"Rosie, nga pala," bigkas nito matapos kalabitin si Kassandra. Ngumiti siya at sinagot ang kanyang katabi.

"K-Kassandra," mautal-utal niyang sambit ng harapin ito.

"Boyfriend ko pala si Bernard." Itinaas naman ng lalake ang palad nito upang batiin rin siya.

"First time mo 'no."

"H-ha, paano mo naman nalaman?"

"Hindi, feeling ko lang. Okay lang yan, ganyan din ako noong unang luwas ko sa siyudad." Pigil tawang wika ni Rosie.

Muling gumuhit naman ang ngiti ni Kassandra.

"Basta mag-iingat ka lang maraming luko-luko sa siyudad, baka mapahamak ka," dagdag pa nito.

"Alam ko naman yon, saka hindi naman ako madaling mauto."

"Good!" Mahinang tumawa si Rosie, matapos nuo'y bumaling na nang atensyon sa kasintahan.

Tumikom ang kanyang bibig sa sitwasyong iyon at nang mapansing wala na itong interes pang kausapin siya'y muli niyang sinilip ang tanawin sa labas.

May kadiliman pa noong umagang iyon, maaga kasi ang biyaheng nakuha niya. Sumandal ang likuran niya sa upuan at nagpangalumbaba. Ito na marahil ang pamamaalam niya sa Calmares. Ang bayang halos kinalakhan na rin niya. Dito kasi siya nakatapos ng highschool at umuuwi nalang ng Puerto Veron kapag sabado't linggo. May maliit kasing puwesto sa palengke ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Bagama't simpleng buhay lang ang meron sila nuo'y maraming ibinigay sa kanya na alaala ang bayan na ito.

Narinig ni Kassandra ang malakas na busina ng tren, nagpapahiwatig nang kanilang pag-alis. Hindi niya mapigilan ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha habang iniisip ang lahat ng mga nangyari nitong mga nakalipas na taon.

Parang dagok ng tadhana ang kamalasang dumating sa buhay nila nang magkasakit ang kanyang ina ngunit ayaw nang alalahanin pa ni Kassandra ang lahat ng ito. Agad niyang pinahid ang mga luhang gumuhit sa kanyang pisngi.

Naramdaman niya ang unti-unting pag-usad ng tren habang ang lahat nang nakikita niya'y isa-isang naglalaho sa kanyang paningin. Kung sana'y ganuon din kabilis na lumimot sa nakaraan pero hindi para kay Kassandra. Hindi niya kailanman makakalimutan ang mga taong nagbigay ngiti sa buhay niya.

Umangat ang kanyang kamay na tila gustong panghawakan ang lahat ng mga imahe yon ngunit ang mga ito'y magiging parte nalamang ng mga alaalang uukit sa kanyang kaisipan. Pumikit ang kanyang mga mata at nagdasal ng taimtim. Umaasang didinggin ng langit ang hiling niyang mapabuti sa siyudad.

-----

"INAY, nandiyan na si Kassandra," mahinang bulong naman ni Joyce, ang bunsong anak nito. Agad naman itong tumayo upang salubungin si Kassandra sa hall ng ospital. Malayo palang ay tanaw na ni Kassandra ang pagluha nito,

"Nana Lena, kamusta si Mama?" Nanginig ang tono niya. Bitbit nito ang ilang prutas na ipapasalubong sana niya.

Tinitigan ito ng matanda, basado sa kanyang mukha ang nangingilid na niyang mga luha.

"Nasa kuwarto ang mama mo, n-nagpapahinga na Kassandra." Hinawi ng matanda ang kanyang buhok ngunit halata na pinipigilan nitong humikbi.

Ngumiti si Kassandra.

"May pasalubong ako sa kanya. Nakabenta ako ng marami ngayon," suminghot siya.

Pilit na ngumiti ang matanda matapos nuon ay higpit na yumakap ito sa kanya.

"Wala na siya, Kassandra. Iniwan na niya tayo." Dahan-dahang tumulo ang kanyang mga luha nang marinig ang mga katagang iyon ngunit bakit tila ayaw niyang maniwala.

"M-mali ang mga mensaheng ipinadala ni Joyce kanina. Alam kong matibay si Mama at hindi siya bibigay," paulit-ulit niyang pangungumbinsi sa kanyang sarili. Pinunasan niya ang pisngi matapos kumawala sa yakap na iyon.

"Titingnan ko lang si Mama sandali, Nana Lena, ipagbabalat ko siya nito, paborito kasi niya." Tumawa siya ng mahina tila nais itanggi sa sarili ang masamang pangitain ng matanda.

Marahang sinilip niya yung kuwarto. Hindi na mabilang ang mga luhang muling pumapatak sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kalamnan niya nang makalapit sa inang nasasakloban ng puting kumot ang katawan.

Dahan-dahang ibinaba niya ito upang makita ang payapang mukha ng kanyang ina. Bumuhos agad ang matinding sakit sa kanyang dibdib. Tila kakapusin na siya sa hininga dahil sa katotohang natunghayan.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ng kanyang ina at wala na ang dating init nito na dati rati'y humahagod sa kanyang makinis na mukha.

Bakit nakakapanibago para sa kanya ang panglalamig ng palad na iyon?

"Ma..." Mahinang tawag ni Kassandra. "M-mama, h-huwag mo akong iwan, M-Ma!" Dinig sa buong silid ang paghiyaw nito sa walang buhay niyang ina. Totoo ang lahat ng kanyang nakikita, tuluyuan na siyang iniwan nito.

Isang kamay naman ang marahang humagod sa kanyang likuran kasabay ng malambing nitong boses na sinasambit ang kanyang pangalan.

"Kassandra... Kassandra!"

-----

PAPIKIT-PIKIT siyang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Si Rosie na kanina pa kinakalabit ang kanyang likuran. Malapit na kasi ang istasyon kung saan sila baba. Mukhang sa pagkakataong iyon ay muli na naman n'yang napaniginipan ang kanyang ina. Pasimpleng pinunasan niya ang mga luhang gumuhit sa kanyang pisngi.

"Salamat Rosie, nakatulog kasi ako."

"Wala yon, ano ka ba? Saan ka ba tutuloy dito sa Hermanos?"

"Ah eh, ang totoo n'yan, maghahanap pa ako ng boarding house. Bukas na kasi yung interview ko sa pabrika."

"Ay! May alam ako. Ituturo ko sa'yo pagbaba natin." Ngumiti si Rosie, halata na gustong-gusto siyang kaibiganin nito.

"Sige, salamat ha. Hulog ka talaga ng langit."

Pagak na natawa naman si Rosie sa sinabi niya.

Hindi naman mapatid ang pagkamangha niya sa mga nagtataasang gusali. Ito na ang bagong landas na tatahakin ng kanyang mga paa at dito na marahil magsisimula ang panibagong pagsubok sa buhay ni Kassandra.

-Sky Flake

(Please continue reading to: Chapter 1)

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now