Chapter 8

22.6K 451 10
                                    

Elaine's POV

"Ano ba'ng balak mo hija?" Malumanay na tanong ni ma'am habang hinahaplos ang mukha ni Zaine na dumedede pa rin.

"Hindi ko nga po alam ma'am eh. Sa totoo lang po ayoko nang maging pabigat sa inyo. Kaya-"

"Shh. Kahit kailan Elaine hindi kayo naging pabigat. Hindi mo ba nakikita kung gaano namin kamahal ang batang ito?" Malambing na sabi ni ma'am. "Hindi mo alam kung gaano ako napapasaya ng batang 'to. Kung ako lang ang masusunod... ayokong umalis kayo hija. Hindi mo sigurado kung ano'ng naghihintay doon sa lilipatan niyo. Hindi mo alam kung magiging maayos ba ang lagay ninyong mag ina doon."

Nakikita ko kung paano mamuo ang luha sa mata ni ma'am.

"Pero nahihiya po ako-"

"Hija... wag na kayong umalis. Dito nalang kayo. Gusto kong panoorin lumaki si Zaine. At nangako ako sa'yo hindi ba na pag aaralin pa kita?" At tuluyan na ngang siyang lumuha.

Napaka suwerte ko naman at nakilala ko si ma'am. Para ko na siyang nanay.

"Ma'am marami na po kayong tulong sa amin. Ayos na po."

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "Hindi anak. Ayokong umalis kayo. Malulungkot lang ako. At gusto kitang makapagtapos para na rin sa inyong mag ina."

"Maraming salamat po." Bulong ko at tumulo na rin ang mga luha ko.

"Wala 'yon. Salamat anak."

Tumango ako. "Opo."

Nagpunas siya ng luha at ngumiti. "Nagugutom kana ba-"

"Mom!"

Pareho kaming napatingin sa pintuan nang bumukas iyon kasabay ng sigaw ng isang babae.

Pumasok siya na masayang masaya pero biglang napatigil nang makita ako.

Bakit 'mom'? Kailan pa nagkaroon ng anak na babae si ma'am?

Sunod namang pumasok si sir James dala dala ang isang maleta at bag.

"Aliyah. Oh hi!" Bati ni ma'am nang makabawi na siya.

Inalis ko na mula sa bibig ni Zaine ang nipple ko at inayos ang sarili ko.

Aliyah? Siya siguro ang nabuntis ni sir.

"Papa!" Sigaw ni Zaine at madaling bumaba sa 'kin saka nagpunta kay sir.

"Zaine!" Kaagad namang binuhat ni sir si Zaine at hinalikan. "How are you?"

Nagsimula nang maglakad si sir James papunta sa itaas na parang walang ibang nakita kungdi si Zaine.

Tinignan ko uli ang babaeng nakatayo pa rin doon at nakita ko siyang nakatitig kila sir James na hindi maganda ang dating para sa 'kin.

"Ah Aliyah halika na at kakain na ng tanghalian." Sabi ni ma'am at lumapit sa babae.

Sa direksyon ko naman tumingin ang babae at nakataas ang kilay niya.

A Modern FairytaleWhere stories live. Discover now