Chapter 26

20K 405 33
                                    

Elaine's POV

Kinuha ni ZEM mula sa 'kin si Aki para makababa din ako ng sasakyan.

Parang naluluha na naman ang bata kaya naman agad ko siyang kinuha nang makababa ako.

"Hi anak."

"Mama..." Malungkot niyang sabi habang pinipigilan ang umiyak.

Sobrang sakit ng naramdaman ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko kakayanin kung makikita ko na ganito din si Zaine dahil malalayo ako sa kanya.

Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya. "Yes baby. Momma..." pagtuturo ko, tukoy sa sarili ko.

Gusto kong ituring niya 'ko na sarili niyang ina. Gusto kong maging komportable siya sa 'kin at ayoko siyang malungkot.

"Let's go inside Elaine." Rinig kong sabi ni ZEM.

Tumango ako sa kanya at sumunod na papasok sa mansion na kinalakihan niya.

"Let me carry him. He's heavy."

"Hindi na ZEM. Ayos lang. Naninibago siya." Mahina kong sabi.

Napansin ko ang dalawa pang sasakyan na dumagdag. Kanino naman kaya?

Pinag buksan kami ng pinto ng isang babae kaya naman tuloy tuloy na kami sa pagpasok.

Hindi nalang mommy at daddy ni ZEM kasama si Zaine ang nandoon sa sala... nandoon ang mga kambal ni ZEM, mga asawa nila, at mga anak.

Masayang nakikipaglaro si Zaine sa mga pinsan niya  na akala mo kakambal din niya.

"Nerd! You're alive!" Sigaw ni Yu-Rhi kaya naman lahat sila ay tumingin sa amin.

Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni ZEM sa kapatid niya bago lumapit sa mommy niya at hinalikan ito bago buhatin si Zaine.

Tumayo si mommy at nilapitan kami ni Aki. "Oh darling..." Malambing na sabi niya.

Kukunin niya sana si Zaine pero agad siyang umiyak kaya naman niyakap ko siya at inalo.

"Honey maybe you should help him sleep." Sabi ni dad at tumango sa direksyon ng hagdan.

"Yeah. You know my room here right?" Tanong ni ZEM.

Tumango nalang ako at lumapit sa kanya para halikan si Zaine saka nagpunta sa taas buhat buhat si Aki.

- - - - - -

TAM's POV

"Siya na ba yung isang anak ni ZEM?"

I looked at Aloha and pinched her nose. "Be quiet."

"Wow ZEM. The kid resemblances a lot of you." Nakangising sabi naman ni Brie habang pinupunasan ang kamay ni Breii.

"Of course. Sa lakas ba naman ng dugo namin hon." Pagmamalaki naman ni Yu-Rhi.

Oo kapatid. Sing lakas ng hangin mo.

"Shut up boy." Dad said with authority. "Bring Zaine down. Let them play. We all MEN have to talk at the garden." He stood and waited noone.

A Modern FairytaleWhere stories live. Discover now