Chapter 34

19.4K 367 30
                                    

Elaine's POV

"Pero ZEM hindi ba masyadong maaga?" Kinakabahan kong tanong at medyo lumayo sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya dahil siguro sa tanong ko.

"What do you mean early?" Tanong niya.

Hindi ba pwedeng pakasalan mo muna ako?

Hindi ko alam ang magagawa niya sa akin kapag tinanong ko 'yon kaya naman bumangon nalang ako at sinimulang kunin ang mga damit ko.

"You know I hate it when someone turns his back on me." Mahina at malamig niyang sabi.

Agad akong humarap sa kanya sa takot at binitawan nalang ang mga damit ko.

"Ahm, kalimutan nalang natin yung sinabi ko." Umusog nalang ako sa headboard at mas hinigpitan ang hawak sa kumot. "Wala din naman akong magagawa kung yun yung gusto mo." Dagdag ko ng mahina.

"Tell me what you mean about that 'early' word." Madiin niyang sabi.

"Ahm... sila Zaine at Aki. Hindi ba masyadong maaga para magkaroon sila ng kapatid?" Alanganin kong sabi.

Bumalik siya sa paghiga at hinila ako para yakapin siya.

"They'll be fine."

"Pero hindi ko sila matututukan kapag may bago na tayong anak. Kailangan nila ng oras ko lalo na si Aki dahil hindi ako ang mommy niya." Katwiran ko.

Hindi naman sa ayokong magka anak sa kanya. Pero kasi hindi pa 'ko handa at natatakot ako. Napakamaselan kong magbuntis at grabe ang hirap ko.

"I'll pay a lot of babysitters if that's what you want."

Gusto kong intindihin mo 'ko ZEM.

"ZEM... hindi pa talaga ako handa."

"I hate complaints. Aren't you aware?" Sarkastik niyang sabi. "You do not want to carry my child again, don't you?"

Agad akong umiling. "ZEM hindi naman sa ganon. Pero kasi isa pa... mahirap akong magbuntis eh."

"Then sacrifice."


- - - - - -


"Elaine, tawagin mo na rin sila ZEM. Luto na ang mga pagkain." Nakangiting sabi ni mommy.

Tumango naman ako at ngumiti.

Sila ZEM nalang kasi at ang mga bata ang wala pa dito sa baba para sa umagahan. Ngayong umaga na din kasi ang alis nila Yu-Rhi at TAM kasama ang mga pamilya nila pabalik sa Pilipinas.

Saktong nasa hagdan na 'ko nang makita ko si ZEM buhat ang dalawang bata sa magkabilang braso niya.

Nakangiti silang tatlo at tuwang tuwa sa isa't isa na nagpangiti din sa 'kin.

Masaya ang anak ko kasama ang daddy niya. Kaya kailangan talaga alagaan at buuin ko ang pamilya namin.

Tama naman si ZEM, kailangan kong magsakripisyo para sa pamilya dahil ina ako; kasama 'yon sa buhay ko. Kailangan kong pasayahin ang bawat isa sa kanila.

A Modern FairytaleWhere stories live. Discover now