CHAPTER FIVE

5.5K 112 13
                                    


"LUKARET KA TALAGA, MARIA OLIVIA!" Paulit-ulit na sabi ni Via sa sarili. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa kagagahang ginawa niya.

Mahigit sa isang buwan na mula nang may mangyari sa kanila ng ex-boyfriend niya at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya makalimutan ang bagay na iyon. Paano naman niya makakalimutan ang isang bagay na pinagsaluhan nila? Maaaring hindi detalyado sa isip ang lahat ng iyon subalit laging pumapasok ang ginawa nila sa isip niya. Kahit anong oras, kahit saang lugar. At hiyang-hiya siya sa sarili niya. She had just had sex with her ex-boyfriend! Of all people! Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya noong gabing yun at pumayag siyang may mangyari sa kanila. Maybe she had gone crazy that night.

Hindi niya lubos-maisip kung bakit sa lahat ng lalaki ay kay Radley Valerio— her jerk of an ex-boyfriend— niya ipinagkaloob ang isang bagay na pinakaiingat-ingatan niya. Noong mag-karelasyon pa sila nito ay hindi niya iyon ibinigay dito, kaya nga marahil ay nakuha nitong ipagpalit siya sa iba dahil hindi pa siya handang gawin iyon dito. Ngunit kung kailan naman hindi na niya ito boyfriend ay saka naman niya ipinagkaloob ang kanyang sarili sa lalaki. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung sino ang sisisihin. Pero naisip niyang kasalanan din niya dahil nagpadala siya sa mapang-akit nitong mga mata at mga halik. Isa rin siyang malandi!

"Ang gaga ko talaga!" gustong maiyak ni Via sa habag sa sarili.

Nagsisisi ka pa, eh, nagustuhan mo naman ang ginawa n'yo! Tudyo ng isang tinig sa isip niya.

Via's cheeks felt like they were burning up when she recalled the time they did it that night. Hindi siya sigurado kung ilang beses nilang ginawa iyon. Nang magising siya kinabukasan ay ang sakit-sakit ng buong katawan niya lalo na iyong parte sa pagitan ng magkabilang hita niya. Oh, god! I'm such a slut! Nahiya na naman si Via sa sarili niya. Ano na lang ang iisipin ni Radley sa kanya?

Agad-agad siyang umalis sa bahay ni Radley habang mahimbing ang tulog nito. Wala siyang mukhang maihaharap dito. It wasn't like her to have sex with an ex-boyfriend. Hindi naman siya katulad ng mga babaeng nauugnay dito. At pagkatapos ng mga naganap sa kanila ay wala namang magbabago. He was still her ex-boyfriend.

Dahil naguguluhan sa mga pangyayari. Nag-alsa-balutan si Via patungo sa probinsya ng kanyang ina sa La Union. May bahay ang kanyang mama doon na ipinamana dito ng mga yumaong magulang.

Dinaan na lang ni Via sa pagkain ng ice cream ang lahat ng gumugulo sa isip niya.

"Ang aga-aga ice cream ang kinakain mo," komento ni Marla sa kanya nang umupo ito sa tabi niya sa dining table. Sumama ito sa kanya sa La Union. Masaya na ang pinsan niya sa piling ni Micky— ang lalaking ipapakasal ni Tito Miguel dito. The two fell in love with each other. Tuloy na tuloy na rin ang kasalan ng mga ito dahil nag-propose na rin si Micky sa kanyang pinsan.

"Ang sarap kaya. Try mo." Sarap na sarap namang sabi niya. Bigla siyang nag-crave sa salted caramel flavored ice cream. Wala siyang gustong kainin kung hindi salted caramel ice cream, kaya nagpasama siya kay Marla sa bayan kanina para bumili niyon.

"Hindi ako mahilig sa sweets."

Nagkibit-balikat lang si Via. Muli siyang nag-scoop ng ice cream. Pangatlong baso na niya iyon. "Ayaw mo talaga?"

Umiling si Marla. "No, thanks."

"Ayaw mo, di 'wag mo."

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Where stories live. Discover now