CHAPTER SEVEN

5.1K 131 12
                                    


MAHIGIT DALAWAMPUNG minuto nang nakatitig si Via sa kanyang iPhone. She couldn't decide if she would call Radley or not. Lagpas alas-dose na ng gabi at baka tulog na ang lalaki sa mga oras na iyon. Ngunit mababaliw siguro siya kapag hindi niya nakain sa mga sandaling iyon ang combination ng Doritos with salsa con queso dip. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama dahil hindi siya makatulog at hindi mawala sa isip niya ang paborito niyang chips. Pagkatapos niyang paglihian ang salted-caramel flavored ice cream, Doritos naman ang hinahanap-hanap ng panlasa niya. Kung puwede nga lang na si Via na ang lumabas ng bahay para siya na mismo bumili niyon ngunit wala naman siyang ibang makakasama. Iyon ang mahirap kapag mag-isa lang sa bahay. She asked Red for help but he was busy filming a new movie.

"Just call her, Via kaysa naman maloka ka diyan," pangungumbinsi niya sa sarili. She took a deep breath before she finally dialed Radley's phone number. Binigay nito sa kanya ang numero nito sakali raw na may kailangan siya. At huwag daw siyang mahiyang tawagan ito kahit anong oras.

Pagkatapos ng dalawang ring ay agad itong sumagot sa kabilang linya. "Via?"

"Rad... ahmm," humugot siya muli nang hininga, saka muling nagsalita. "Nakaistorbo ba ako? Nagising ba kita?"

"Hindi naman. Nasa biyahe ako pauwi. Kakatapos lang ng gig namin sa Makati. May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Can you help me with something?" Kagat-kagat ang ibabang labi na naghintay siya sagot nito.

"You're craving for something? Ano ang gusto mong kainin?" tila naman may psychic powers ito dahil nahulaan nito ang rason kung bakit siya napatawag dito.

"Ano... ano kasi, gusto kong kumain ng Doritos with salsa con queso dip. Wala naman akong mautusan dito sa bahay para sana bumili niyon. Si Red sa—"

"Give me less than an hour at dadalhin ko diyan sa bahay mo ang Doritos with salsa con queso na 'yan. Is that all? O may iba ka pang gusto?" mabilis na sagot nito hindi pa man siya natatapos magsalita.

"Wala na. Iyon lang ang gusto ko. Pakidamihan sana?" hopeful na sabi niya.

He chuckled. "Noted. Hintayin mo ako, okay?" masuyong sabi nito.

"Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nakakain 'yon. I'd definitely wait for you. Bilisan mo kung ayaw mong pumangit ang anak mo." Biro pa niya.

"Areglado!"

Wala pang isang oras ang nakalipas nang tumunog ang doorbell sa apartment niya. She immediately opened the door.

"Like I promised, here's your Doritos with salsa con queso dip," hinihingal na sabi ni Radley na hawak sa magkabilang kamay ang dalawang plastic bags. And he looked like a... well, a little mess. His hair and his shirt were disheveled. Halatang galing sa paghahagilap ng mga pagkaing ni-request niya. Pinapasok niya agad ito sa loob ng bahay.

Agad na naglaway siya nang makita ang ilang supot ng Doritos sa plastic bag. "Thank you so much, Rad!" sa sobrang kasiyahan niya ay hindi niya napigilan na halikan ang pisngi nito.

Radley smiled. "I'd do anything for you and for this little bun in the oven." He affectionately caressed her baby bump which was a little obvious now. Three months na ang tiyan niya. "How are you, baby love?" pangangamusta nito sa anak na nasa tiyan niya.

Something touched her heart with his gesture. At hindi niya napigilan ang mapangiti sa endearment nito sa magiging anak nila. She found it cute and sweet.

"Gutom na siya. Di na nga makapaghintay, mabuti na lang at mabilis kang nakarating dito," sagot niya. "Let's go to the kitchen," hinila niya ang kamay ni Radley papunta sa kusina.

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum