Magaling si Prof Cattleya sa teleportation magic?? Wow, nahihirapan ako sa magic na iyun eh..


"Pusible po ba na hindi langdalawa o tatlong uri ng magic ang kayang gawing expertise ng isang mage??" tanong naman ni Flay


"Pusible Ms. Walker.. But normally dalawa o tatlong uri lang ng magic ang kayang gawing expertise ng isang mage.. Ang dahilan kung bakit namin itinuturo sa inyo ang lahat ng magic ngayong freshmen pa lang kayo ay para malaman nyo kung aling subject ang imamaster nyo at kung alin ang hindi nyo masyadong pagtutuunan ng oras.." sagot ni prof Cattleya


"Prof Cattleya may tanong pa po ako.. Ang kilalang witch of carnage, ilan po ang expertise magic nya para maging ganun kalakas..?" tanong ng isa na hindi ko kilala sa pangalan..


Natigilan sandali si Prof Cattleya.. "To be honest hindi rin ako sigurado.. Ang balita ko may lima syang expertise magic.." sagot ni Prof Cattleya


"Wow.." react ng mga kaklase ko


"Hindi lang yun ang nakakamangha.. Bukod sa limang expertise may apat din syang mastered magic sa halip na isa.. Ang alam ko celestial magic lang ang hindi nya kayang gawin.." dagdag pa ni prof Cattleya na parang pati sya ay hindi rin makapaniwala sa mga sinasabi nya..


"Totoo Prof Cattleya??"


"Wow..."


"Is she even human??"


"She's King Malcray Romanov's personal reaper. She's rumored to be this era's most powerful mage.. But anyway, kung gusto nyong maging kasing lakas nya mag-aral kayong mabuti.." saad ni Prof Cattleya


"How did she become that strong???" usisa ni Corrine


"Siguro nag-aral sya ng mabuti.. Teka nga, nawawala tayo sa topic.." reklamo ni Prof Cattleya kaya natawa kami


Pero sa totoo lang, kahit ako hindi ko alam kung paano at bakit malakas ang magic ni Mom..


"So as I was saying, this jem is called the Heaven's Stone.. Muka lang syang ordinaryong bato pero may special purpose ang jem na ito.. Once na hawakan ito ng isang magic-user and then magsend kayo ng energy nyo patungo dito sa jem, malalaman nyo kung gaano kalakas ang taglay nyong magic ngayon.." paliwanag ni Prof Cattleya


"Our magic is constantly growing, pusibleng mahina ang magic nyo ngayon pero lalakas pa sa hinaharap or pusible ding ngayon pa lang may taglay na kayong malakas na magic na patuloy pang lalakas in the future.. Once na mag-insert kayo ng energy nyo dito iilaw ang bato depende sa kung gaano kayo kalakas.. Yellow corresponds to weak magic force, red for average, and blue for strong magic, and darker color for stronger magic.. For example, dark violet ang ilaw nito noong sinubukan ko, meaning I'm super strong.. The darker the color, the more powerful your magic is.. And do you know? When the Witch of Carnage tried this, the Heaven's Stone exploded because she's too powerfull.. So isn't this fun??" nakangiting saad ni Prof Cattleya

Witchcraftजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें