Chapter 18: My Hailey

Start from the beginning
                                    

“Umuwi ka ng maaga. Hindi na kita susunduin mamaya, Thunder Harley.”

“Okay lang Skyla Hailey, ihahatid naman ako ni Kuya Royce. Diba, Kuya?”

Dun na ko napatingin kay Royce na diretso pa rin palang nakatingin sa’kin. Tumango siya bilang sagot sa tanong ni Harley.

“Sabi ko sa’yo ate, ibili mo na ko ng kotse para hindi ka na makaabala.” Sabi ng kapatid ko habang nilalagay ang towel sa ulo niya.

“Wag kang aasa na magkaroon ng kotse hangga’t hindi ko naririnig na tinatawag mo kong ate.” Tumayo siya sa harap ko.

“Okay lang. Ikaw naman ang maaabala eh.”

Mabilis ko siyang binatukan. Tatalikuran ko na sana siya pero mabilis niyang nahila ang kamay ko tapos inupo sa tabi ni Royce. Lumayo ako ng kaunti nung nadali ko ang kamay niya. Libo libong kuryente ang dumaloy sa balat ko. Ef!

“Wait lang, ate. Panooorin mo muna akong maglaro. Abutan mo na rin ako ng Gato mamaya.” Mabilis siyang tumakbo sa court. At tuluyan na nga akong naging audience.

Nakita ko agad ang sama ng tingin ng mga babaeng kanina pa nakatingin kay Royce kaya lumayo pa ko ng konti.

“Bakit ka lumalayo?” Tumingin ako sa kanya at sumimangot.

“H-hindi ah.”

Ngumiti lang siya sa’kin bago binaling ang atensyon sa game. Samantalang ako, ni hindi man lang makapag-concentrate sa laro ng kapatid ko. Ano bang nangyayari sa’kin?

Pero nung masanay na ko sa presensya niya, nakakaya ko nang panoorin ang kapatid ko. Kapag time out, lumalapit siya sa’kin para uminom o kaya kunin yung towel niya. Kinakausap din naman ako minsan ni Royce pero pinipilit kong maikli lang ang sagot ko para hindi na humaba ang usapan namin.

Bumalik na sa court ang kapatid ko. Hindi pa nagtatagal ang laro ng bigla kong makita yung bola na lumilipad papunta sa pwesto ko. And damn. I hate balls. Hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin pero hinigit ko agad palapit sa’kin si Royce para makapagtago ako sa likod niya.

Wala akong naramdaman na bola na tumama sa’kin. Hindi ko inalis ang mukha ko sa likod niya. Naramdaman ko nalang ang unti-unti niyang paglingon sa’kin. Ngumiti siya. Pinikit ko ng mariin ang mata ko. What the?

“Hindi ko naman papayagang tamaan ka ng bola, Hailey.” Hindi ko alam kung anong ginawa niya, pero true enough, wala naman talagang tumamang bola sa’kin. “Dyan ka lang sa likod ko kung natatakot ka.”

Mabilis akong lumayo sa kanya. Nanlaki ang mata ko nung makitang nakahawak pa ang isang kamay niya sa bandang tuhod ko. For Pete’s sake! Nakashort ako!

“Move your hand, dela Cruz.” Pilit kong iniwas ang binti ko sa kanya.

“Where? Upward?”

Tinulak ko siya ng ubod ng lakas. Tuloy pa rin ang game. Wala namang napapansin yung mga players sa pangyayari sa paligid nila.

“Pervert!”

Ngumisi siya sa’kin bago tinapik ang tabi niya at parang sinasabing lumapit ako sa kanya.

“Gusto kong takpan ‘yang balat mo. Bakit ba ang hilig mong mag-short?”

“Ano? Gusto mong takpan ang legs ko? Eh bakit nakahawak ka? Ano yon, kamay mo ipantatakip ko?!” Hindi ko alam sa kabila ng init ng ulo ko sa ginagawa niya eh nakukuha niya pang ngumisi sa’kin.

Just Like BeforeWhere stories live. Discover now