Chapter 25

19.9K 427 22
                                    

Elaine's POV

"Elaine we're going somewhere."

Tumigil ako sa pagbabalat ng patatas at tumingin kay ZEM.

"Kasama ba si baby?" Tanong ko bago lumapit sa kanya at halikan siya.

Isang linggo na din simula nang nangyari ang pagpunta dito ng mga magulang ni ZEM. Sa isang linggo kahit papano naging maayos kami. Hindi na niya 'ko gaanong kinikibo. Hindi na rin siya masyadong marahas sa 'kin.

"We'll drop him at my parents." Tumalikod na siya at bumalik sa taas.

Itinuloy ko nalang din ang ginagawa ko para makapunta sa pupuntahan namin.

- - - - - -


"Zaine! Baby!" Sigaw ni mommy Anne habang papalapit sa amin pagkababa palang namin ng sasakyan.

"Mom please take care of Zaine for a while. We have to settle something important." Malamig na sabi ni ZEM na hindi na bumaba ng sasakyan.

"Sure honey. Take care." Tumingin naman siya sa 'kin at tumango. "You can go."

"Ito po yung gatas niya ma'am-"

"Mommy. Don't forget hon." Pagtatama niya sa 'kin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Sorry po mommy."

Kinuha niya ang maliit na bag ni Zaine na hawak ko. "Go now. Ako na ang bahala sa gwapong 'to."

Hinalikan ko lang sandali si baby at pumasok na sa sasakyan.

Pumasok na din sila mommy sa loob ng mansion.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko kay ZEM pagkalabas namin ng gate.

"At Arkisha's place."

Tumingin ako sa kanya na seryoso lang nag mamaneho. "Bakit tayo pupunta do'n?"

"Don't worry we will just fetch my son. Walang mag aalaga sa anak ko. Susundan niya ang asawa niya at isa pa niyang anak sa Los Angeles." Walang gana niyang sagot.

Ngumiti ako at tumango. "Sige. Gusto ko din siyang makilala."

Tinignan niya 'ko sandali at binalik sa daan ang paningin niya. "Hope you'll treat him like your own."

"Kahit hindi mo sabihin. Wala namang alam yung bata. At anak mo din siya. Tanggap ko siya ZEM. Pero sana pantay lang pagtingin mo sa kanila ni Zaine."

"Of course. What made you think I'll be unfair?"

Tumingin ako sa bintana bago nagsalita ng mahina. "Kasi mahal mo yung nanay ni Akhiro."

"You mothers have nothing to do with the love that I have for my sons." Mahina niyang sagot.

Tumango nalang ako sa kanya at pumikit. Puyat ako kagabi dahil iyak ng iyak si baby. Gusto kong umidlip kahit sandali.

- - - - - -

"Elaine we're here."

A Modern FairytaleWhere stories live. Discover now