CHAPTER FOUR

5.7K 124 14
                                    

"Alam mo, Red, kung hindi lang talaga kita kaibigan, hindi talaga ako sasama sa'yo rito," ani Via sa kaibigang si Red. She wasn't really a party girl. Bihira siyang magpunta sa mga club o mga bar. Birthday party ng kaibigan at co-star nito sa teleserye at isinama siya nito roon bilang "front date" nito. Makikipagkita rin ito sa secret boyfriend nitong si Francis— isang stage actor at closet gay din gaya nito.

"Ngayon lang, Via. Matagal na nga kaming hindi nagkikita ni Francis. Alam mo namang tagong-tago ang relasyon namin," ang sabi naman ni Red.

"Ngayon lang? Ilang beses ko na ba kayong pinagtakpan ng jowa mo? Eh, kung umaamin ka nang bading ka, eh, di malaya na kayong magmahalan ni Francis." Inalis niya ang seatbelt na nakakabit sa katawan nang pumarada ang kotse ni Red sa tapat ng isang sikat na nightclub sa Bonifacio Global City sa Taguig.

"At gusto mong mapatay ako ng tatay ko at mawalan ng career, gano'n ba, Via?"

"Iyon lang." Tama nga naman din ang bakla. Hindi lang ang pamilya nito ang magiging apektado, kundi ang buong Pilipinas din. Ito ang itinuturing na Prince Charming ng buong bansa. Marami ang maha-heartbroken kapag umamin itong bading at may boyfriend. Tsk. Naaawa talaga siya sa sitwasyon ni Red. Kung ganoon lang sana kadaling tanggapin ng madla ang mga kagaya nito.

Sa mga pagkakataon na gaya nito, hindi niya maiwasang tanggihan si Red sa mga pakiusap nito. She loved him dearly.

"Let's go." Inakay siya ni Red papasok sa nightclub.

Punong-puno na iyon ng tao nang makapasok sila. At mukhang nagsisimula na ang party nang dumating sila.

Nakita nila agad ang boyfriend ni Red na si Francis. "Hi, Via. 'Nice seeing you here. Buti at hindi ka busy," anang lalaki, bumeso sa kanya. Guwapo, matangkad at chinito. Sayang ang lahi nito. Matagal-tagal na rin silang magkakilala ni Francis. Mula pa noong ipakilala ito sa kanya ni Red bilang boyfriend two years ago.

"Katatapos lang ng isang makeup gig ko kanina. I went straight ahead here in Manila from Batangas kahit wala pa akong pahinga. At mahihindian ko ba kayong dalawa nitong si Red?" anaman niya. Isang prenup wedding photo shoot ang pinuntahan niyang makeup gig kaninang umaga.

Tumawa ang dalawang lalaki, este beki. Hindi na rin siya manghihinayang sa dalawa dahil bagay na bagay naman ang mga ito. Mukhang masaya naman ang dalawa sa isa't isa kaya masaya rin siya para sa dalawang kaibigan.

The two introduced her to the birthday celebrant— ang leading lady ni Red sa teleserye nito, si Alyssa Espino.

"Hi, Via! Have we been introduced to each other before?" tanong nito sa kanya, nakangiti.

Bahagya siyang umiling. "I don't think so. But it's nice to meet you, Alyssa. Happy birthday!" bumeso siya sa babae.

"Hmm," nag-isip ito ng ilang saglit at bigla ay lumuwang ang pagkakangiti nang tila may maalala. "I know you! You're one of the most famous beauty gurus in the Philippines! I sometimes see my brother checking out your videos on YouTube. You're much prettier in person, Via," puri nito sa kanya.

"Thank you." She smiled genuinely. May viewer pala siyang lalaki? Brother daw, eh. Baka kalahi nina Red at Francis. Kunsabagay, hindi lang naman ang mga kababaihan ang nakaka-appreciate ng talent niya sa pagme-makeup. Pati na ang mga beki.

"I must move around. Enjoy yourselves, okay?" paalam ni Alyssa sa kanila.

"Sure!"

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Where stories live. Discover now