XX. Helpless

355 8 0
                                    

(Sa loob ng parking lot)

"Doon Manong, may bakante o. Dun nalang tayo magpark." Sabi ni Cindy sabay itinuro ang daliri sa pwestong kababakante pa lamang.

"Sige ho." Sabi ni Manong sabay iniliko nito ang sasakyan.

"Teka! Who owns that phone? Ang ingay ah." Reklamo ni Cindy.

"Chlow? Kanina pa tumutunog 'yang phone mo ah. Sagutin mo nga at mejo naiingayan na rin kami." Dagdag ni Anthony.

"Oo nga nuh? Hindi ko napansin... Sorry guys. " Sabi ko sabay tingin sa phone ko. "E number 'to ni Sam e."

Tumingin kaming lahat kay Sam na kanina pa tulog na tulog.

Tiningnan ko 'yung kamay niya pero wala naman siyang hawak na phone e.

Napagpasyahan kong sagutin nalang 'yung tawag.

"Hello?" Sabi ko.

"Chlow!" Sabi nung babaeng umiiyak sa kabilang linya. "Ba't n'yo ko iniwan? Hindi pa naman ako nakakababa nun ah?"

Napatingin ako sa mga kasama ko.

"Hello ho? Sino po sila? Kilala ko ho ba kayo?" Sunud-sunod kong tanong sa babaeng nasa kabilang linya.

"Chlow... si Samantha 'to. Ano ka ba?" Sagot ng babae.

Napatingin akong muli sa natutulog na Sam na kasama namin.

Naguguluhan na ako.

"Chloe? Chloe? Sumagot ka please. Bakit ba ayaw mong maniwala?" Sabi ng babae sa kabilang linya.

Nabosesan ko 'yung babae. Bigla akong kinabahan.

Oo nga, boses ito ni Samantha.

"Sam?" Tanong ko. "Is that you?"

Nagtinginan silang lahat sa akin, maliban lang kay Manong na abala sa pagpapark ng sasakyan.

"Sino ba iyang kausap mo, Chloe?" Tanong ni Cindy. "Naku ha. Baka prank call lang yan. Patayin mo na."

Mejo napalakas ang pagkakasabi ni Cindy nun. At narinig ng babae na kausap ko na nasa kabilang linya.

"No... PLEASE... DON'T OUT DOWN THE PHONE. CHLOE, LISTEN TO ME. JUST PLEASE LISTEN TO ME." Pakiusap nung babae sa kabilang linya. "THIS IS SAMANTHA, YOUR FRIEND. I AM SAMANTHA. WHY ON EARTH WOULD I LIE TO YOU? NAGHANAP LANG AKO NGA BANYO SAGLIT, PAGKABABA KO, WALA NA KAYO."

"Sige na, Chlow, patayin mo na yan at bababa na tayo para umorder ng pagkain." Utos ni Cindy.

"Wait. Kilala ko yung boses e." Sabi ko. "Ramdam kong this is not some sort of a joke."

"I-loudspeak mo nga 'yung tawag, Chlow." Sabi ni Anthony.

"Ang daya-daya n'yo." Umiiyak na sabi nung Sam na nasa kabilang linya. "Panu na'ko nito? Akala ko pa naman magkakaibigan tayo. Lalo ka na Chlow! Hindi n' yo man lang ako hinintay makabalik galing banyo. Akala ko ba wala tayong iwanan."

Nanlaki mga mata naming lahat. Napatingin kami sa Sam na kasama namin na biglang nagising.

Namatay bigla 'yung tawag.

"HELLO! HELLO!" Sigaw ko sa mic ng phone ko.

E sino 'tong kasama namin?

"S ... SINO KA?" Tanong ko. "HINDI IKAW SI SAM! SINO KA BA?"

Linapitan ko ng sabunot 'yung Sam na kasama namin.

"WALANG HIYA KA! BA'T MO KINOPYA 'YUNG MUKHA NUNG KAIBIGAN NAMIN. SINO KA HA? SINO KA? " Nagngingitngit kong tanong.

Umiyak na parang bata 'yung Sam na kasama namin. Inawat ako ni Joshua at Anthony.

"Ano na gagawin natin ngayon? Naiwan 'yung totoong Samantha!" Umiiyak kong tanong.

"Tawagan mo. Tawagan mo siya!" Utos ni Cindy na halata ang pag-aalala sa mukha.

I dialed her number. Mas lalo lang akong napaiyak.

"Bakit?! Ha?!" Natatarantang tanong ni Cindy.

"Hindi ko na siya makontak." Naiiyak kong sabi.

"Tawagan mo ulit!" Sabi ni Cindy ulit.

Ginawa ko. Pero ayaw na talaga. Napailing nalang ako.

Nag-iyakan kami ni Cindy.

Napatingin ulit ako sa Sam na kasama namin.

"SINO KA BA HA? PAKIUSAP NAMAN O" Sigaw ko habang pinupunasan ko luha ko.

Ayaw niyang magsalita, nakatingin lang siya sa aming lahat.

Inulit ko 'yung tanong ko.

"SINO KA? PAG 'DI MO'KO SINAGOT, MALILINTIKAN KA SA'KIN!" Sigaw ko.

Hindi pa'rin nagsasalita. Talagang ginagalit ako nito.

Susuntukin ko na sana siya, pinigilan lang ako ni Joshua.

"Sumagot ka na kasi." Sabi ni Cindy.

"Ikaw ba 'yung babaeng nakaitim na sinasabi nila sa'kin?" Tanong ko sa kanya. Sinubukan kong maging mahinahon.

Umiling lang siya.

"Sino ka ba, huh?" Nanghihina kong tanong.

"Ako si Benjie." Sagot ng Sam na kasama namin.

Nanghina ako at humagolgol nalang nang iyak. Naalala ko 'yung sinabi sa'kin ni Benjie na malungkot daw mag-isa ron sa loob ng bahay.

"Benjie! Ba't mo ginawa sa'min 'to? Akala ko mabait ka? Ano ba 'tong ginawa mo?" Umiiyak kong tanong.

"Sino kayo? Hindi ko kayo kilala. Ba't mo'ko kilala? Hindi ko kayo kilala." Sabi nung Sam na kasama namin.

Nagtaka naman 'yung mga kasama ko.

"Benjie? Sino ho bang Benjie sinasabi n'yo ma'am?" Tanong ni Manong sa'kin.

Tinitigan ko lang 'yung cellphone ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako magsalita.

"Si Benjie. Siya 'yung batang multo na tumulong sa'kin dun sa loob ng bahay. Siya 'yung nagkuwento sa'kin tungkol dun sa babaeng nakaitim at sabi pa nga niya na... mga Maonsatara daw ang tawag dun sa mga halimaw na 'yun. Siya rin 'yung nagbigay sa'kin nung posporo at lampara kanina dun sa bahay na 'yun." Sabi ko sa kanila.

"Balikan natin si Sam! Tara na. " Suggest ni Anthony. "Tara na, Manong."

"Naku, mga sir at mga ma' am. Kung babalik man kayo, kayo nalang ho. Hindi na ako sasama. Matanda na ho ako at baka dun pa ako malagutan ng hininga. Pasensya na ho kayo, may pamilya pa akong umaasa sa akin." Sabi ni Manong. "Mag-ingat kayo kung kayo ma'y babalik."

Napabuntong-hininga ako.

"Impossible na tayong makabalik." Sabi ko. "Sinabi ni Benjie sa akin kanina na palipat-lipat daw ang mga portal papasok at papalabas sa lugar na 'yun at walang ni isa ang nakakaalam kung kailan at saan sila lilitaw."

"Panu na si Samantha dun?" Tanong ni Anthony. "Ano na mangyayari sa kanya dun?"

Inihinto na ni Manong ang sasakyan.

"Nakapark na rin tayo sa wakas." Bulong ni Manong.

"Ano gagawin natin sa Sam na'to?" Tanong ni Joshua. "Ano na gagawin natin ngayon?"

Napailing ako.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam." Sabi ko habang tumutulo mga luha.

Ramdam na ramdam ko ang sobrang lungkot naming lahat sa loob ng sasakyan.

We are all helpless... hopeless.

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Where stories live. Discover now