Chapter 3: Class

3.6K 89 2
                                    

Chapter 3: Class.

Tzuyu's PoV

Pinaulanan ako ng sandamakmak na sermon ni Jihyo I mean kami ni Dahyun, na hindi daw dapat kami nakiki-pag away sa ka-type namin. Argh! As if naman na may pake ako no?

So, nag sabay na si Mina and Sana, Nayeon and Jihyo, Momo, Chaeyoung at Jungyeon, and lastly me and Dahyun.

Kami ni Dahyun yung pinaka-huling pumasok kasi napaka-tagal niyang mag-ready, like what the eff? Tapos ako pa yung sinisisi na, ang tagal ko daw maligo e siya nga yun e.

Lumapit sa'kin si Dahyun dala-dala yung backpack niya, bawal kasi ang hand bag or sling bag except sa dean, ang arte.

"Oh? Problema mo ba?" Tanong ko sakanya habang inaayos yung mga laman ng bag ko.

Umupo siya sa tabi ko nang naka-nguso, magpapa-kiss ata? Pero sorry siya, ayaw ko. "Tzuyu, hinalikan ako ni Taehyung of BTS, ninakaw niya ang virginity ko!" Singhal niya at may tumulo ngang luha sa mata niya.

Nanlaki naman agad yung mata ko at napa-takip ng bibig, "G-ginahasa ka niya?!" Gulat na gulat kong tanong sakanya, GOSH.

Bigla naman niya ako hinampas ng malakas sa braso ko, tangina ang sakit ha. "Bobo! Hinalikan niya lang ako 'no!" Galit na pasigaw niyang sabi.

Izinip ko na yung zipper ng bag ko "Tanga mo kasi mag-paliwanag e. What ever." Sabi ko at tumayo na para kunin yung black heeled shoes ko.

Pagkalabas namin ni Dahyun halos wala nang tao sa hallway, baka late na nga kami. Tinakbo ko nalang para hindi naman kami masobrang late, unang pasok namin, e.

Tinulak ko na yung pintuan, glass door siya yung parang sa mall.

Natigilan lahat sila nung dumating kami, yung iba titig na titig samin na parang mas takot pa sila sa mangyayari samin kesa samin ni Dahyun. Tumingin samin yung lecturer. Maskulado, mahaba ang buhok at gwapo. "Why are you late? And, you! The one who's hiding." Tanong niya samin, ano kayang isasagot ko?

Na, ang tagal maligo ni Dahyun?

Or, late na kami nagising?

Bahala na nga--- "A-ah, e-eh ang totoo po nyan Sir... Ah, eh... Na... na-LBM po kasi si Tzuyu e, Sir kaya po ganun by the way, we're sorry!" Nanginginig na sabi ni Dahyun, buti na lang mukhang pleased naman na yung teacher haaay, pero what?! Sinabi ba niya na, nag-LBM ako?! Gosh, this girl surely needs a lesson!

Umupo na kami sa assigned chairs namin at dun ako sa bandang dulo kung saan may katabi akong... Natutulog -_- the heck, hindi man lang tinablahan ng takot ah, lupet.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!"

Ibubuka palang sana ng lecturer na hunk ang bibig niya pero naka-sigaw na agad si Dahyun. Nakakahiya ang babaeng 'to!

Nilingon agad siya ng lecturer na hunk "Hey ms. Kim! Why are you shouting?!" Asked the lecturer.

"Ah, eh kasi... May ah, eh... Ipis! Oo ipis!" Sigaw ni Dahyun. I rolled my eyes. Alam ko naman na walang ipis dito and I know, every one knows that.

Tinaasan siya ng lecturer ng kilay "Ipis? Do you think may ipis, ipis?! Sa eskwelahang 'to?!?!" Halatang galit na yung lecturer kasi lumalabas na ang ugat niya sa may leeg niya, omy. Galit na siya, ang kaninang maingay at active na klase, ngayon parang nasa lamay na. Gosh Dahyun, what have you done?!

Naka-yuko lang si Dahyun "Sir, actually... Ah, eh... L-lizard po talaga yun." The eff?! Nakuha pa niyang sumagot sa ganitong sitwasyon?!

Lalong namula sa inis yung lecturer at walang anu-ano, binato niya ng eraser si Dahyun, yung hawakan pa is metal at napanganga ako dahil saktong sa mukha ni Dahyun tumama, sa ilong niya!!! Tatayo na sana ako para tulungan siya pero naunahan na ako magsalita nung lecturer na hunk sana kaso mukhang bakla.

Gangster AcademyWhere stories live. Discover now