♜•15.

23.8K 855 320
                                    

——

~ Erik ~

——

-

Dapat sana nasa office ako ngayon pero eto. Nasa kwarto lang ako naka upo sa dulo ng higaan.

Tinakpan ko ng mga palad ko ang mga mata ko sandali.

*sigh*

I don't want this to get worse.

Nanatili nalang ako sa loob ng silid ko sa maghapon, ignoring all the calls and messages from work.

Hapon na ng bumababa ako galing sa kwarto ko.

"Sir Erik gusto nyo po bang ipaghanda ko kayo ng makakain o ma-iinom?" Tanong ni Manang Mercy.

"Hindi na po. Ayos lang."

"Sigurado po kayo?"

"Oo Manang." Pagkatapos pinabayaan nya na din ako.

Pumunta ko ng study room ko para magbasa nang ilang papers pampalipas ng oras.

Habang nagbabasa ko bigla namang may kumatok sa pinto.

"Sino yan?" Tanong ko.

Wala namang sumagot pero binuksan na nya ang pinto at tumuloy na.

Tsk. Kuya Zac.

"May kailangan ka ba kuya Zac?"

"Alam mo ba na bukas ng umaga na ang balik nila Dad?" Sabi nya na mukhang problemado ang mukha.

"Oh bakit may problema?" Anong masama sa pagbalik nila ng maaga.

Though ang alam ko matagal sila sa bakasyon nila ah.

"Hindi ko alam. Pero tumawag si Mom na magpapahanda daw bukas ng gabi dito sa bahay. Tss. Sinabihan nya ko na dapat nandito tayong lahat." Sabi ni kuya Zac.

"Then what's your problem with that? Wala namang problema sakin since gabi naman. Bakit may conflict na naman ba sa work mo?" Tanong ko naman sakanya.

Alam ko naman na walang ibang pwedeng dahilan tong si kuya Zac.

"Tss. Whether its conflict or not. Hindi ko pwedeng irason yon kay Mom. Gusto ko lang ipaalam sainyo ng masigurado ko na hindi kayo mawawala." Sabi nya pagkatapos lumabas na ng silid.

*sigh*

Get together dinner I see.

Si Mom kung ano-ano nalang na iisip.

While we were having dinner, kakarating lang ni Lance.

"Nasaan ba si Chad sa mga oras na to?" Tanong ni kuya Zac.

Umupo nalang din si Lance sa  opposite side sa mesa.

"Tsk. Sinabihan ko palang yung mokong na yon na huwag muna siyang makipaglandian sa mga araw na to dahil sa nalalapit kong event. Hindi rin talaga marunong pagsabihan si Chad." ani Lance.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon