Chapter 13: What have I done?

2.8K 66 29
                                    

Sana's PoV

Tumigil na kami sa isang dagat. Oh, sa dagat naman kami ngayon? Not bad, pwede naman mag-swimming e.

Balak ko silang sorpresahin ngayon. Soyeh, hindi ako magpapakita sakanila. I'll surprise them nga di ba? Ang tanga ko.

"Sige manong, bye--" aba, bastos! Hindi man lang ako hinintay na magsalita, pinaandar na agad yung bus. But, ang tanga niya. Hindi niya kinonfiscate yung cellphone ko.

Naglakad-lakad ako hanggang sa may makita akong mga gamit. So, nandito nga sila? Pero nasan sila? Ah, baka nag-swimming.

Pumunta ako sa medyo tagong bahagi ng dagat. May mga puno dito e. May narinig akong nag-uusap and to my surprise, it's Kookie, with Tzuyu. Nagyayakapan sila and.. ?#!* they even kissed.

"Kookie, makinig ka. Mahal kita."

"Mahal na mahal rin kita.."

Hindi ko na narinig yung iba dahil umalis na ako. Di ba dapat masaya ako ngayon? Success na yung plano ko oh. In love na agad sila. Pero bakit.. ganun?

Masakit, oo.

Ang selfish mo, Sana.

Siguro nga, kailangan sanayin ko na yung sarili ko. Kung ngayon nga, hindi ko na makaya na tignan silang ganun, what more kung ipag-match ko sila di ba?

Nilapag ko na yung mga gamit ko and I must say, isa akong dakilang mandurugas dahil nagdala ako ng lighter, flashlight and cellphone na strictly prohibited na dalhin.

Pero, duh. Mahihirapan rin kami. And oh, one more thing. Nagbaon ako ng luto ko dahil alam ko naman na sawang sawa na sila sa isda.

See, hindi naman ako ganun ka-selfish.

"Uy, Sana!"

Nginitian ko si Mina. Namiss ko 'tong babaitang 'to. "Mina, miss me?" I winked. Hehe, alam ko naman na babarahin lang ako ng babaeng 'to kahit hindi ako inidoro.

"Duh, mandiri ka nga." sabay irap niya.

Tinulak ko siya ng kaunti "Umamin? Medyo?" naka-ngiti kong sabi.

"Yap, yap. Whatever. Buti naman gumaling ka na?" sinipa niya yung paa ko "Magpaka-clumsy ka ulit ha?"

"Your wish is my command. Thanks sa pagiging caring ha?" umupo ako sa trunk "Oh, kamusta kayo ni Jimin? Still have that weird feeling?" tumabi siya sakin at kinuha yung bato.

"Patagal ng patagal.." napalingon siya sakin "Lalong lumalala, it's like ayoko ng makita si Jimin. Forever." binato na niya yung hawak niyang bato sa may dagat.

Inikutan ko siya ng mata "As if namang malalayuan mo siya, forever. Remember, there's no forever. Lalo na't kinukulit ka niya." tumawa ako ng malakas.

"Tss. Girl, you're not helping." umiling-iling siya "Oh, kayo ni Jungkook? Kamusta?"

Napatigil ako sa pag-tawa "Ahm, ayun. Success na yung plan ko." pinilit ko na ngumiti pero yung luha ko, masyadong traydor. Tumulo sila.

Napa-tango siya "Ooh, ang tanga mo e. Pwede pa namang maging kayo pero ayan ka.. pinagpipilitan siya sa iba. Kahit alam mong masasaktan ka."

Minsan, helpful rin magkaroon ng prankang kaibigan. Lalo na, ang tanga ko. Kailangan ko magising sa kahibangan ko.

"You're right pero may mga bagay na kahit pwede pa, kung pagod ka na girl, sumuko ka na. Pwede nga, pagod ka naman na, lalaban ka pa ba? For what? Para maulit yung katangahan mo?" pinunasan ko yung luha ko pero no avail, patuloy parin silang umaagos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gangster AcademyWhere stories live. Discover now