XIV. Caught Off-Guard

360 8 0
                                    

JOSHUA'S POV

Biglang dumating si Cindy na tumatakbo. Mukhang takot na takot.

"O Cindy is here." Sabi ni Sam.

"Anong nangyari sa'yo, Cindy? Ba't nagtatatakbo ka?" Nagtataka kong tanong.

Nasa'n kaya si Chloe? Kanina pa 'yun e.

Nahihingal na naupo si Cindy sa sahig. Pinunasan niya 'yung pawis niya sa mukha. Patingin-tingin siya sa paligid na tila may kinakatakutan. Lahat kaming apat nagtataka sa ikinikilos niya.

"Teka, hindi ba kayo nagkita ni Chloe?" Nag-aalala kong tanong.

"Teka nga, Joshua. Hindi pa nga niya nasasagot una mong tanong e, nagtatanong ka na agad." Saway ni Samantha.

Huminga si Cindy nang malalim.

"Ma... may ha... hali... limaw d... dun sa ta... a.. as." Naiiyak niyang sabi.

"Manong, akala ko ba ligtas tayo dito sa loob ng bahay?" Tanong ni Samantha kay Manong.

"Atsaka wala pang nakakapasok dito na halimaw di ba? 'Yun sabi mo kanina?" Naninigurado tanong ni Anthony kay Manong.

Hindi na umimik pa si Cindy. Humagolgol na ito sa iyak. Gusto siyang lapitan ni Sam pero hindi nito magawa kasi kailangan namin siya dito sa pinto.

"Simula nung mamatay ang lola ko, wala na akong naririnig tungkol dito sa bahay na 'to." Sabi ni Manong. "Kung anuman 'yung naikuwento ko na, hanggang dun lang ang nalalaman ko. Marami pa akong hindi nalalaman tungkol dito sa lugar na ito."

"Cindz, huminahon ka." Sabi ni Anthony na nakasandal ang likod sa pintuan. "Tell us what you saw."

"May babaeng nakaitim... nakaitim....babaeng nakaitim." Umiiyak na sagot ni Cindy. Nanginhinig ito.

"Sige na Ma'am, lapitan mo na siya. Hindi man natin nakikita buong mukha niya dahil sa dilim ng lugar na ito, ramdam ko ang takot at panginginig niya." Sabi ni Manong.

"E pa'nu kayo dito?" Tanong ni Sam.

"Sige na. Nagsiatrasan naman yung mga halimaw e. Bumalik ka nalang dito kapag mejo okay na si Cindy." Sabi ko sa kanya.

Agad namang nilapitan ni Sam si Chloe. At binigyan ng yakap.

"You're gonna be fine, now. We are here. No one will take you away from us. I promise." Sabi ni Sam kay Cindy.

"Babaeng nakaitim. 'Yun ang nakita ko kanina dun sa isa sa mga kwarto sa taas." Sabi ni Cindy habang hinihimas ni Sam ang kanyang likod.

"Teka, babaeng nakaitim? E wala ka namang naikukwento sa amin na babaeng nakaitim Manong e." Pagtataka ni Anthony.

"Ah teka lang. Sabi mo Cindz halimaw, e ano 'tong sinasabi mo ngayon na babaeng nakaitim? Naguguluhan ako." Sabi ni Samantha.

"Nakatayo lang siya nung una ko siyang nakita. Tapos bigla siyang bumagsak sa sahig. Nangingisay at unti-unting nagbago ng anyo, parang 'yung mga halimaw sa labas." Paliwanag ni Cindy.

"Ibig sabihin ba nun hindi tayo safe dito sa loob?" Tanong ko.

Yumuko lang si Manong.

"Umalis na tayo dito!!!" Umiiyak na sabi ni Cindy.

"Mamamatay na ba tayo?" Naiiyak na tanong ni Samantha.

"Wag kayong panghinaan ng loob, hangga't kumpleto pa tayo dito sa loob, safe tayo." Sabi ni Anthony na kahit halatang pinanghihinaan na ng loob ay piniling magpakatatag.

Kinuha ni Cindy ang flashlight ni Joshua na nasa sahig. Inilawan niya kaming apat. Tila may hinahanap.

"Nasa'n na nga ba si Chloe? Ba't n'yo siya hinahanap? Di ba iniwan ko kayong lima dito bago ko simulan 'yung paghahanap nitong itim na kandila?" Nagtatakang tanong ni Cindy sabay angat nung itim na kandilang hawak niya.

"Sumunod siya sa'yo kanina." Sabi ni Samantha "Hindi ba kayo nagkita?"

"Wala e. Ako lang mag-isa dun sa taas." Sagot ni Cindy. "At kung totoo mang sumunod siya, impossible namang hindi niya ako narinig na nagsisisigaw pababa di ba?"

"Nagsisisigaw ka ba?" Tanong ni Anthony." Wala kaming narinig dito."

"Huh? Talaga? E halos maubusan na ako ng boses kakasigaw e." Paliwanag ni Cindy.

"Yes, wala kaming narinig from here." Pagsang-ayon ni Samantha. "Sobra sigurong laki nitong bahay nuh? 'Yung sigaw mo e parang bulong lang na hindi namin narinig."

Tumango lang si Cindy.

"Nag-aalala na ako kay Chloe. Nasa'n na kaya siya?" Sabi ni Cindy habang nakatingin sa amin.

"Balikan mo kaya dun, Cindy." Suggestion ko sabay turo kung saan siya nanggaling kanina.

"Oy! Ayoko. Nakakatakot kaya. Kung gusto mo, ikaw nalang." Pailing-iling na sabi ni Cindy.

"Cindy!." Tawag ko. "Ikaw muna dun sa pwesto ko, ikaw muna tumulong dito. Hanapin ko lang si Chloe."

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Samantha.

"Alam mo, ikaw, Joshua." Sabi ni Cindy sabay turo sa'kin. "Kanina pa ako nagdududa sa inyo ni Chloe. May dapat ba kaming malaman tungkol sa inyong dalawa?" Nang-iintrigang tanong ni Cindy.

Tiningnan ako nilang tatlo.

"What?" Tanong ko sa kanila. "E wala namang gustong maghanap sa kanya e. Kaya ako nalang."Paliwanag ko sabay tingin kay Anthony.

"Lumusot ka pa, pare. Sige pa, nahahalata ka tuloy" Natatawang sabi ni Anthony. "Alam n'yo girls, itong si Joshua, matagal na talagang may gusto kay Chloe. Kaya nga nag-aala'superhero siya e kapag napapahamak si Chloe e. Pansin n'yo ba?"

"Naku! Ikaw talagang gago ka!" Naiiling kong sabi habang nakaturo kay Anthony. Parang gusto ko siyang suntukin sa panghihiya sa'kin.

"Sabi na nga ba e." Hirit ni Cindy.

"Atin-atin lang 'to. Don't worry." Singit ni Sam.

Napailing lang ako.

"Bahala kayo." Sabi ko. "Basta wala akong sinasabi ah."

"Hindi ko nga alam dito kay Joshua e kung ba't kay Chloe pa nagkagusto e medyo praning 'yun gaya nalang kanina nung nagtatatakbo siya." Sabi ni Anthony.

"Love nga naman nuh?" Pasingit na sabi ni Sam.

"Natural lang naman kasi 'yung nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karamihan e. Hindi naman kapraningan 'yun. At kung tinutukoy mo 'yung ginawa niyang pagtakbo kanina, natatakot lang siya sa mga nakikita niya. Naalala ko nung maliliit pa kami, naikuwento niya sa'kin na karamihan daw ng nagpapakita sa kanya e 'yung mga nakakatakot. Hindi naman masamang matakot di ba?" Sabi ko.

"Okay lang na matakot siya o mapunta sa panganib, nand'yan ka naman e ... her hero." Panunukso ni Cindy. "E kami ni Sam? Maghahanap pa kami ni hero namin."

Napayuko nalang akong nakangiti.

"Hangga't maaari, huwag tayong maghiwa-hiwalay." Biglang singit ni Manong. "Alam ko boy, nag-aalala ka na sa kasintahan mo, pero mas nakakabuti kung dito nalang tayo at hintayin siyang makabalik. Ang importante e nandito lang siya sa loob ng bahay at wala sa labas."

"Teka. Ano 'yun Manong?" Pabirong singit ni Anthony. "Kasintahan daw? Oy!" Panunukso niya.

"Tumahimik ka nga." Pabulong kong sabi.

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon