CHAPTER TWO

6.7K 118 10
                                    

"OLIVIA!"

Gulat na napalingon si Via sa tumawag sa pangalan niya. Muntikan pa niyang mabitawan ang hawak na goblet sa pagkagulat nang malingunan si Tito Miguel. Kasalukuyan siyang nasa open bar kung saan libre ang kumuha ng alcoholic drinks ang mga bisita sa kasalang iyon. Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso siya agad sa open bar na naroon. She thought she needed a drink for tonight. Hindi pa natatapos ang programa. At hindi pa rin siya maaaring umalis doon.

May pagtataka na nakabakas sa mukha ng kanyang Tito. "Oh, Tito Miguel! Auntie Bernice!" Lumapit siya sa nakakatandang lalaki at humalik sa pisngi nito pati na sa pisngi ng Amerikanang asawa nito. "Are you one of the guests here, Tito Miguel?" bunsong kapatid ni Tito Miguel ang kanyang ina na si Cecilia Soberano-Martinez.

Tumango ang lalaki. "Yes. Kaibigan ko ang stepmother ng bride. Ikaw, anon'g ginagawa mo rito, Via?" tanong naman sa kanya nito.

"Kliyente ko po si Louise," sagot niya.

"I see. Is Marla still staying with you?" tanong ni Tito Miguel. Tumango si Via. For the past week, hindi nakikipag-communicate si Marla sa mga magulang nito. She refused to take their calls. Masama pa rin ang loob ng kanyang pinsan sa tatay nito dahil balak nitong ipakasal ang anak na dalaga sa anak ng best friend nito. Kaya nga naglayas ang kanyang pinsan at nakituloy sa bahay niya. "Puwede bang pakiusapan mo ang pinsan mo na umuwi na? Or else hindi niya magugustuhan ang gagawin ko." May tigas sa huling pangungusap na sinabi nito.

Napalingon siya sa paligid, nakita niya ang stepmother ni Louise na si Mrs. Ellen Sarrosa na inayusan din niya kanina. Only then she realized that Louise's stepmother was the Tita Ellen that Marla was talking about— ang best friend ni Tito Miguel. Si Tita Ellen na may anak na balak ipakasal sa pinsan niya. "Sasabihin ko po. Pero hindi po ako nangangako na mapapauwi ko siya sa inyo. Kilala n'yo rin naman po si Marla," ang tanging nasabi ni Via sa kanyang Tito Miguel. Sa totoo lang ay hindi rin siya sang-ayon sa balak ng daddy ni Marla para dito. Para sa kanya ay hindi tama ang desisyon nitong ipakasal si Marla sa anak ng kaibigan nito. Lalo na at hindi kilala ni Marla ang lalaking ipakakasal dito. Ngunit sino ba naman siya para mapigilan si Tito Miguel sa balak nito? She was just his niece.

Tumangu-tango si Tito Miguel. "Matigas din talaga ang ulo ng batang 'yon." Sang-ayon ng kanyang Tito. Tumingin ito sa writstwatch na suot. "Darling, I think we have to go." Nilingon ang asawa. "We'll see you again, dear. We have to catch an early flight tomorrow to Kalibo para sa isang medical mission." Tito Miguel and Auntie Bernice were both doctors. At mula nang bumalik sa Pilipinas ang mag-asawa mula sa matagal na panahong paninirahan sa California ay hindi pa rin huminto sa pagtatrabaho ang mga ito. And she admired their passion for helping people.

"See you again, Tito Miguel, Auntie Bernice. Ingat po kayo."

"Take care of Marla for me, Via," wika naman ni Auntie Bernice na nakangiti. Alam niyang hindi rin gusto ni Auntie Bernice ang ideya ng asawa nito ngunit wala itong magawa tungkol sa bagay na iyon.

"Of course, Auntie Bernice. You actually don't have to tell me that. You already know how much I love my cousin Marla." Nakangiting sabi niya, saka muling hinalikan ang pisngi ng kanyang Auntie. Si Marla ang masasabi niyang pinaka-close niyang pinsan sa lahat kahit na matagal itong nanirahan sa Amerika. Para na niya itong nakababatang kapatid kahit na mas matanda lang siya rito ng tatlong buwan.

Naglakad na ang mag-asawa palayo kay Via.

Nakahinga lang siya nang maluwag nang mawala na sa paningin niya ang mag-asawa. Mabuti na lang at wala sa wedding reception na iyon si Marla. Nabanggit nito sa kanya na ayaw nitong makilala—ever!—ang lalaking ipapakasal dito ng ama.

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Where stories live. Discover now