IV. Out of Route

440 8 0
                                    

3:00 am

"Guys, it's time to wake up na. Prepare your things. Bababa na tayo ng barko maya-maya." Sabi ni Cindy habang tinutupi kumot niya.

3:25 am

"Finally, nakalabas na rin tayo ng barko." Sabi ni Joshua habang nagsstretching.

"Nga pala, magco-commute ba tayo papunta dun sa rest house ng tita mo or may susundo sa'tin?" Tanong ko kay Cindy na kanina pa hawak-hawak ang cellphone niya.

"Tita's driver is coming. Malapit na raw siya. Let's just wait daw dun sa main gate ng pier na toh. So tara, di naman malayo 'yun e from here." Aya ni Cindy.

3:10 am

"Ayan, nandito na pala si manong driver e." Sabi ni Cindy.

"Wait Cindz, are you sure that this is the driver of your aunt?" Paninigurado ni Chloe.

"Yeah, I'm sure of it. Kilala ko si Manong Rey." Sagot pa ni Cindy na nakangiti. "Manong, here are our things." Sabi nito sa driver.

4:35 am

Tulog na si Cindy na nasa front seat. Si Anthony naman nanunuod ng movie sa laptop niya habang 'yung katabi niyang si Joshua e nakikinig ng music. Nasa likuran sila nakaupo. Kami naman ni Chloe e nakaupo sa likod ng driver.

"Sam? Were you able to sleep well last night?" Bulong ni Chloe sa akin.

"Why?" Tanong ko.

"Hindi ako nakatulog the entire night kasi 'yung babaeng nurse na sinasabi ko sa'yo? Remember?" Sabi ni Chloe.

"O bakit?" Tanong ko.

"Palipat-lipat siya. Nahiga siya kagabi, tinabihan ka niya nung nakatalikod ka. Nakatingin siya sa'kin." Bulong niya sa'kin.

"Weh? Maniwala ako sa'yo. E pang-isahan lang 'yung bed ko e. Panu kami nagkasya?"

"Hindi naman siya mataba e. She's too thin nga e." Sagot ni Chloe.

"Naku! Ikaw talaga Chloe. Para kang ewan. Nakatalukbong ka kaya the whole night, panu mo siya nakitang timabi sa'kin." Pailing-iling kong sabi sa kanya. "Shut up, okay? You're freaking me out."

"At around 12, you woke up, right? You glanced at me. Naisip ko nga na you were about to wake me up but you didn't. I wanted to move. To remove the blanket from my face, but she was there. She was whispering to me, telling me not to move or else she'll do something horrible." Kwento pa niya.

"Hello?" Sabi ko habang nakatingin ako sa kanya. "Wala akong nakitang katabi nating iba kanina nuh? Nananakot ka na naman e." Dismayado kong sabi.

"But-" Sabi niya.

"Isa pa, talagang di na ako tatabi pa sa'yo. Alam mo ikaw? Nananakot ka na naman e. Just stop please?" Pakiusap ko sa kanya.

Tumango lang siya at nanahimik.

4:58 am

"Kuya? Pakihinto lang ho saglit. Medyo naiihi ako e." Pakiusap ni Joshua.

Hinawakan ni Chloe nang mahigpit ang kamay ko.

"Chlow? You're freaking me out. What's wrong?" Natatakot kong tanong.

Then huminto ang van.

"Teka lang po ah? Ako rin maiihi saglit. Kung sino pa man ho sa inyo gustong maihi d'yan, pupwede na kayong bumaba at maghanap ng lugar kung sa'n kayo pwede maihi. Wag n'yo kalimutang sambitin ang 'tabi tabi' po." Paalala ni manong.

"Teka! Wala munang magbubukas ng pinto. Walang lalabas. Maihi nalang kayo dito sa loob, basta walang lalabas. Baka may pumasok ...
Baka pumasok sila ...
UTANG NA LOOB, WAG N'YO SILANG PAPAPASUKIN." Mangiyak-ngiyak niyang pakiusap sa aming lahat.

"Chlow, umaandar na naman yang pagkapraning mo ha. Hoy butete! Wag ka ngang ano d'yan, naiihi na kami ni manong. Pag kami nagkasakit sa bato, ikaw bahala sa pang-ospital namin ha." Pagbabanta ni Joshua.

"Sige na! Buksan n'yo na yang pinto. Hindi naman totoo yang pinagsasasabi ni Chloe e." Sabi ni Anthony habang nakakunot ang noo. Halatang naiingayan na sa'min.

Saktong pagbukas ni Joshua ng sasakyan, sumunod si Chloe, papalayo sa sasakyan.

Nagtinginan kaming lahat sa loob ng sasakyan.

"Anong problema nun?" Tanong ni Anthony.

"Di ko alam. Sundan mo! Bilisan mo, Anthony!" Natataranta kong utos kay Anthony.

"O ba't ako lang? Samahan mo 'ko." Hirit ni Anthony, halata ang pagkatakot.

"Pasama ka kay Joshua! Bilisan mo na't baka hindi n'yo maabutan si Chloe!"

"Sumunod ka sa'kin, Joshua pagkatapos mong umihi d'yan." Mabilis na sabi ni Anthony. At tumakbo palabas ng van.

"Ma'am, ba't ho tumatakbo papunta ron yung mga lalaki?" Tanong ni Manong Rey pagkapasok niya ulit sa van.

"Si Cindy ho kasi, yumg katabi kong babae. Tumakbo palabas. Biglaan."

"Naku! Napakadelikado ng lugar na 'to lalo na sa ganitong oras, maam. Kailangan ko silang puntahan lalo na't hindi tayo taga rito." Sabi ni manong.

Bigla namang nagising si Cindy. She stretched out her hand. Tumingin siya kay Manong Rey at lumingon sa'kin.

"O? 'san na yung tatlo?" Nagtataka niyang sabi.

Hindi kami nagsalita ni Manong Rey.

"Hoy Sam. Ano nangyayari?" Sunod na tanong ni Cindy.

Bigla namang binuksan ni Manong Rey yung pinto niya sa front seat.

"Manong, huwag kang sumunod sa kanila. Dito ka lang. Tayong tatlo magbantay sa van. Maghintay nalang tayo sa kanila. Huwag mo kaming iwan ni Cindy dito. Natatakot ako. Please." Pakiusap ko.

"Tara po. Dalhin natin 'tong van, habulin natin sila." Sabi ng driver na natataranta. "Hindi po magandang matagalan tayo dito sa lugar na 'to. Nakakatakot po. Di ko po kabisado lugar na 'to. Sa totoo lang po, medyo naliligaw na tayo. Alas kwatro na pero ang dilim-dilim pa. Baka ito 'yung lugar na sinasabi nung lola ko dati na-" Kwento niya.

"Naku manong, isa ka pa. Kung mananakot ka lang, wag mo nang ituloy yang sasabihin mo." Sabi ko sa kanya. "Let's lock the doors. Dito lang tayo baka di nila tayo mahanap if we move from here. O kaya magkasalisihan tayo."

"Ano ba kasi nangyayari?" Iritang tanong ni Cindy.

"Binuksan ni Joshua 'tong van para jumingle. Tapos biglang tumakbo si Chloe. Ayon, hinahabol siya ng dalawa." Kwento ko.

"Subukan kong tawagan 'yung numbers nila Joshua." Sabi ni Cindy then she called their phones. "Hanapin mo nga d'yan kung nand'yan mga phones nilang tatlo." Utos niya sa'kin.

Agad ko namang kinapkap 'yung inuupuan ni Chloe kanina, wala phone niya. Tiningnan ko din inuupuan nila Joshua and Anthony pero parihong wala phone nila.

"Wala mga phone nila dito, Cindz."Sabi ko sa kanya.

"Good. So pwede natin silang tawagan." Sabi ni Cindy.

"... the number you're calling is currently unavailable ..."

"Naku!'di ko sila makontak!" Sabi ni Cindy, sabay tingin sa phone niya. "Ang hina pala ng signal dito. Teka labas lang ako, maghahanap ako ng signal. Tawagan ko na rin si Tita for help."

"Walang lalabas nga sabi e. Hintayin nalang natin sila rito." Mariin kong sabi. "Let's just wait .. hope .. for them to come back."

"Let's just hope for the best." Sabi ni Cindy.

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Where stories live. Discover now