Chapter 1 (A new beginning)

Começar do início
                                    

"Naku ganyan naman lahat eh, kapag nasa probinsiya santa kapag nandito na sa siyudad nagiging demonyita na. Patuluyuin mo muna sa bahay mo at bukas makalawa pag-alis nung isa, palipatin mo na rito. Isang libo ang upa ko sa kama, apat kayo sa kuwarto puro babae lang. Libre tubig pero ambag ang kuryente. Pagkain, kayo ng bahala ruon. Iyong iba pang patakaran sa susunod ko na ipapaalala, maliwanag?"

"O-opo, salamat po." Tuwang sagot ni Kassandra, sa wakas at nawala na rin ang kanyang pag-aalala.

Pasimpleng kinabig siya ni Rosie, humagikgik nalang siya ng tumalikod na ang matanda.

"Akala ko, kakainin na niya ako." Bulong ni Kassandra sa kasama.

"Kapag hindi ka nagbayad, talagang kakainin ka niya ng buo."

Nagtawanan sila.

-----

"MATAGAL ka na ba rito sa Hermanos, Rosie." Tanong ni Kassandra habang inaayos ang damit sa bagahe upang ilipat sa isang maliit na kabinet.

"Mga apat na ba? Oo yata, mga apat na taon na rin," tugon nito habang sinisimot ang cup noodles na minimiryenda niya. "Ikaw? Ano naman ang naisipan mo at lumawas ka sa napakagulong siyudad na ito."

Napatigil si Kassandra sa ginagawang pagtutupi. "Para makapagtrabaho..." Hindi naman sa walang mapagkikitaan sa Calmares pero pakiramdam niya'y kailangan na niyang lisanin ito. Umupo siya sa kama at muling lumingon sa kausap.

"Para ba sa mga magulang mo kaya ka lumuwas. Ang tahimik na nga ng buhay sa Puerto Veron pero mas pinili mo pa rito." Titig na tanong ni Rosie.

"Hindi lang naman trabaho ang dahilan ko kaya ako nandito saka wala na akong babalikan sa Puerto Veron o kahit sa Calmares pa. Namatay na kasi ang mama ko." Muli siyang natigilan ng maalala ang yumaong ina. "Gusto kong subukan ang suwerte ko rito sa siyudad." Dagdag pa niya, bahagyang ngumiti at ikinubli agad ang namuong lungkot sa mata.

"S-sorry ha, may pagka-tsismosa talaga ako. Eh, ang papa mo, mga kapatid, wala?"

"Nag-iisa lang akong anak ng mama ko." Muli niyang tinigilan ang pagtutupi. "Si Papa naman... Uhm... Hindi ko pa siya nakikilala."

Hindi mawari ni Rosie kung itutuloy pa ang pagtatanong nang mahalata nito ang mahinang pagsagot ni Kassandra. Nanlaki nalang ang mga mata nito ng makita ang kinang sa kuwintas na dumudungaw sa dibdib ng kasama.

"Wow, ang ganda naman n'yan. Saan mo nabili?"

"Ang alin, ito ba? Ah, pamana sa akin ng mama ko."

"Mukhang mamahalin," lumapit pa ito upang tingnan ng malapitan ang maliit na bilugang pendant.

"Ang ganda ng design, simple lang pero bakit S ang initial sa harap, 'di ba Kassandra ka at wow! Ano 'tong simbolong nakaukit sa likod?"

Napayuko tuloy siya ng di oras upang tingnan ang pendant. "Hindi ko nga rin alam kung anong sinisimbolo niyan pero sabi ng mama ko binigay daw ito ng papa ko sa kanya nung magkasintahan pa sila. Iyong initials na S naman ay sa mama ko, Sandra kasi ang pangalan niya." Paliwanag naman niya.

"Ah, ingatan mo mukhang totoong ginto eh." Sagot naman ni Rosie. Ngumiti naman si Kassandra at binulungan ito. "Kasi totoong ginto siya." Tumawa naman si Rosie. "Atleast... May isasangla ka na kung sakali mang magipit ka." Masayang biro pa nito. Nakangiting bumalik ito sa kanyang kinauupuan.

Napangiti rin si Kassandra ngunit hinigpitan nito ang hawak sa pendant.

"Kahit kailan, hinding-hindi ko isasanla o ibebenta 'to. Ito na lamang ang alaala nila sa akin."

Kassandra's Chant (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora