CHAPTER NINE

5.2K 138 27
                                    


"MY FAMILY loves you so much, Via. Lalo na si Grams," masayang sabi ni Radley kay Via. Alas-ocho na ng gabi sila nakaalis sa bahay ni Lola Aurora.

Inihatid siya ni Radley pauwi sa bahay ng mga magulang niya pagkatapos nilang manggaling sa bahay ng abuela nito. Mahigit isang linggo na ang nakaraan mula nang bumalik siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Nag-aalala si Radley sa kanya dahil mag-isa lang daw siya sa bahay niya at baka raw mahirapan siya lalo na't nasa ikalawang trimester na ang ipinagbubuntis niya. Ang sabi pa nga nito ay doon na raw siya lumipat sa bachelor's pad nito para hindi siya nag-iisa. She refused of course. Hindi naman sila mag-asawa nito.

Napangiti si Via. "I love them, too. I thought they're going to skin me alive." Ngunit taliwas sa inaasahan niya ang naging pagtanggap ng abuela at mga kapatid ni Radley sa kanya.

Natawa si Radley. "They would never do that." He pinched her cheek. "Sige na, pumasok ka nasa loob. Bawal daw mahamugan ang mga buntis."

"Okay." Ngunit parang ayaw naman niyang pumasok sa loob ng bahay. Parang ang gusto lang niyang gawin sa mga oras na iyon ay ang titigan ito o higit pa. Nang mapadako ang mga mata niya sa mga labi nito ay napalunok siya. Images of them together in bed and the act when they created their baby flashed in her mind. At nang umakyat naman ang paningin niya sa mukha nito ay nagsalubong ang mga mata nila. Titig na titig din ito sa kanya.

Ilang saglit na nakatitig lang sila sa isa't isa. Bukod yata sa ingay ng kuliglig sa paligid ay ang tibok ng kanilang puso ang tangi niyang naririnig. She suddenly felt hot all over. Normal ba sa isang buntis na babae ang makaramdam ng ganon? She wondered.

Tumikhim siya pagkaraan ng ilang sandali upang basagin ang katahimikan sa pagitan nila at upang alisin ang kapilyahang naisip niya. "G-gusto mong magkape na muna bago umuwi?" alok niya kay Radley sa halos paos na tinig.

"I'd love that... but there's one thing I'd love to do more than drinking a cup of coffee," mahinang sambit nito. There was fire in his eyes. She knew that look in his eyes. She had always known.

Parang tinambol ang dibdib niya nang tumaas ang magkabilang kamay nito at sinapo ang kanyang mukha. Kusa siyang napapikit nang bumaba ang mga labi nito sa kanya. At kusa ring napayakap sa baywang nito nang tugunin ang mga halik ni Radley. Iyon ang gusto niyang gawin kanina pa. Ang mahalikan nito.

Radley was kissing her tenderly, gently yet passionately. Parang sabik na sabik itong mahalikan siyang muli. Well, the last time they kissed each other was before she got pregnant. That had been months already. And Via knew deep in her heart, in that moment, she had fallen in love with Radley all over again. She couldn't deny it anymore. But then, alam niya sa sarili niyang hindi naman nawala ang pagmamahal niya rito. She had loved him ever since.

Naramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa pinto nang lalo pang lumalim ang paghalik ni Radley sa kanya. Each time they kissed, it felt like her whole world was spinning. At pakiramdam niya ay may fireworks sa paligid sa tuwing hinahalikan siya nito.

Pagkalipas nang ilang minuto ay naghiwalay ang mga labi nila. Idinikit ni Radley ang noo nito sa noo niya habang sabay silang naghahabol ng hininga. Bumaba ang isang kamay nito sa baywang niya. The gesture was so intimate and sweet it brought a smile upon her lips.

Radley kissed the tip of her nose. "I've always loved kissing you, Olivia," nakangiting sabi nito mayamaya nang maging normal na ang paghinga.

"I love kissing you, too," pag-amin niya. Hindi na siya mahihiya dito dahil iyon naman ang totoo.

Radley grinned. Pagkatapos ay muli nitong hinalikan ang mga labi niya. He was nibbling, sucking her lips, then he kissed the side of her jaw down to her chin, and again back to her lips.

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Where stories live. Discover now