♔•40.

15.3K 432 137
                                    

————

~ Andrew ~

————

Naka uwi ako ng bahay makalipas ang ilang oras na natapos ang libing ni Mommy Marielle.

Sila kuya Erik, kuya Lance at kuya Chad ang alam ko iniwan ko sila kasama pa ang ilang mga kamag-anak ni Dad at mga kaibigan ni Mommy.

Nagpaalam na ako sakanila na mauuna akong aalis kasama sila Sebastian at Jeff.
Pero ang totoo nyan ay ayoko sanang umalis.
Dahil hindi ko parin maisip na wala na ang pangalawa kong ina.

At siguro dahil alam nila Seb at Jeff ang nararamdaman ko hindi nila ko pinabayaan at iniwan.
Niyaya nalang nila ko sa isang tahimik at mas maayos na lugar kesa manatili ako sa cementeryo.

"Andrew pumunta nalang tayo sa bahay ko muna. Sigurado kong kanina pa ko hinihintay ng mga alaga ko." Sabi ni Jeff habang nagmamaneho.

Ngumiti naman si Seb mula sa passenger seat.

"Ah- yung mga aso mo." Sabi nya.

Kayo ng bahala.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay ni Jeff.

At pagpasok namin sinalubong kami ng apat na malalaking german shepherd na alaga niya.

"Oh haha, pasensya na kung nawala ako ng matagal. Oo na at kakain na kayo." Sabi ni Jeff sa mga aso nya.

Inaasahan ko na tatahol sakin ang mga aso nya dahil hindi nila ko kilala pero lumapit lang sila sakin at inamoy lang ako.

Kaya hindi rin ako gumalaw.

Mahirap na. Baka kagatin ako pagkatapos.

At ngumisi naman sa tabi si Jeff.

"You're stiff bro, hindi ka nila kakagatin. Ganyan sila kahit ngayon kalang nila nakita. Mababait talaga yan." Sabi ni Jeff.

Hinawakan naman sa ulo ni Sebastian ang isa sa mga aso.

"Yeah tama si Jeff, mabait talaga tong apat na to." Sabi nya.

"Haha, halika na nga kayong apat ." Tawag ni Jeff sa mga aso nya.

"Papakainin ko muna sila. Andrew, Seb tumuloy na kayo sa living room. Buksan nyo nalang yung tv kung gusto nyo." Dagdag nya at lumisan na kasama ang mga alaga nya.

"Tara Drew." yaya ni Seb at tumuloy na nga kami sa salas.

Na-upo ako sa couch and I just sighed in frustration.

"Drew, payapain mo ang sarili mo. Nasa mabuti nang kalagayan si Tita." sabi ni Seb sakin.

I know. And I really hope so.

Ngumiti nalang ako kay Seb.

Ganito lang talaga siguro kapag namatayan ka ng isang ina.
It must had been hard like this para sa mga kuya ko noong namatay din si Mommy after giving birth to me.

MFSBI II: Eyes Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon