Chapter 12

20.8K 453 9
                                    

Elaine's POV

"Good morning sir. Nandiyan po ba si Mr. Yu-Rhi Mendoza?" Magalang kong tanong sa lalakeng nasa may desk bago ang pinto ng office ni Mr. Mendoza.

Nag angat ng mukha ang lalake at kaagad ko siyang nakilala. Siya yung lalakeng unang nagpunta sa bahay at nagtanong kung nasaan ba si kuya noong nakaraang araw.

Tumayo siya at ngumiti ng bahagya. "Good morning madame. He's inside, and surely wants to talk to you."

Bakit ba kinakabahan ako palagi kapag kausap ko ang taong 'to?

Tumango nalang ako.

"Let me lead you." Sabi uli niya at naunang nag lakad papunta sa office.

Deretso lang siyang pumasok na akala mo bahay niya. Ngayon lang yata ako naka encounter ng ganito.

"Boss Yu-Rhi you have a visitor." Agad niyang sabi sa lalakeng kamukhang kamukha ng lalaking mahal ko na nakaupo sa swivel chair.

Buhok lang at pananamit ang pinag kaiba nila ni ZEM.

Ngumiti siya sa 'kin at katulad ni ZEM, meron din siyang dimple pero sa isang pisngi lang hindi katulad kay ZEM na mag kabila.

"Good morning Miss Santiago." Bati niya sa 'kin. "Get our guest some cake Dave." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin pa rin sa 'kin.

Nakakapanliit talaga kapag kaharap mo ang isang Mendoza at napatunayan ko yun kay ZEM at sa lalakeng kaharap ko. Iba kung tumitig ang mga mata nila na hindi biro ang ganda.

"Sure thing boss." Sagot naman ng secretary niya,siguro, at tumingin sa 'kin saka ngumiti bago lumabas ng office.

"Please sit down Ms. Santiago." Sabi ni Mr. Mendoza habang nakangiti.

Nakangiti siya pero bakit parang may ibig sabihin ang mata niya?

Ngumiti nalang din ako ng pilit at umupo kaharap siya.

"What did you come for Ms. Santiago?"

"Alam ko pong nagpunta dito ang kapatid ko.... at may gusto po akong ipakiusap." Malumanay kong sabi.

"And it is?"

Huminga muna ako ng malamim bago nagsalita. "Sir, sana po hindi na malaman ni ZEM ang tungkol sa pinunta ng kapatid ko."

"Give me one good reason."

"Ahm... basta po."

"Ms. Santiago..." Sabi niya at tumayo. "Bakit ba parang takot na takot kang lapitan ng kakambal ko ang anak mo?" Saka siya naupo sa tapat ko. "Does he even know that he has a child?"

"O-opo." Nakayuko kong sagot.

"Excuse me boss."

Bumalik ang lalake kanina at inilapag sa harap ko ang isang slice ng chocolate cake at inumin.

"At walang ginawa si ZEM?" Tanong ni Yu-Rhi sa 'kin. "You may leave Dave."

"Yes boss." Sabi lang ng lalake at tuluyan nang lumabas.

A Modern FairytaleWhere stories live. Discover now