[King Vincent: I can't say it here. I should tell you in person pag bumisita ulit ako sa university niyo or pag nagkita tayo ulit. Oh well. I need to sleep now. My mom's gonna kill me if I would be late tomorrow. Magwo-work muna kasi ako sa company namin dito while I'm here. Good night, Kate. Sweet dreams.]

[Kate: Good night, Aki. Sleep well. You're gonna need all the energy. Bye! :) ]



Pagkatapos kong i-send iyon, nag-offline na rin siya. Magla-logout na rin sana ako kaya lang bigla naman bumukas ang isa pang chat window. Maganda na sana ang gabi ko eh. Kaso heto na naman siya.


Ano na naman ba kaya ang kailangan nito kaya naisipan akong i-chat dito? Sana pala hindi ko na lang in-accept 'yung friend request niya dito kung alam ko lang.



[Dylan: Hi taba!]

[Kate: What the hell?! Ano na naman bang kailangan mo?!]

[Dylan: Ano pala? Mas gusto mo bang "takaw" ang itawag ko sa'yo? Hahaha!]



Kahit kailan talaga, hindi ako binibigyan ng katahimikan ng lalaking 'to. At sinong tinatawag niyang "taba" at "takaw"?! Excuse him!


Hindi ako mataba 'no! Hindi rin ako matakaw! Nagkakataon lang talagang hindi ako nakakapag-lunch kung minsan kaya napaparami ang kinakain kong snacks.



[Kate: Ewan ko sa'yo!]

[Dylan: Init na naman ng ulo mo! Chill!]

[Kate: Alam mo, puwede rin palang gamitin sa pickup line 'yung pangalan mo.]

[Dylan: Ah talaga? Sige nga!]

[Kate: Si Dylan ka ba?]

[Dylan: Oo.]



Wow ha. Napakatino talaga niyang kausap kahit kailan. Sinabi na ngang pickup line tapos ang isasagot niya, "Oo"?! Napakatalino! Grabe! Bigyan ng trophy sabay saksak sa baga para double achievement!



[Kate: Pickup line nga eh. Narcissistic!]

[Dylan: Paano ako naging narcissistic eh ako naman talaga si Dylan? Unless... nevermind. Hahaha! Sige na nga! Ulitin mo na lang. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang ka-cornyhan nitong chat natin.]

[Kate: Hiniling mo eh. Sige. Si Dylan ka ba?]

[Dylan: Bakit?]

[Kate: Kasi buwisit ka sa buhay ko! Bye!]



Pagkatapos kong i-send iyon, nag-logout na ako kaagad para hindi niya ako maabutan. Ha! Akin ang huling halakhak! Nakakainis kasi. Panira na nga ng araw, panira pa rin ng gabi. Ewan. Pero sa bagay, sanay na rin naman ako sa kanya. Kami lang din naman ang nambubuwisit sa isa't isa palagi.


Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa gilid ng kama ko. Pagtingin ko naman, nainis na naman ako nang nakita ko ang pangalan niya.


Kailan ba ako patatahimikin nitong lalaking ito?! Kahit na nabubuwisit na ako, binuksan ko na rin ang text. Baka kasi may 0.0001% chance na importante itong tinext niya sa akin.


{Hahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahaha! Akala ko naman kung ano yung sasabihin mo! Grabe ka naman! Pero ang corny talaga, Kate. Hahahahahahahahaha!}


Pinapamukha pa talaga sa akin eh 'no? Hindi pa yata siya nakaka-get over sa nonsense na pinag-usapan namin sa chat at kailangan pa niya akong i-text. Dahil doon, nag-reply na rin ako sa kanya.


{Sige, tawa pa. Pag may narinig o naamoy ako bukas sa SpComm11, kilala ko na kung sino.}


Tungkulin nga yata talaga naming inisin at buwisitin ang isa't isa. Para lang kaming nakikipaglaro sa isa't isa pero in a harsh way. Nagreply naman ulit siya sa akin.


{Huh? Virtual tawa lang naman 'yung ginawa ko ah. Hahahaha! Sabaw ka na, Kate! Matulog ka na. Malala na 'yang pagka-corny mo. Gusto mo, kantahan kita virtually? Sige, "Twinkle twinkle little corn, I wonder if you're watching porn" Hahahahaha! Good night, Kate! Dream of porn este corn! Hahahahaha!}


Inis na inis ko siyang ni-replyan. Halos mabasag na ang screen ng phone ko dahil sa napakadiin kong pagpindot dito. Bwisit kasi!


{PERVERT!}


At pagkatapos kong i-send sa kanya iyon, ibinato ko na lang sa gilid ng kama ko ang phone at nahiga sa kama ko. Paghiga ko naman, kumuha agad ako ng isang unan, tinakpan ko ang mukha ko, at sabay sigaw. Ganito ang ginagawa ko kapag buwisit na buwisit na ako at ayaw kong iparinig kay mommy na naiinis ako.






They Meet Again (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang