pagkatapos ay hinatak na ako sa isang kwarto ni Marco. Hindi ko na nakita si Benj dahil sa biglaang paghatak niya sa akin. May mga limang model sa kwarto at nakabihis na. ‘Yung ibang babae nakabikini and yung mga lalaki swimming trunks. Then summer outfit. May nakashort shorts and hanging blouse. ‘Yung ibang lalaki na khaki shorts and polo.

“Okay guys! Labas na! Mag-uumpisa na si Benj and Cons. Come on!” pumalakpak si Marco at naglabasan ‘yung models. Pagkalabas ng mga model ay may hinatak si Marco na set ng mga sundresses. Maigi niyang tinitigan ito at ako. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa mga dresses.

“Yellow!”agad niyang kinuha ang yellow sundress at pinakita sa akin. “Your name girl?”Napatayo naman ako ng tuwid.

“Scarlett, pero Scar na lang,” ngumiti naman siya sa akin.

“Beautiful,” aniya at binigay sa akin ‘yung dress. “Wear this. Summer magazine kasi ang irerelease namin. At mauuna ang states sa pagpublish,” explain niya sa akin.

Napakunot naman ang kilay ko kasi di ba magbibihis ako? Tapos nakatingin siya? Bigla naman siyang nakakuha ng ideya sa tingin ko, “okay. Fine,” tumalikod naman siya at pinuntahan ‘yung salamin.

Tinignan ko muna ang paligid kung may iba pang tao. Clear. Wala. Tinignan ko ang pinto at nakalock naman. Hinubad ko na ang damit ko at sinuot ang yellow sundress. The dress is above my knee. Inayos ko pa siya pero hindi ko naman matali ‘yung straps. Humarap na si Marco sa akin at inaayos ‘yung pagkakatali. Para akong nanlamig sa itsura ko ngayon dahil expose ang arms and shoulders ko.

“Dati pa nagawa ni Ericka ang design na ‘to, ngayong lang nilabas,” paliwanag niya habang inaayos ‘yung dress sa akin. “Ang ganda. Alam mo girl may kamukha ka. My bet to all the boys I’ve known in my life,” Napakunot ako ng noo. Ako may kamukha?

Inaya naman ako ni Marco at pinaupo sa harap ng salamin. “You know the great Francisco Densel Alegre?” para akong nabilaukan sa sinabi niya, “ilang beses ko na siyang inofferan na maging model namin pero ayaw niya. Sayang!” Sinuklay niya ang buhok ko at pinusod ito.

“My twin brother,” mahina ngunit alam kong narinig niya ang sinabi ko. Hindi siya nagsalita ng ilang minuto kaya napatingin ako sa salamin. Nakabukas ang bibig niya. He was trying to speak but he was lost in words.

“Goodness!” bigla akong napatalon sa upuan ko sa tiling binigay niya. Nagtatalon siya at hindi na napigilan ang sarili niya na tumili tili, “Scar, convince him please! Convince him!” kusa na siyang kumalma at inumpisahan na niya akong ayusan.

“I’ll try,” sabi ko at napapikit nang may gawin siya sa mata ko.

“OMG! Thank you!” tumili na naman siya at napatakip na ako ng tenga.

Sandali lang niya akong inayusan. Simple lang at natural pa rin ‘yung mukha ko sa ayos niya. “I love your lips, Scar. ‘Dyan ako naakit kay Chico sa labi niyang mapula, o goodness!” he has that dreamy face. Napailing na lang ako.

Binigay naman ni Marco ang sandals sa akin. Tumayo na ako sa pagkakaupo at lalabas n asana kami nang tumunog ang phone niya. Bigla akong kinabahan dahil hindi pa ako nagtetext kila Gaile. O goodness. I’m so dead.

Sinagot na ni Marco ang phone niya. Hinanap ko naman ‘yung damit ko kanina para kunin ang phone. Pagkakuha ko sa phone ay bigla akong nanlamig sa dami ng text at call na galing kay Lucy and Gaile. They are going to kill me. Goodness!

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now