IX. Portrait

406 5 0
                                    

CHLOE'S POV

"May ibang silver pa ba kayo?" I asked them.

"Yan nalang ho muna, Ma'am." Sabi ni Manong. "Akala ko ho talaga, hindi totoo itong lugar na ito. Akala ko gawa-gawa lang ng lola ko para takutin kami. Para hindi gumala tuwing gabi."

"Ako nga Manong e. Akala ko sa mga horror films lang nag-eexist 'tong mga ganito e. Pati rin pala sa totoong buhay? Naku! Kung movie lang 'to, baka ito na maging big break ko. Best Child Actor na siguro ako ngayon." Pabirong sabi ni Joshua na kanina pa nakahawak sa pintuan kasama nina Manong, Samantha, at Anthony.

"Child? Panung CHILD? Child ka pa rin ba, pre?" Reak ni Anthony. " Ay oo nga nuh? Bata ka pa. Bata-isip!"

Nagtawanan na kaming lahat.

Nakita ko siyang (si Joshua) nakatingin sa'kin. Kahit pa man sobrang hina ng ilaw na galing sa flashlight niya. Sigurado akong nakayingin siya sa'kin.

Kinilig akong bigla. Ba't ganun?

"Medyo humihina na ang hangin." Puna ni Samantha.

Napailing si Manong. "Hindi maganda 'to." Sabi niya.

Tumingin kami sa kanya with puzzled faces.

"Bakit Manong?" Tanong ko.

"Kapag hindi tayo natinag sa kalakasan ng hangin sa lugar na 'to, ibig sabihin nun, pwersa na ng mga halimaw ang gagawa ng paraan para makapasok." Pailing-iling na sabi ni Manong.

"Pwersa? As in force? As in silang lahat? Di natin kakayanin yun! kahit pa man tumulong kaming dalawa ni Cindy d'yan sa inyo." Sabi ko.

"'Yun na 'yung hinihintay nilang pagkakataon. Sakto ring pagod na tayo at medyo nawawalan na ng lakas." Paliwanag ng Manong.

"Well Manong. I bet hindi naman nila sisirain 'tong mga bintana, right?" Tanong ko ulit.

"Hindi nila gigibain ang mga bintana dito dahil hindi 'yun kaya ng puwersa nila. Matibay ang bahay na ito at ang kaisa-isang bagay lang na kayang gawin ng mga halimaw ay ang makapasok dito sa mismong pintuan nitong bahay. At oras na mangyari 'yun, wala nang chansa para tayo makalabas sa lugar na 'to. Wala na tayong matatakbuhan." Paliwanag ng Manong.

"Kakainin ho ba tayo? Well, papatayin muna then eventually, kakainin. O di kaya'y iaalay ho ba nila mga dugo't laman natin sa mga diyos at mga diyosa nila sa lugar na 'to?" Biglang tanong ni Sam.

Tumingin kaming apat sa kanya. Wala munang umimik.

Bigla naming napansin na napaupo si Manong. Yumuko.

"Kapag ho sinagot ko 'yan, para ko na ring sinabi na handa na tayong mamatay, na sumusuko na tayo. Para saan pa at hinanap natin itong bahay? Para saan pa at nandito ... nakapasok tayo? Para saan pa ba tong pagpipigil namin dito sa pintong ito para di sila makapasok?" Mahinahong tanong ni Manong. "May pamilya ho ako. May mga apo na rin ho. Kung ako man ay papanaw, sana naman ay makita nila ang aking mga labi at bigyan ako ng maayos na libing. Ngunit kung dito man ako mamamatay, hindi ako papayag. Kailangan kong makalabas dito. Kailangan nating makalabas kasi may mga taong naghihintay sa atin dun sa labas."

Agad kaming nanlumo. Nanahimik kami.

Tama si Manong. Imbes na pagtibayin namin ang aming sarili, e kung anu-ano iniisip namin.

"Pasensya ho, Manong." Sabi ni Samantha. "Pariho lang naman ho tayo ng gusto e, ang makalabas rito. Hindi ko po sinasadya ang sinabi ko. Tama ho kayo. Dapat maging positive lang! Laban!"

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon