XIX. Freedom

333 5 0
                                    

Nagsimula na kaming maglakad. Walang ni isa sa amin ang nagsasalita.

Sa'n kaya 'yung sasakyan?

Sige lang Chloe, maglakad-lakad ka lang. Mahahanap mo din 'yung sasakyan. Hindi ka naman nag-iisa e. And'yan naman friends mo sa likod. Plus, Joshua is beside you.

Wait.. Magseself-reflect lang ako saglit. Cindy, do you like him already? Di ba most hated mo yang si Joshua?

Kinikilig ba ako now that he is holding my hand so tightly?

Chloe, calm down.

I sighed.

Your friends are in-need of you. Pay full attentiom to what is expected of you. Tama na muna iyang pagseself-reflect mo. Focus Chlow... Focus.

Saan na nga ba yung daan papunta sa van namin?

Teka... si Benjie...

Benjie, tulungan mo kami. Ay wala na pala kami sa loob ng bahay, hindi na'ko matutulungan ni little boy.

Napalingon ako sa bahay. Pero hindi ko na makita. Siguro dahil sa dilim na rin. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa daan.

Deri-deritso lang lakad namin. Isang oras na ata mahigit pero hindi pa'rin namin mahanap 'yung van. Mabaho na siguro mga bibig namin dahil kanina pa kami hindi nagsasalita.

Biglang sumenyas si Joshua sa akin. Hinawakan niya yung ulo ko tapos pinatingin ako sa umiilaw na something.

Tinungo namin iyong kinaroroonan nung umiilaw na bagay. Maya-maya pa'y nakita na namin 'yung van.

Sumenyas ako sa kanilang huwag tumakbo.

Nakalapit na kami sa van. Nauna si Manong sa driver's seat at binuksan niya agad 'yung mga pinto nung sasakyan.

Pumasok agad si Cindy sa front seat. Dali-dali naman kaming pumasok at naupo sa mga lugar namin.

"Sigurado na bang nakasara 'yung mga pinto?" Mahinang tanong ni Manong.

Nagthumbs up kami lahat sa kanya.

Inistart na ni Manong 'yung sasakyan at nagsimula nang magmaneho.

"Panu tayo makakalabas sa lugar na'to Manong?" Bulong ni Cindy kay Manong sa front seat.

"Manalig ka Ma' am. Manalangin nalang tayo na itong direksyon na binabaybay natin e daan na palabas sa lugar na ito." Sagot ni Manong. "Gabi na rin ngayon kasi sa mundo natin kaya hindi natin masasabi kung nakalabas na ba tayo o hindi. Pero sa paglabas natin, hindi sigurado kung nasa bandang Ormoc papuntang Tacloban pa ba tayo o hindi na."

"Ho? Ba't ganun?" Nagtatakang tanong ni Cindy.

"Kasi nga po... ang mga portal e sa iba't ibang lugar lumilitaw." Sagot ni Manong sa kanya.

"Okay lang 'yan, Cindz. Ang mahalaga e makalabas tayo dito." Sabi ko.

"Sabagay.. Sana nga." Sabi ni Cindy.

Naalala ko 'yung phone ko. Hinanap ko 'yung powerbank sa bag ko at ikinabet ko sa phone ko.

Muli akong sumandal sa balikat ni Joshua. Hindi ko napansin nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa ingay ng van. Paulit-ulit bumusina si Manong sa dala na siguro ng tuwa.

Napatingin-tingin ako sa paligid. Napangiti ako nang makita ko 'yung liwanag ng araw.

Ginising ko sina Joshua at Anthony.

"Hoy! Hoy! Gising kayo. Nakalabas na tayo!" Sabi ko sa kanila.

Maya-maya pa'y nagising na silang dalawa.

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Where stories live. Discover now