Chapter 3 (A simple smile)

Start from the beginning
                                    

       "Kassandra, ayos ka lang?" Hinimas ni Rosie ang kanyang likuran. "Huwag kang mag-alala maibabalik din iyon sa'yo," dagdag pa nito.

       Sana tama si Rosie, dahil sadyang napakaimportanteng bagay iyon para sa kanya. Pakiramdam niya'y nawala ang isang napakalaking parte ng kanyan pagkatao.

-----

          MASUWERTENG napagbigyan ang hiling ni Rosie na makapag-extra ang kaibigan.

       "Oh, okay ka lang ba d’yan?" Masayang bati nito kay Kassandra.

        "Ayos, naman. Ang ganda pala rito sa pinagtratrabahuan mo?" Tuwang sagot niya habang muling ikinukubli sa hairnet ang kanyang kulot na buhok.

         Masayang biruan nalang ang suot-suot nilang aphron. Bagay daw kasi sa kanya ang peach nitong kulay.

      "Talagang okay lang s'yo na maglampaso ng sahig. Hay! Kassandra na-gu-guilty tuloy ako. Baka kasi hindi ka sanay d'yan."

     "Rosie, kaya ko ‘to. Aba! Sanay yata sa pagbabanat ng buto ‘tong katawan ko 'no."

     "Kasi sayang naman, ang beauty mo ‘te tapos, nagmo-mop ka lang ng sahig at naglilinis ng comfort room."

     "Wala na akong pagpipilian pa. Saka okay naman ako rito. Kayang-kaya ko ‘to."

     "Hoy, magkukuwentuhan nalang ba kayo diyan!" Sigaw ng masungit na supervisor ni Rosie. Agad naman silang nagpulasan at nagkanya-kanya na ng gawain.

-----

     "I NEED to go to the rest room." Sabi ni Nathaniel nasa restaurant sila at nag-di-dinner ng mga kaibigan nito.

    "Ah okay," tumango naman si Clifford ng tumayo sa harap ang kaibigan.

     Tinahak nito ang pasilyo patungo sa rest room. Nang makapasok ay ginamit nito ang cubicle at nagtungo sa lababo pagkatapos. Kasalukuyan na siyang nagsasabon ng biglang mawalan ng tubig. Iritang pinindot nitong muli ang faucet at minalas-malasan namang bumulwak ang tubig sa lababo. Nabasa ang kanyang pantalon. Light colored pa naman at kitang kita ang basang parte nito sa may pundilyo.

     "Oh, you got to be kidding me!"  Inis na usal niya. Agad siyang kumuha ng tissue sa tabi at pinunasan ang basang pants. "Stupid faucet!" Anito.

    "Kassandra, i-refill mo nga iyong toiletries sa men's room." Utos ng manager. Bumilog kaagad ang mata niya, tama ba ang narinig niya? Iniutusan s'yang pumasok sa men's room.

     "S-sa men's ‘po?"

     "Oo, inutusan ko kasi si Julius saka mag-re-refill ka lang naman eh. Wala naman yatang tao."

    "Sige ‘po." Agad nitong pagtalikod upang sumunod.

      Bitbit ang ilang rolyo ng tissue, dahan-dahang binuksan niya ang pinto. Nagulat siya sa naabutan sa loob. Walang kamalay-malay itong binata na may nanunuod sa ginagawa niyang pagpupunas ng pundilyo.

     "HEY! A-anong ginagawa mo rito? Men's room 'to. Doon ka sa kabila!" Napasigaw ito ng di oras. Hindi tuloy alam ni Kassandra kung tatalikod ba s'ya dahil sa ginagawa nito.

    "S-sorry 'po, lalabas na po ako." Ngunit natigilan siya, nakilala niya iyong binata. "Di ba ikaw yung?"

      Inis na napapikit tuloy si Nathaniel. Bakit ba lagi nalang disgrasya at abala ang inaabot niya sa tuwing magkikita sila ng babaeng ito. Kumalma ito ng makita ang bagay na hawak ng dalaga.

     "Oo ako yon, ibigay mo s’kin iyang hawak mo." Daglian niyang kinuha ang isa at sinenyasang lumabas si Kassandra. "Now--- get out!" 

     "Ah, may suggestion lang ako sir."

     "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I said get out!"

     "Hmp... Sungit!" She rolled her eyes, nang mainis na rin. Wala nalang siya magawa kundi hintayin itong lumabas.

       Makailang minuto na ngunit hindi pa rin lumalabas ang binata. Nang hindi na siya makatiis ay agad siyang sumilip ulit sa loob.

      "Miss, nakikita mo naman na may tao pa." Salubong na ang kilay nito dahil kanina pa hindi makalabas.

      "Mag-re-refill lang ako sir, sandali lang naman ito tapos lalabas na ako." Kitang-kita ni Kassandra na inubos na nito ang tissue roll.

       Matapos makapag-refill ay kinausap niyang muli ang binata. "Alam mo, may solusyon d’yan eh." Tinitigan naman siya ni Nathaniel mula sa salamin. Isinandal nito ang kamay sa counter na parang hinihintay na matuyo yon.

        Napansin nito ang singkit na mga mata ng dalaga na di maikubli ang pagpipigil sa pagtawa.

      "Okay… Okay! Sa tingin mo may mabilis kang solusyon para rito?"

       Pagak namang natawa si Kassandra.

     "Uhm... Sir, kilala n'yo ba si Mr. Bean?"

     Kumunot ang nuo ni Nathaniel. "Alam mo, hindi kita maintindihan."

      Pigil muli ang pagtawa niya at parang nang-aasar pa ang dating nito sa binata. Sumandal siya sa pader at itinaas ang mga kamay upang ituro ang hand dryer.

      Napahawak sa nuo ng di oras si Nathaniel.

     "No— way!"

       Napangiti ng di oras si Kassandra na ikinabigla naman ng binata. Then suddenly, it was odd. Bakit tila nagugustuhan niya ang ngiting yon? Marahil kasi dahil, mas lalong naniningit ang mga mata nito.

      "Kayo sir— nasa inyo yan. Sige po mauna na ako." Sabay ngiti niyang muli bago humakbang palabas. Napabuntong-hininga ang binata at mukhang wala na itong magagawa pa.

-----

        NAGULAT si Nathaniel ng masalubong sa pasilyo si Clifford.

     "Oh, ang tagal mo naman, akala ko may nangyari na sa'yo."

     "Ah... It's nothing. So are you guys done?"

     "Yeah... Let's go?" Sagot ni Clifford.

     Nag-mo-mop ng floor si Kassandra nang makita niya ang binata. Wala na ang basa sa pundilyo nito. Agad niya itong binati ng magkasalubong sila.

       "Okay na kayo, sir?"

        Namumula namang napasagot si Nathaniel. "Okay na, tama ka effective," naging tipid ang ngiti niya.

     "Sabi ko sa inyo, sir e," muli niyang nginitian ito.

     "Salamat..."

       Kakaiba na ang tono nito, may bahid ng lambing at hindi na pasigaw mag-utos tulad ng sa kanina. Nagiging maamo naman pala ito kapag napapahiya. Bumaling ang tingin niya sa magandang babae na nakasuot ng designer clothes na kasama nito, bigla siyang inirapan nuon. Halatang socialite at artistahin ito.

      "Sige, miss?" Nagpaalam ito sa kanya.

     "Kassandra po. Please come again, sir"

     "A-ah… Sure!"

       Agad naman itong inangkla ng kasama nito na nagngangalang Margaux at inayang lumabas. Kubling natawa nalang si Kassandra habang pinagmamasdan ang papaalis na binata.

     "Ang tanda-tanda na, naiihian pa ang sarili." Hindi naman niya mapigilang bumingisngis dahil sa nakahihiyang senaryong iyon hanggang sa may maalala siya.

      "Naku! A-ang lisensiya niya." 

-Sky Flake

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now