FINAL CHAPTER

8.4K 231 35
                                    



"I SHOULDN'T be the one shopping for your baby's things. Si Radley dapat ang hinatak mo dito, hindi ako," ani Red kay Via. Bitbit nito sa mga kamay ang ilang shopping bags na naglalaman ng mga gamit ng baby niya. "Baka ma-tsismis ako na ako ang nakabuntis sa'yo." Dagdag pa nito. Huminto sila sa paglalakad at kinuha nito ang cellphone sa bulsa. Nagpipindot ito roon.

"Hindi ka ba matutuwa no'n? Iisipin nilang tunay na lalaki si Red Marasigan," mahinang sabi niya, saka binuntutan ng tawa. Kaninang umaga ay nagpasama siya kay Red sa OB-GYN para sa kanyang ultra-sound checkup. Gustuhin man niyang si Radley ang makasama para doon subalit hindi ito available nang araw na iyon. He was busy with his musician life. Nasa Davao ito para sa live tour concert ng Vampyres doon. Masama pa rin ang loob niya sa lalaki subalit gaya ng sinabi niya rito, hindi niya ipagkakait kay Radley ang karapatan nito bilang ama ng anak nila. At kasama na roon ang pagsasama dito sa lahat ng scheduled visit niya sa kanyang OB-GYN. Pagkatapos nilang manggaling ni Red sa OB-GYN niya ay nagpasama pa siyang mamili ng mga gamit ng baby niya gaya ng feeding bottles, a few unisex baby clothes, bibs at breast pumps. Naisip niyang bumili na ilan sa mga nasa newborn checklist niya para nakahanda na ang mga iyon bago pa man siya mga manganak. She was already on her twenty-one weeks of pregnancy.

Nilingon siya ni Red nang maibulsa nito ang cellphone pagkatapos mag-text sa kung sinong kausap nito. "Luka-luka! Kapag kumalat ang balitang 'yan, baka masira ang career ko. I have an image to protect."

"Arte mo!" She rolled her eyes. "Nagugutom ako. Mag-merienda muna tayo bago umuwi. Tara do'n," itinuro niya sa kaibigan ang Yuan's Coffee Shop na nasa kabilang kalsada. Matagal na niyang naririnig ang nasabing coffee shop at magaganda ang reviews na nababasa niya roon. Ang sabi nga sa kanya ng kliyente niya noon na si Louise ay ito ang nagsu-supply ng pastries at cakes sa Yuan's.

"Sige," pagsang-ayon ni Red sa kanya.

Tumawid sila ng kalsada at pumasok sa loob ng Yuan's Coffee Shop. Naghanap si Red ng bakanteng mesa habang siya naman ang lumapit sa counter upang umorder ng mga pagkain. Pagkakita palang sa mga pastries at cakes na nakadisplay sa display counter ay natakam na siya. Matapos makapag-order ay pinunatahan na niya si Red na may kausap sa telepono.

Nang makita siya nitong papalapit ay agad nitong ibinaba ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

"Kung hindi ka nagte-text, may kausap ka sa cellphone mo. Akala ko ba free time mo ngayon?" aniya sa kaibigan nang maibaba ang tray na naglalaman ng mga inorder niya saka naupo sa bakanteng silya sa tapat nito.

"Free time ko nga. Kaya nga sinamahan kita," he grinned.

"Sino ba 'yang kausap mo? Si Francis na naman?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

Lumihis ang tingin nito sa kanya. "Nothing important," paiwas nitong sinabi.

"Ang weird mo," kinuha niya ang tinidor at pumiraso ng blueberry cheesecake at agad na isinubo iyon.

Tahimik siyang kumakain hanggang sa mapansin niya ang pagkukumpulan ng mga tao sa harap ng Yuan's Coffee Shop. Salamin ang nagsisilbing pader ng coffee shop kaya kitang-kita ang pagkakagulo ng tao sa labas.

"Bakit bigla namang dumami ang tao diyan sa labas? Parang nagkakagulo sila? Look!" ang sabi niya kay Red. Napakunot noo siya nang mahagip ng paningin niya ang isang tour bus na nakahimpil sa tapat ng Yuan's. At iyon ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Kanina naman ay wala iyon doon. Nalingat lang siya sandali at ngayon bigla nang may tour bus sa harap ng Yuan's?

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Where stories live. Discover now