♜•60.

10.3K 337 302
                                    

————

~• Lance •~

————

Masaya naman ako na naiuwi ko si Sarah para sa kaarawan ni Dad.

Kahit na alam ko na mayroon silang problema ni kuya Erik base sa mga kinikilos nilang dalawa pinili ko nalang na huwag manghimasok sa relasyon nila.

Pero sana kung ano man iyon maayos rin nila agad.

*heavy sigh*

Maliban kay Sarah may isang panauhin pa kaming hinihintay na sana ay dumating sa araw na to.

At hindi naman nga kami binigo ni kuya Zach.

"Nandito na rin pala si Zachary!" Malakas na sabi ng isa sa mga bisita ni Dad.

At agad ko ding nakita si kuya Zachary na papalapit saamin.

At nakita ko naman si kuya Erik na humawak sa likod ni Sarah.

Geez. A very possessive man.

Well hindi ko naman masasabing siya lang.

It runs in the family.

"Kuya buti nakarating ka." Bati ko kay kuya Zach.

Akala ko talaga hindi mo pa sisipotin ang birthday ni Dad.

Saan ka ba nananatili all this time ha?

At hindi mo man lang maibahagi saamin.

Pero para bang hindi niya naman napansin ang bati ko sakanya agad siyang tumingin kay Sarah.

Habang si Sarah naman agad na umiwas ng tingin at humarap kay kuya Erik.

"Sarah kailangan nating mag-usap." Sabi ni kuya Zach.

Oh, si Sarah agad ang gusto mong makausap?

Kuya Zach naman.

Pero si kuya Erik naman ang sumagot sakanya.

"Importante ba ang sasabihin mo sakanya?" Aniya.

Bakit ba ang tindi ng tensyon sa pagitan nila?

Pansin ko naman ang tingin ni kuya Zachary kay Sarah.

"May kailangan akong ipagtapat sayo." Sabi ni kuya Zach.

Maging ako nabigla rin sa sinabi nya.

Habang si kuya Erik mukha namang nabibwisit na.

"Ah-sandali lang muna. Bago kaya muna kayo mag-usap or kung ano pa man yan. Pwede bang batiin nyo muna si Dad?" Sabat ko.

Parang hindi ito hahantong sa maganda eh.

Lahat naman sila natigilan sa sinambit ko.

"T-tama si kuya Lance, siguro ipagpaliban na muna natin to." Mabilis na sagot ni Sarah.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon