Chapter 11: Welcome me, Gangster Academy

1.6K 52 0
                                    

Someone's PoV

"Eto na ba 'yon?" tanong ni *** tumango nalang ako habang naka-tingin sa gate ng Gangster Academy.

So, eto na nga? Napa-ngiti ako. Wow lang, new school. Pero sabi nila, maganda daw dito kasi pwede kang maging ikaw. So meaning pwede akong maging murderer? Natawa nalang ako sa naisip ko yon.

Kung pwede ngang maging ako, edi sige. Papatay ako.

"This is it!! Balita ko may groups dito ah? Nagpa-list na ako sa Girl's Generation a.k.a Snsd. Is it okay with you girls?"

Ngumiti ako "Yah." kahit naman anong grupo okay lang e. Ang goal ko ngayon ay mabantayan lahat lahat ng kilos ni Tzuyu. Kailangan niyang magdusa.

May babaeng sumalubong saamin pagka-pasok namin sa gate. Mukhang mabait naman ang isang 'to. Sabi nila, masasama ang tao dito?

"You belong to type B. Girl's Generation." sabi niya at nauna ng maglakad.

Tzuyu's PoV

Ang weird naman. Bakit parang ang saya ko ngayon? Parang nararamdaman ko na wala ng nagbabantay sa mga kilos ko? Tumigil na kaya siya? Hay, sana nga tumigil na siya.

"Uy, Tzuyu!" tawag ni Dahyun.

Nilingon ko siya "Manguha ka naman ng kahoy dun. Samahan ka nalang ni Jungkook." utos niya.

Wow, ang lakas maka-utos neto ah! Sinusweldohan niya ako?

Tumayo si Jungkook at nauna na. "Excited yun ah?" asar sakin ni Jimin. Duh, hindi ako manhid para magkunwari na hindi ko alam ang meaning nun.

Sumunod nalang ako kay Jungkook hanggang sa kakahuyan. Ang creepy pala dito kahit lulubog palang yung araw.

"Oy Jungkook naman e~ hintay." hiyaw ko. Iniwan ba naman ako? Pano kung makasalubong ko yung siraulong nang-kidnap at nanampal sakin? Edi lalayuan ko na naman sila? Tsk.

Nagulat ako nung nag-pout siya "Ano ba naman kasi e! Bakit tayo pa yung inutusan?" ang cute niya. Ang sarap hilain ng nguso niya e.

Napangiti ako "Ang cute mo." gusto ko lang siya asarin pero what the? Nag-blush ba siya? Kahit medyo madilim na, tanaw ko pa rin ang pagba-blush niya e.

"Tsk. Tara na nga. Manguha na tayo." E? Anyare? Kanina lang ang cute niya tapos ngayon ang sungit na naman niya. May regels ata 'to e. Hay, intindihin na nga lang.

After ilang years! Naka-kuha na rin si kami ni Jungkook ng kahoy. Actually, siya lang naman talaga ang taga-kuha e. Taga-flash light lang ako sakanya.

Madilim na ngayon. Lumubog na yung araw e. Tsaka kanina pa hindi nagsasalita si Jungkook. Ang boring niya lang kasama. Para akong may kasamang poste.

At dahil hindi ako makatiis. Magtatanong nalang ako ng random sakanya. May naikwento sakin si Sana noon tungkol sa ex niya kaya na intriga ako ng sobra. Dati pa naman nagaaral si Jungkook sa Gangster Academy di ba? Baka alam niya kung sinong ex ni Sana.

"Jungkook?" wala siyang sagot kaya nagpatuloy nalang ako "Kilala mo ba yung ex ni Sana? May kinwento siya sakin tungkol dun e. Curious lang ako. Sabi niya, gusto niya pa rin daw si boy pero hindi na pwede."

Napahinto ako nang mabagsakan ako ni Jungkook ng kahoy. Naibagsak niya lahat. Napa-ngiti siya pero yung ngiting walang buhay? "I don't know. Just *?!# don't meddle with that story." matigas niyang sabi habang pinupulot yung mga kahoy.

Pero dahil makulit ako "Sino nga kasi yung boy?" naglakad na ako. Nasa likod ko lang siya.

"Makulit ka talaga?" tumango ako "I'm that boy. Okay? Happy now?"

Hindi pa ako kuntento e. Malayo pa naman yung lalakarin namin para makapunta sa mga tent kaya dadaldalin ko muna si Jungkook "Bakit kayo naghiwalay? Sinong nakipaghiwalay?"

"Dahil sakanya. It's her fault. Siya pa ang nakipag-break."

Oh. Napatango nalang ako sa sinabi niya at binilisan na namin maglakad. Pero malapit na kami nang may sinabi siya.

"Can we be friends?" sabay lahad niya ng kamay niya.
Wow. For real? Si Jungkook nakikipag-friends sakin?
"Yes. Friends." nakipag-kamay ako sakanya.

Sa wakas. Nandito na rin kami pero nagtitinginan sila samin ni Jungkook. Hala? Anong nangyayari?

Tinaasan ako ng kilay ni Dahyun "Ano yan ha Tzuyu?" ibinaba niya yung tingin niya sa kamay ko.. namin ni Jungkook.

Napa-bitaw naman ako kaagad. Like, magka-holding hands kami! Omygosh. Nakaka-hiya naman 'to. Tsk.

"Oh tara na. Magluto na tayo." thank you Jihyo! I labbbbyuuu talaga sobra.

Nakaupo lang ako dito sa buhanginan. Nasa pangpang ako. Hindi pa rin ako maka-move on dahil ex pala ni Jungkook si Sana? Wow. Grabe, friend ko na rin si Jungkook. Unexpected.

At kanina? Ang kulit niya na kausap. Hindi na siya snob kanina. Ang kulit kulit niya na super.

"Uy." umupo siya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko.

Si Jungkook pala.. "Oy! Bakit may pagsandal ka?" hindi naman niya ako pinansin kaya hinayaan ko nalang siya.

"Bat ka umalis dun kanina?" tanong niya sakin.

"Ang ingay nila dun e. Hehe." naaakwardan na talaga ako sa posisyon namin ni Jungkook. Ghash.

Ang ingay kasi nila dun kanina. "Tara na Jungkook. Baka natutulog na sila dun." niyugyog ko pa siya pero hindi siya bumabangon. Sinilip ko siya... tulog na siya. Tsk. So bubuhatin ko siya? No way humiga ako sa buhanginan kaya ang labas? Sa tyan ko siya naka-higa. Gosh.

Nagising ako sa malakas na hampas ng tubig sa mukha ko. Argh! Nakatulog pala kami ni Jungkook sa buhanginan. Pagtingin ko, pati si Jungkook nagising na rin.

"Fudge. Muntik na ako malunod dun. Tzuyu, bat hindi mo ako ginising?" tanong niya.

Tumayo sa siya pero ako naka-upo pa rin. Inabot niya yung kamay niya sakin kaya tinanggap ko iyon. Bakit parang nas-sweetan ako kay Jungkook?

Masama 'to pag nagkataon.

Hay! Umiling nalang ako para mawala yung mga walang kwenta kong iniisip. Duh, bakit ko naisip na mafa-fall ako kay Jungkook? E may chemistry nga sila ni Sana e. At ano ako, isang matangkad na epal? Duh. No, never.

"Ang ganda mo..." natigil ako sa pag-iling dahil sa sinabi ni Jungkook. He just... what? "... ang ganda mo itapon." at humagalpak siya ng tawa.

Gosh! Sana magka-away nalang kami. Edi hindi niya ako inaasar ngayon?

Inirapan ko siya at binilisan nalang ang lakad. Ha! Nakakatawa grabe.

Hinila ni Jungkook yung braso ko "Sorry. Maganda ka naman talaga e." humarap ako sakanya para irapan siya "Uy! Nagba-blush ka sakin." pang-aasar pa niya. Jusko! Kailan titigil 'tong si Jungkook?

"Manahimik ka nga dyan." pigil ko sakanya. Ang ingay niya kasi, grabe. "Kung hindi, isusubsob kita dyan sa buhangin!" banta ko.

Tumigil na siya sa kakatawa pero tumawa na naman siya "H-hindi na. Pfft!" natatawa talaga siya e.

"Jungkook! Manahimik ka!"

"Kookie." tumigil na siya sa pag-tawa "Call me Kookie." at nauna na siya sa paglalakad.

"Okay... Kookie."

Gangster AcademyWhere stories live. Discover now