Chapter Nineteen

Magsimula sa umpisa
                                    

His bloodshot eyes told me he's not feeling well. Kita ko ang pagod sa mga mata niya pero hindi nawawala ang concern at pagmamahal doon. Talaga bang mahal na niya ko? Napakagat ako sa labi sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Na para bang alam niya na ang sagot sa sarili kong tanong.









Hinawakan ko siya sa braso at hinila sa kwarto niya. "Amanda..."










"Huwag ka ng matigas ang ulo, Lucian. Mahiga ka na at ipagluluto kita ng makakain." sabi ko sa kanya at hinila na siya paakyat.










"Wag mo na kong ipagluto, babe. Wala rin akong gana." sabi niya nang makapasok kami sa kwarto niya. Naupo siya sa kama niya. Kita ko na hinahaplos niya ang braso tanda na giniginaw siya.









Napailing ako at kumuha ng jacket sa closet niya at bumalik sa kanya para iabot iyon. Alam kong masama talaga pakiramdam niya. Hindi niya maitatago sakin iyon dahil nakikita ko at nararamdaman ko. 









"Wear this." sabi ko at inabot ang jacket niya. Kita ko ang pagngiti niya. Na para bang masaya na siya na ginagawa ko sa kanya ito. Sumakit ang puso ko dahil doon.










"Amanda... Hindi mo na kailangang gawin ito. Magpahinga ka na. Ayos lang naman ako." ngiti niya.









Hindi ko na siya pinansin at sinuot ang jacket sa ulo niya. Dinig ko ang mahina niyang mura at mumunting tawa na para bang hindi niya inaasahan ito at natutuwa siyang ginagawa ko ito. Tinaas niya ang mga kamay para maisuot ko pa ng maayos ang jacket sa kanya.










Nagkatinginan kami pagkatapos. Hinawakan niya ang baywang ko. "Sana ganito na lang tayo lagi." malungkot na sabi niya kahit nakangiti siya. Sana nga, Lucian. Handa naman ako eh.








"Magluluto ako ng pagkain mo. Mahiga ka na muna diyan." pag-iiba ko sa sinasabi niya at baka saan pa mapunta ito.








Mahina siyang tumawa dahil sa pag-iiba ko. Masuyo niya kong tinignan. Nag-init ang puso ko sa klase ng tingin niya. Inayos ko ang buhok niya. Kinapa ko ulit ang noo niya. Mainit pa rin siya. "Ang tigas kasi ng ulo mo eh." sabi ko. "Mahiga ka na muna."









"Thank you..." masuyong sabi niya. Tumango ako at inalalayan na siyang mahiga. Kinumutan ko siya hanggang leeg.









"Dito ka lang ah?" sabi ko. Tumango siya. Lumabas na muna ko nang kwarto niya.








I texted Phoenix. Nakita ko na may text siya na sinabing maaga siya umalis dahil may importante siyang meeting at inaasahan niyang uuwi ako.









Ako:

  Good morning, Phoenix. Salamat :) Nakauwi na ko. May sakit si Lucian ngayon kaya aalagaan ko muna siya. Mag-iingat ka.









Nang masend iyon ay nagluto na ko ng pagkain ni Lucian saka iyon dinala sa kwarto niya. Dejavu. Ganito rin ako noon sa kanya nung unang beses siyang magkasakit. Nahihirapan ako kapag ganitong may dinaramdam siya. Ayoko ng ganito siya. Doble ang balik sakin.









Pumasok na ko ulit sa kwarto ni Lucian. Nakita ko na nakapikit na si Lucian at nakatagilid habang nakakumot. May mainit na bagay ang humawak sa puso ko at pag-aalala para kay Lucian. Nararamdaman ko ang pagnanais na alagaan siyang mabuti. Alam kong kailangan niya ko. Kaya aalagaan ko siya ng husto para mabilis siyang gumaling.








Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon